Chapter Eleven

86K 4K 1.1K
                                    

CHAPTER ELEVEN

"HEY! How dare you slap my friend?" lapit ng kasama ng babae. Aba, may back-up ang bitch!

Nameywang siya. "Because your friend is a liar. Anong karapatan niyang mag-assume na si Bari ang nanghipo sa kanya?" mataray niyang tugon at saka matalim na tumingin sa mga ito. "Mabait si Bari. Kaya huwag niyong inaakusahan ang asawa ko!"

Halatang nanggigil na rin ang babaeng nakatikim na ng dalawang sampal sa kanya. "Eh, sino pa bang manghihipo sa'kin? Siya lang naman ang nasa likod ko!" sabay turo nito kay Bari. "At anong malay mo diyan sa asawa mo? He's a pervert! Kung hindi pa 'ko sumigaw ay itutuloy niya ang ginagawa niya."

Akmang magsasalita si Bari ngunit nauna na si Czarina.

"Excuse me, Miss! Hindi kahit kailan manghihipo si Bari!" Kumuyom na ang mga kamao niya. Kapag nagpumilit pa ang babae ay susuntukin niya na. "Sa'kin niya lang gagawin iyon kasi ako ang asawa niya!"

May narinig siyang ilang impit na tawanan. But she doesn't care at all. Hinawakan niya sa kamay si Bari at tinago ito sa likod niya na para bang maitatago niya talaga ito, eh, mas matangkad pa ito sa kanya.

"Kahit asawa ka niya, anong assurance mo na hindi lang ikaw ang hinihipuan niyan? Siya ang nanghipo sa'kin! Manyak 'yang asawa mo—ouch!" tili ng babae nang sabunutan niya ito.

Nagkagulo ang mga tao habang sinasabunutan niya ang babae.

"Czarina!" pigil ni Bari sa baywang niya at pilit siyang nilalayo. Bumalot ang mga braso nito sa baywang niya.

Tumili rin at nanghingi ng saklolo ang kasama ng babae.

"Stop it! Stop i!" matinis na tili ng babaeng makapal ang mukha, hindi naman maganda. Hindi rin malaki ang boobs.

Walanghiya! Mas gusto ni Bari ng boobs kaysa puwet!

Hinila niya nang malakas ang buhok ng babae na para bang wig iyon na pilit niyang tinatanggal. Narinig niya ang pag-iyak nito. She felt a thrill and enjoyment when she heard the lady hurting.

Shit!

Agad niyang binitawan ang buhok ng babae. Nailayo na ito sa kanya ng ilang tao.

"Czarina..." pakiusap na sa kanya ni Bari. Ang mga labi nito ay nasa tainga niya na. "Maria Clara, it's not worth it."

Narinig niyang minura siya ng babae. "Fuck you, bitch!"

"You are the bitch, bitch!" sigaw niya pabalik. Ang lakas pa rin ng loob. Ang kapal ng mukha! "You are not even beautiful! Manalamin ka nga. Panget lang din ang hihipo sa'yo!"

Namula na ang buong mukha ng babae sa galit. Akmang susugod ito pero agad na itong napigilan ng kasama at nang mga tao. May van na huminto sa tabi ng mga ito.

"Pagtanggol mo pa iyang asawa mong manyak!" sigaw nito nang pilit na pinapasok na ito ng kasama sa van.

"Ugly bitch! My Bari won't even glance at you!"

Malakas na napatikhim na si Bari. Saka lang siya natigilan nang mapagtanto ang mga sinabi.

Nakaandar na paalis ang van na sinakyan ng dalawang babae. Bumalik na sa kanya-kanyang gawain ang mga tao. Ngunit may kaunting nakatingin pa rin sa kanya. Napakurap si Czarina. Her adrenaline went down.

"Ahmm..." nag-init ang buong niyang mukha. Napapikit siya at napayuko. Jeez! What she did was too cheap!

"Ipagpaumanhin niyo po ang nangyari," kalmadong wika ni Bari sa mga tao. Inakbayan siya nito at mas kinabig palapit sa katawan nito.

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon