Chapter 42

58 3 0
                                    

Chapter Forty-Two
Fight

Mabilis akong umalis sa bahay nila Samson. I quickly drove my way to the hospital, hindi ako pwedeng mag-sayang ng oras. Anak ko ang nasa malubhang kalagayan! Pinaharurot ko ang sasakyan hanggang sa tuluyan na akong makarating sa ospital. Ipinark ko ang kotse bago ako  mabilis na bumaba at tumakbo papasok sa loob. Buti na lamang ay nai-text sa'kin ni Mama ang room number ni Lance. 

"Lance Jave Regalla, please. Room 203." Agad namang sinabi sa'kin ng nurse kung saan ang direksyon. Napansin niya na siguro na hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Sumakay ako sa elevator at pumindot hanggang sa makarating na ako sa floor kung nasaan ang kwartong tinutuluyan ng anak ko.

Mabilis ang lakad ko kanina hanggang sa bumagal na ito nang tuluyan na akong makalapit sa kwarto kung nasaan si Lance. Nanginginig ako sa takot at pag-aalala, pakiramdam ko'y kahit mag-salita ako ay walang boses na lalabas. I closed my eyes and breath, kailangan kong makita ang anak ko. Agad-agad kong binuksan ang pintuan at tumambad sa'kin ang walang malay na si Lance na nakahiga sa kama habang si Alston ay nagba-bantay sa kanya, nakatulog sa kanyang tabi.

Tumulo ang luha ko. Para silang nag-uunahan sa kung sino ang unang babagsak, kung saang mata ang muling magbabagsak ng luha. Pinigilan ko ang sarili ko mula sa pag-iyak dahil baka mamaya ay biglang magising si Lance, ayokong makita niya ako ng mahina pero hindi ko nagawa. Lumakas ang pag-iyak ko lalo na nung mayakap ko ang anak ko. Umaasa akong magiging siya dahil sa ingay ko, dahil sa pag-iyak ko, dahil sa pagmamaka-awa ko na sana dumilat na ang anak ko. Marahan kong inalog-alog ang natutulog kong anak, umaasang baka isang galaw ko pa sa kanya ay dumilat na siya.

"Anak... Anak, wake up. Mommy's here already. Hindi ka na iiwan ni mommy... Please Lance, gising na, anak..." iyak ko habang mahigpit kong yakap-yakap ang anak pero wala, hindi pa rin siya dumidilat.

Maya-maya ay naramdaman kong may gumalaw mula sa kama. I thought it was Lance kaya naman agad akong umasa pero hindi pala. It was Alston, nagising na siya dahil sa pag-iyak at pagyugyog ko kay Lance. Namumungay pa ang mga mata ni Alston at maga pa ito nang tumitig siya sa'kin, mukhang umiyak din ang lalakeng 'to.

"D-Delilah..." ani Alston bago unti-unting nanlaki ang kanyang mata. Parang gulat pa na nakita niya ako ngayon sa harap niya. "W-What are you doing here?" tanong ni Alston sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa'kin.

"What am I doing here? I'm his mother! Of course I should be here!" sigaw ko sa kanya bago pinunasan ang luha ko. Parang bumalik sa katinuan si Alston dahil sa pag-sigaw ko sa kanya. He shook his head slowly and bit his lower lip.

"I-I'm sorry. A-Akala ko lang hindi ka makakarating d-dito..." he was nervous. Ramdam ko dahil nangangatog yung boses ni Alston at para bang maiiyak kahit na ang pagsasalita niya pa sa tagalog ay nabubulol-bulol at hindi deretso. Hinilot ko ang sentido ko bago huminga ng malalim. Ano ba naman 'tong nangyayari sa'kin?

"I'm his mother. He needs me." walang emosyon kong sagot sa kanya bago itinuon ang atensyon sa anak ko. Napatingin ako sa isang couch na nasa loob ng kwarto at nadatnan ko doon ang mga gamit ni mama. Siguro ay naandito sila kanina, hindi man lang ako nahintay kahit saglit.

"What happened to Lance?" tanong ko habang inaayos ang bangs ng anak ko. Mahaba na pala ang buhok ng anak ko. Umabot na sa mga mata niya, buti na lang ay hindi ito natutusok. Ni minsan ay hindi naman nag-sumbong sa'kin si Lance na nangangati ang mata niya dahil sa kanyang buhok.

Tumingin sa akin si Alston, "I don't really know. When I went to your house, n-nahimatay na ang anak natin. We immediately brought him here, we were worried. The doctor said that he'll do some laboratory tests and we should wait for the results. H-hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Lance..."

Why Samson Loved DelilahWhere stories live. Discover now