Chapter Nineteen

80.1K 3K 424
                                    

CHAPTER NINETEEN

PADABOG na umupo si Czarina sa kama ni Bari. "Ano bang rules iyan? Bakit may rules?"

"Dahil napansin ko sa'yo, ginagawa mo lang sa'kin ang kahit na anong gusto mo. Sa gusto mong oras. Sa gustong mong panahon. Kung gusto mo lang. Hindi ba't parang laruan na ako sa'yo niyon?"

Umiling siya. "Magulo ang isip ko noon. Ngayon naman—"

"Kung ganoon ba ay iuurong na natin ang annulment?"

Hindi agad nakasagot si Czarina dahil nawala sa isip niya na patuloy pa rin pala ang annulment case nila.

"I knew it," sabi pa nito bago pa siya makasagot. "I just have five simple rules. First, you can't kiss me whenever you want to. Mahahalikan mo lang ako kung kaya mo nang maging asawa kong talaga. Iyong hindi na 'ko iiwan."

Napakamot siya sa pisngi. Bakit parang baliktad? Bakit parang dapat babae ay nagsasabi ng mga ganoon? Ngunit baliktad naman talaga ang mundo nilang dalawa dahil imbes na lalaki ang magulo, siya ang magulo!

"Second, no touching. No holding. Everything that consist of physical contact unless it's necessary."

"Sex?"

"Most especially, sex. No to that. I don't want you for a moment, Maria Clara. If you're ready to commit yourself again to me, then hold me more. If you won't, don't hold me and let go of me the next," seryosong seryoso ito. Matiim ang tingin sa kanya. "Understand?"

Parang isang maamong tupa na tumango si Czarina.

"Third, don't tell me you love me unless you're ready to prove it to me until this world ends. Words are empty until acted. Siguro'y mahal mo na naman ako ngayon pero kapag nagsawa ka ay aalis ka na naman. I don't want temporary love from you. Keep it to yourself if that's only what you can give."

Tumango ulit siya. May punto naman ito. Bari deserves more than what she can give. Looks like she had to learn again. To wait again.

"Fourth, don't... don't wear revealing clothes. I've told you since you were a kid, you will attract dirty minds."

"Even yours?" panghuhuli niya.

"Even mine," pag-amin naman nito. "Makasalanan na ang isip ng mga tao, don't provoke them more. Don't provoke me more."

Tinago niya ang ngiti. "Then, you'll be the one to break the second rule!"

"Kung hindi mo sasadyain para mabali ko iyon. Kilala kita, Czarina."

Nawala ang mga ngiti niya. Okay, fine. "Sige, tatapon ko na lahat ng mini-skirt ko at papalitan ng mga pantalon o ng mga pangmanang na bestida!" she sarcastically said.

"Very good."

Napailing lang siya. "Bakit ganoon? Bakit lahat ng rules ay sa'yo lang convenient?"

Nakakaasar ang ngisi nito. "Sino ba dito ang iniwanan? Sino dito ang laging nasasaktan? Sino ang naging desperado sa'ting dalawa?"

Natahimik si Czarina. Sabi niya nga. Wala siyang karapatang umangal.

"And lastly, our mission continues. At katulad ng pangako ko sa'yo noon, oras na magtagumpay ang lahat ng ito ay mas mapapadali ang annulment."

Ayaw na niya ng annulment! Ngunit hindi niya magawang sabihin iyon dahil... hindi niya rin alam kung desidido na ba siyang talaga o nadadala lang siya sa mga realizations niya lately. Hahayaan niya na lang muna si Bari.

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon