Prologue

529 21 51
                                    

Prologue
Goodbyes

"Mahal kita ng higit pa sa sapat!" 'yun ang sabi mo sa akin isang araw habang magkasama tayo sa isang educational trip sa Tanuan, Batangas.

Kasama tayong lahat doon. Grupu-grupo tayo noon at kasama din natin ang mga kabarkada natin ngunit nangulit ka upang masolo ako at magkaroon tayo ng oras na tayong dalawa lamang.

"Mahal na mahal talaga kita, Lilah..." sabi mo bago ako marahang hinalikan sa pisngi at ang iyong mga mata ay nagiging malamlam habang nakatitig ito sa akin.

"Talaga? Ako din naman, Sam." buong puso kong sabi sa kanya bago tumingkayad at ginawaran muli ng isang matamis ngunit mabilis na halik lamang ang kanyang labi.

Natawa ako nang makita ko ang pisngi niyang namumula pati na rin ang kanyang dalawang tainga. Kinurot ko ang kanyang ilong bago tuluyang nagsalita.

"Ang gwapo gwapo mo talaga, Sam. Ano bang ginawa ko sa past life ko para maging kasintahan kita?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Hinila niya ako para sa isang mahigpit na yakap at hinalikan ang aking buhok. "Syempre, meant to be kasi tayo kaya yung pagkikita natin planado na talaga ni Lord 'yun. 'Wag mo ng isipin 'yon no..."

Gusto ko sanang makita ang kanyang mukha at kakalas sa kanyang yakap pero agad niya rin akong hinapit muli. Nag-simula siyang mag-hum ng isang kanta na alam na alam ko.

'Yun nga yung theme song naming dalawa eh. Nagkakilala din kami dahil sa kantang 'yon. Naaalala ko nga 'yung una naming pagkikita ni Sam.

Sa birthday party 'yon ng isang kaibigan namin. Mutual friends, ni hindi ko pa nga talaga siya kilala noon and I have my boyfriend that time. Akala ko nga noon ay ang boyfriend ko ng mga panahon na 'yon ang una at huli kong magiging nobyo.

Pero hindi pala.

Pinairal na naman ni Jenelle - yung birthday celebrant ang kalokohan niya. Pinakanta niya non si Sam ng kantang 'Akin Ka Na Lang' at si kumag ay kumanta nga talaga. Ang iniutos pa noon ni Jenelle ay kantahan ang isang babae sa party na 'yon.

Hindi ko naman ine-expect na ako pala ang kakantahan ni Sam. I don't even care about him at all before, ni hindi ko nga rin siya tinapunan ng tingin maliban na lang doon sa pagkakataon na ako ang kinantahan niya.

At si Sam- talagang lumapit pa sa akin at hinalikan ako sa pisngi kahit na hawak ng boyfriend ko noon ang kamay ko!

Doon nagsimula yung lahat. Ayoko noon kay Sam dahil napaka-presko at may pagkamayabang pero matalino at seryoso naman pala pagdating sa buhay at sa pamilya. Nalaman ko na may ibang babae pala yung boyfriend ko kaya naman agad akong nakipaghiwalay at nagawa ko pang magalit sa kanya kahit mas nangingibabaw ang sakit sa akin.

Sam helped me move on that time. Sinabi ko sa kanya na baka maging rebound lang siya pero sobrang kulit, talagang determinado siyang manligaw sa akin at 'yun ang talagang ginawa niya. Walong buwan siyang nanligaw sa akin hanggang sa napagdesisyunan kong sagutin siya sa mismong araw ng pasko.

At ngayon, magta-tatlong taon na kami. High school kami nang kinantahan niya ako at freshmen pa lamang kaming dalawa nang maging pormal na magkaibigan at tuluyang nanligaw.

"Ibahin na kaya natin 'yung theme song..." ani Sam bago pinisil ang aking kamay.

Kumunot ang noo ko, "Ano naman ang ipapalit nating kanta?" taka kong tanong sa kanya.

"Born for you..." at kasunod non ang biglaan niyang pagkanta. Aaminin kong sobrang ganda ng boses ni Sam pero ngayon ay hindi ko alam kung bakit biglaan na lamang siyang nawala sa tono.

"Sam!" singhal ko habang pinipigilan ang aking malakas na pagtawa. "Ano ba naman 'yan? Bakit w-wala ka sa tono?" at bumulanghit na ang isang malakas na tawa at paghalakhak mula sa akin.

Sam talaga, lagi mo na lamang akong napapasaya. Salamat sa'yo.

*

"Maghiwalay na lang tayo." pinal na sabi ni Sam sa akin bago binitawan ang aking kamay. Tuluyan nang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.

Kanina ko pa pinipigilan ang kanilang pagtulo pero ngayon ay hindi ko na kanya. Talagang nasasaktan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Sam.

"A-Ano? Bakit?" lito kong tanong sa kanya bago sinubukang abutin muli ang kanyang kamay ngunit mabilis na niya itong inilayo sa akin.

"Kailangan bang sabihin ko pa sa'yo ang rason?" tanong nito habang nag-iigting ang kanyang panga at mistulang hirap na hirap tumingin sa akin.

"Makikipaghiwalay ka ng walang rason? That's bullshit, Sam!" ani ko bago siya yinakap ng mahigpit, ang harapan ng kanyang asul na polo ay nababasa dahil na rin sa aking mga luha.

"Hindi na kita mahal!" sigaw nito sa akin bago ako malakas na itinulak.

Gulat akong napatitig kay Sam. May nakita akong emosyon na dumaan sa kanyang mga mata pero agad din naman iyong nawala. He gritted his teeth and glared at me, "Pwede ba? Nagmumukha kang desperada dahil sa ginagawa mo!"

"Sam, mahal kita! B-Bakit ba bigla na lang ganito? A-Anong nangyayari sa'yo?"

Sinuklay niya ang buhok gamit ang kanyang sariling mga daliri bago paulit-ulit na nagmura sa pabulong na paraan.

"Putangina naman. Bakit ba hindi mo maintindihan ha? Hindi na nga kita mahal!"

Mapait akong natawa bago tuluyang humagulgol.

"Nagkulang ba ako? May hindi ba ako nagawa? Sam, minahal naman kita diba? Mas mahal pa nga kita kaysa sa sarili ko, Sam! Bakit mo ginagawa sa'kin 'to? Ano bang pagkukulang ko? W-Wala naman diba? Sabihin mo naman sa'kin."

"It's not you, Lilah! Ako! Hindi na kita mahal. I fucking fell out of love okay? Pwede ba, h'wag mo na akong habulin."

"S-Sam..."

"Hindi na kita mahal, Delilah. I'm sorry."

"S-Sam please. Don't leave me, p-please..."

Tuluyan na akong nawalan ng lakas na hindi na ako makatayo. Na nanatili na lamang akong nakaluhod habang hawak ang kanyang kamay at nagmamaka-awang h'wag niya akong hiwalayan at iwanan.

"I'm sorry, Lilah. Parehas tayong hindi magiging masaya."

"S-Sam please!"

"Goodbye, Lilah..."

And that was the time when I started hating goodbyes and painful endings.

Why Samson Loved DelilahWhere stories live. Discover now