Chapter Three

95.7K 3.7K 749
                                    

CHAPTER THREE

"WHAT do you need?"

Napalabi si Czarina sa kaibigang si Eugene. "Bakit ba tuwing pupunta ako dito iyan ang tanong mo? Hindi pa puwedeng gusto lang kita bisitahin?"

He looked at her. "Hindi. May kailangan ka. Tell it. Hurry."

"Napakasungit mo!" sabay hampas sa braso nito. "Gusto kita makita. Makakuwentuhan. At saka gusto ko rin kumustahin ang anak mo. Sama mo ko minsan sa Tagaytay kapag bibisitahin mo siya."

"Come on now, Clara. What do you want?"

Niyakap niya ito sa baywang. "Eugene, nagkikita kami ni Bari."

Matagal na niyang inamin kay Eugene ang pagpapakasal nila ni Bari noon at ang mga rason niya kung bakit hindi nagtagal iyon at kung bakit hindi niya inilihim sa mga taong malalapit sa kanya, kahit rito.

Eugene was surprised. Para ngang nagtampo rin ito sa kanya. But since he's a guy, the next day, ayos din naman sila. That's what good about having a guy friend. Less drama.

"And?"

"I just want to ask if that's not wrong."

"Ilang beses na kayong nagkita?"

Nag-isip siya. "Three to four times."

"At ngayon ka lang nagtanong?" sarkastikong sabi nito. "Hindi siguro."

"Nagpapatulong siya sa'kin. At ayokong tanggihan kasi maganda naman ang gusto niyang mangyari."

"Then, there's nothing wrong."

Tiningala niya ito. "He told me he still loves me."

Kumunot ang noo nito. "That's not impossible since you're the one who left him."

"Yun nga! Ako ang nang-iwan. He should hate me."

"Men are not like that all the time," seryosong sagot nito. Lumayo ito sa kanya at saka tumalikod. "You should be thankful he didn't hate you."

"Nakaka-relate ka ba kay Bari? Di'ba mahal mo pa rin ang mama ni Heart?" habol niya rito.

Hindi ito sumagot at bumalik na sa ginagawa nitong trabaho bago niya abalahin sa opisina nito.

"Bakit ganoon? How come you still love the person who hurt you?"

"How come you hurt the person who loves you?" balik tanong nito na nakapagpatahimik kay Czarina.

Napayuko siya at napabuntong-hininga. "A-Alis na nga ako. Punta ka sa wedding ni Lana, ah! Isama mo si Heart. Bye!"

Mabilis siyang nakalabas sa opisina nito. Pero pagkalipas ng ilang segundo ay bumalik din siya sa loob.

"Eugene..."

Napabuga ito ng hangin. "Czarina, stop belittling yourself and blaming yourself for the child you lost. It happens. If Bari is still willing to take you, then go back to him."

"Pero si Johann..." Alam na rin nitong hinayaan niyang manligaw sa kanya ang lalaki.

Napahilot ito sa sentido. "Kasal ka pa. Alam ba niya? Dahil kung sasabihin mo, siguradong titigil siya."

"When I'm with Johann, nakakalimutan ko ang mga nangyari noon. Kapag kasama ko si Bari, naaalala ko ang lahat."

"It's like reading a novel, Czarina. Clearly, Johann is just your escape from reality. Bari is your reality."

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon