Chapter 18

94 8 1
                                    

Chapter Eighteen
Pag-amin

Lahat halos ng mata ay nakatutok sa'kin. Hindi ko sinasadyang mabitawan ang kubyertos ko pero huli na ang lahat nang subukan kong saluhin 'yon. Napapikit ako ng mariin, lamumin na lang sana ako ng lupa!

Umiwas ako ng tingin sa kanila. Para akong nabibingi sa ingay sa aking paligid. Hindi ako makatingin ng deretsyo sa mga matang nakatutok sa'kin. Hindi ako titingin. Ayokong tumingin.

"Delilah, I'm asking you. Would you give my little brother a chance?"

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. As I grasped the hem of my shirt tightly, I felt my knees weakened and trembled kahit pa nakaupo lamang ako. Nang dumilat ako ay hindi pa rin naaalis ang mga titig nila sa'kin.

Doon ko lamang napansin na wala na pala si Sunshine at si Migs. Ewan ko kung anong nangyari sa dalawang 'yon pero sinenyasan ako ni William na umalis si Sunshine at sinundan daw ito ni Migs.

"Hey Delilah or should I call you Lilah na lang for short? That's easier, huh? Can't you answer my question?"

My hands balled into fists. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatakas dito.

"Kuya Simon! Stop!" Hindi na napigilan ni Steve ang pag-sigaw. He held my hand at agad kong hinigit 'yon mula sa pagkakahawak niya.

Dahil 'yon na lamang ang naisip ko. Mabilis akong tumayo at umalis sa pwesto ko. Naramdaman kong umiinit ang gilid ng mga mata ko dahil sa ginawa niya. Bakit pakiramdam ko ay para akong napahiya? I creased my forehead and wiped my eyes kahit na wala pang tumutulong luha, gusto ko ng tuyuin agad!

Dumeretsyo ako sa labas at huminga nang malalim. Lalo lamang akong nakaramdam ng tensyon nang maalala ko ang pagkakatitig sa'kin ni Samson kanina. Iba 'yung mga titig niya, parang galit na hindi ko maintindihan. He has this expression in his eyes na para bang gusto akong hilahin papalapit sa kanya at dalhin palabas. Hindi ko naman alam kung ako lang talaga 'yon, kung naga-assume lamang ako o ganon talaga ang itsura niya.

It was like he wanted to grab my hand and hold it as tight as he can. Gusto ko sanang maramdaman ulit ang kamay niya na hawak-hawak ang mga kamay ko na para bang ayaw niya akong pakawalan katulad noon.

"Delilah!" Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. I tried to move pero hindi ko magawa, mistulang napako na lamang ako sa kinatatayuan ko.

Naramdaman ko na lamang na may biglang humigit sa aking braso, hinihila ako papalapit sa kanya. "Delilah! Hey-"

Marahas ang ginawa kong pagharap sa kanya. Pilit kong hinihigit ang braso ko mula sa kanyang pagkakahawak ngunit hindi ko magawa.

"Lilah, talk to me please..." anas ni Steve bago ako matagumpay na naiharap sa kanya. I was teary eyed pero pinilit ko na lang na hindi tumitig sa kanyang mga mata.

"Lilah, please... B-Bakit ka umalis don? I-I'm sorry about how my brother acted..." halos pabulong na sabi ni Steve habang nakatungo. Marahil ay nahihiya.

"S-Steve..." tawag ko sa kanyang pangalan. Naramdaman ko ang dahan-dahang pangangatog ng mga kamay ni Steve. I creased my forehead as he slowly looked at me and stared at me - directly at my eyes.

"Y-Yes?" It was like he's about to cry. From the looks of it, alam kong kinabahan din siya sa nangyari at sa ginawa ko.

"Sorry about what happened inside, Lilah. W-Wag kang makinig sa kuya ko. He's just joking!"

Kumunot ang aking noo, "Is he joking? O ikaw ang nagsisinungaling?" Matapang kong tanong sa kanya at tumitig nang deretso.

Steve froze. Unti-unting namilog ang kanyang mga mata hanggang siya na mismo ang umiwas ng tingin sa'kin. I took a step back and with a sigh, I asked him. "Is it true? That you l-like me?"

Why Samson Loved DelilahWhere stories live. Discover now