Chapter Twenty-Eight

110K 4.2K 1.1K
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

SIGURO, sa ibang pagkakataon ay mag-e-enjoy si Czarina na may anim na makikisig na lalaki sa harap niya. Nasa kanya ang buong atensyon. Hindi ba pantasya iyon ng ilang babae? Ang mapaligiran ng mga guwapo?

But not her. Nanliliit siya sa titig ng anim na pinsan ni Bari. Parang hindi siya palalabasin ng buhay! Nakailang dasal na ba siya na sana ay bumuka ang mga lupa at sakupin siya?

Gideon sighed. "Boys, let's leave Czarina alone."

"Sandali lang," pigil ni Charlie. "Dapat malaman muna natin kung bakit hinahalikan niya si Kuya Bari habang tulog!"

"Magnanakaw ka pala ng halik, ah! Alam ba ni Johann ito?" dagdag pa ni Reynald.

Lumabi siya at mas napayuko. Ano ba kasi si Bari? Bakit hindi pa rin magising ang asawa niya?

"Kung nakaabot ka na hanggang sa library ni Kuya Bari, ibig sabihin, hindi ka lang basta kapitbahay," sapantaha pa ni Dylan. Pinadaan nito ang daliri sa mga labi. "Hmm."

"Kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Ibarra, hindi ba dapat ay sa kanya na natin tanungin?" pagtatanggol ni Gideon. Palibhasa, alam nito ang sikreto ng pinakamatandang pinsan ng mga Anderson. "Come on, boys. Let's not corner a woman."

"We're not cornering her," apela ni Ramses. "We're simply asking her a question. At mula pa kanina ay wala siyang sinasagot."

"Just let her go," pilit pa ni Gideon.

"Hindi. Dapat malaman muna natin kung anong mayroon sa kanila ni Kuya Bari," angal ni Charlie. "Come on! Kilala nating lahat si Czarina as Johann's girl before Sapphire. And now, we caught her in that situation?"

"May gusto ka ba kay Kuya Bari?" matiim na tanong ni Ramses sa kanya. She can lie to lawyer, can't she?

Pero bakit ba? Bakit nga ba niya hindi madiretsa ang mga ito? May new year's resolution siya, ah! Hindi niya itatago si Bari bilang asawa niya.

Napakamot siya sa pisngi. Kaso lang baka naman magulantang ang mga ito kapag inamin niyang eight years na silang mag-asawa ni Bari? Baka naman makuwento niya pa ng buo ang pinagdaanan nila ni Bari? She has a flight to catch!

"Si Kuya Bari na lang ang tanungin natin," pamimilit pa rin ni Gideon. Humarang na ito sa harap niya para matakpan siya sa nanunuring tingin ng mga pinsan nito.

"Abogado ka ba niya?" nakatawang sambit ni Charlie. "O may alam ka rin kaya todo ang pagtatanggol mo sa kanya?"

Napalunok si Czarina. "Ahm... okay, I admit."

Lahat na naman ng mga mata ay nakatutok sa kanya.

Tumikhim siya at tumayo ng tuwid. Sinilip niya si Bari mula sa loob ng library. Tulog na tulog pa rin! Walang kaalam-alam na nagigisa na siya doon! "Uh... ahm...Bari and I have a commitment already. I love him. T-That's all I can say." Saka siya napayuko ulit.

Naghanda na siya sa susunod pang ibubugang tanong ng mga lalaki. But they were all just smiling when she turned to them.

"Okay," ani Reynald. Parang satisfied na doon.

"O, di'ba? Hindi naman mahirap aminin na may relasyon nga kayo ni Kuya Bari," sabi naman ni Charlie.

"Iyon lang naman ang gusto naming marinig," nakangiting sabi ni Dylan.

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon