Chapter 22

81 8 7
                                    

Chapter Twenty-Two
Lahat lahat

Pagdating namin sa Palawan ay dumeretsyo na agad kami sa resthouse nila Kenneth. Malapit lang ito sa dagat at presko ang simoy ng hangin. Napangiti ako, kailan ba 'yung huling beses na nakapunta ako sa dagat? Matagal na rin.

Siya pa nga ang kasama ko noon.

"Lilah..." tawag sa akin ni Steve nang makababa kami ng van. Natulala nga ako sa kanya. Hindi ko kasi napansin kanina ang suot niya pero ngayon ay pansin na pansin ko na. He looks really handsome at parang kaya atang dalhin ni Steve ang lahat ng damit na isinusuot niya.

He was wearing a red hawaiian board shorts and a fit v-neck top. Napunta tuloy ang tingin ko sa braso niya. Nagpe-flex yung muscles!

"Gusto mo ba makita ng wala akong pang-itaas? Libre lang naman." Natauhan ako sa sinabi ni Steve. Namilog ang mga mata ko nang mapagtantong matagal na rin pala akong nakatulala sa kanya.

"Anong makita? Ayoko nga!" bulalas ko bago tumalikod. Narinig ko ang pag-tawa ni Steve bago ako pinaharap sa kanya at kinurot ang pisngi ko.

"You're so cute. Lalo tuloy kitang nagugustuhan."

Naramdaman kong namula ang aking pisngi kaya naman laking pasalamat ko noong tinawag ako ng anak ko.

"Mommy!" Hinawakan ko ang kamay ni Lance bago ngumiti, "Yes, baby?"

"Pwede po bang kayla Tita Kenneth muna ako? Sabi niya po may ibibigay siya sa'kin!" paalam ni Lance habang masayang nakatingin sa akin.

Nanliit ang mga mata ko at napunta ang tingin kay Kenneth. Nang mag-tama ang tingin namin ay mabilis siyang umiwas, may pina-plano 'to, e!

"Sure. Basta be careful ha? Baka madapa ka." ani ko bago binitawan ang kamay ng anak ko. He gladly obliged bago mabilis na pumunta kay Kenneth at masayang nakipaglaro.

Tinignan ako ni Kenneth bago ito tumingin kay Steve at sa'kin ulit. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Nagkakaintindihan kayo ni Kenneth sa tingin lang?"

Tumango ako, "Kind of. You know, friendship goals." I awkwardly laughed and shrugged my shoulders, nagba- baka sakaling maalis ang pagka-ilang ko sa sitwasyon.

He chuckled and smiled at me, "Uh huh. Uhm... Lilah," tawag ni Steve sa akin. Nagkakalikot ako ng kung ano sa bag ko kaya naman hindi ako agad nakatingin sa kanya.

"Hm?"

"Uhm, I know a specific restaurant near here. Do you... want to have lunch with me?" tanong ni Steve sa'kin bago itinago ang mga kamay sa bulsa ng board shorts niya.

Gulat akong napatingin sa kanya, "Pero kasabay natin silang mag-lunch, hindi ba?" And I really do sounded na para bang ayokong maiwan na siya lang ang kasama at na para bang ayoko siyang kasabay kumain.

Nag-iwas ito ng tingin, "I mean... I just want to have some time with you..."

Napalunok ako. Mukhang nasaktan si Steve sa sinabi ko. I avoided his gaze and with a sigh I answered, "Sige..."

Mabils na napalingon sa'kin si Steve. Malapad ang kanyang ngiti pero bigla itong nawala na para bang itinatago niya ang ngiting 'yon, "L-Labag ba sa loob mo? Kung gusto mo talaga silang kasabay then it's fine with me..."

I smiled, "No. Its okay, its fine with me. I mean, they will understand. Alam naman nila na nanliligaw ka..."

Nahihiyang tumingin sa'kin si Steve bago inilagay ang isang kamay niya sa likod ng kanyang batok at matamis na ngumiti bago tumango, "Right..."

Why Samson Loved DelilahWhere stories live. Discover now