Chapter 39

43 4 0
                                    

Chapter Thirty-Nine
Tayo

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you!" Kanta nila mama at papa at ng buong pamilya namin habang pumapalakpak pa. I even sang. Kanina kasi pagdating ko sa bahay akala ko ay simpleng handaan lang pero may naganap pa bago ako kantahan at batiin ng maligayang kaarawan.

Ni-surprise pa ako ni Alisha, si Ynez naman ay sinabing hindi siya makakapunta at binawi ang sinabi niya kanina pero eto siya ngayon at may dalang regalo. Alston is here too... Pumasok na naman sa isip ko si Steve. Tinapon na ba talaga niya ang friendship naming dalawa? Tinanggal ko na lang muna siya sa isip ko at pinakita ang matamis kong ngiti sa lahat ng taong kasama ko.

"Hey... you okay?" tanong ni Samson sa akin habang nasa kusina kaming dalawa. I was washing my hands dahil sobrang lumagkit nang magpahiran sila ng cake sa mukha. Ang sabi ni Papa ay ayos lang naman daw 'yon dahil may isa pang cake, pero syempre dapat ay kainin pa rin naman yung kanina. 

Ngumiti naman ako kay Samson at mabilis na tumango. Tinitigan niya ako sa mata at parang kinikilatis ako kung nagsasabi nga ba ako ng totoo sa kanya. I narrowed my eyes and creased my forehead while looking back at him.

"You're not okay." It was not a question anymore, it's a statement. Napangiti ako at kinurot ang kanyang kaliwang pisngi. Hinawakan niya naman ang kamay ko pero hindi ito inalis mula sa pagkakahawak sa mukha niya. "What's bothering you, love?" tanong niya sa'kin.

I sadly smiled, "It's just that Steve didn't greet me. Kahapon man o ngayon, hindi niya man lang ako nite-text or tinatawagan. I mean, it's been months simula nung... simula nung sumuko siya sa'kin, hindi ba?" 

Samson chuckled and pulled me for a hug bago hinaplos ang buhok ko, "You know its hard to move on. We've been there, done that. Intindihin mo naman si Steve and moving on includes creating some distance..."

"Pero nakalimutan niya yung birthday ko..." ani ko at ngumuso. Muli na namang natawa si Samson dahilan para hampasin ko siya.

"Alam ba niya na birthday mo ngayon?" tanong sa'kin ni Steve.

Biglaan akong napatigil at natahimik. Alam nga ba niya? Mukhang hindi. Alam ko hindi niya alam, wala akong nasabi sa kanya kung kailan nga ba ang birthday ko! 

"H-Hindi..."

Tinitigan ako ni Samson sa mga mata matapos niya akong ihiwalay sa kanyang pagkakayakap sa'kin. He bit his lower lip na para bang nagpipigil ng tawa hanggang sa napasimangot na lang ako at siya naman ay bumulanghit sa isang malakas na halakhak. 

"Stop laughing! Ngayon ko lang naman naalala na hindi ko pala nasabi sa kanya..." Tumungo ako at napanguso hanggang sa maramdaman ko ang kamay ni Samson na nakahawak sa magkabilang balikat ko. Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang aking noo.

"You're so adorable, Delilah. Ang cute cute mo talaga, baby!" ani Samson bago kinurot ang magkabila kong pisngi at para bang gigil na gigil siya sa'kin. 

Hinampas ko naman ang mga kamay niyang kumukurot sa pisngi ko bago ko siya binigyan ng isang masamang tingin, "Tigilan mo nga ako. Hindi nakakatawang pinagtatawanan mo yung katangahan ko..." anas ko.

Kinagat ni Samson ang pang-ibaba niyang labi. Namumula ang kanyang pisngi pati na ang kanyang tainga. Naningkit ang mga mata ko, alam ko namang mas lalo siyang natatawa sa sinabi ko. Kahit naman ako ay medyo natawa na ganon pala ako kabilis makalimot na nakalimutan kong ni minsan pala ay hindi ko nabanggit kay Steve kung kailan gaganapin ang birthday ko.

"I'm sorry, love. It's just that you're so cute... Worrying about something na hindi mo naman pala nasabi sa kanya ni minsan..." Samson hugged my from behind, encircling his arms around my waist. I secretly smiled, inaamoy-amoy na naman ata ako ng lalakeng 'to, ah? Umusod lamang ako nang kaunti nang pumasok si Mama't Papa sa kusina kasama si Lance.

Why Samson Loved DelilahWhere stories live. Discover now