Chapter 05

172 10 0
                                    

Chapter Five
Handa

"Buti naman at nagising ka na."

Masungit na bungad ko kay Alisha nang tuluyan na siyang magising. Wala na siyang make-up dahil ako na ang nagbura non, ako na rin ang nagpalit ng damit niya.

She rubbed her eyes and yawned bago mabilis na dumapo ang kanyang kamay sa sentido niya.

"Shit, ang sakit ng ulo ko." reklamo niya habang dahan-dahan iyong hinihilot.

I raised an eyebrow habang pinupunasan ko ang ibabaw ng side drawer bago ako huminga ng malalim.

"Uminom ba naman ng apat na bote ng alak? Sinong hindi sasakit ang ulo doon kinabukasan?" panunuya ko pa sa kanya.

"I'm sorry." She breathed bago sumandal sa headboard ng kama. She sighed a few times bago mabilis na umiling.

"What happened last night?" kunot-noo niyang tanong saka tumayo at dumeretsyo sa may bintana para tignan ang view.

Napabuga ako ng hininga. "H'wag mo ng alamin..."

"May sinukahan ba ako...kagabi?" nag-aalangan at parang hindi siguradong tanong ni Alisha sa'kin.

Sarkastiko akong ngumisi. "Natatandaan mo pa?" tanong ko sa kanya bago ibinalik ang mga dapat ay nakapatong na gamit sa ibabaw ng drawer.

"Shit, I really did that?" hindi niya makapaniwalang tanong sa'kin. Tumango naman ako at doon niya sinabunutan ang kanyang sarili. "Oh my freaking gosh, nakakahiya!"

"Buti alam mo." ani ko bago pinagkrus ang dalawang braso ko sa ibabaw ng aking dibdib. Ilang beses na naman akong umirap ngayong araw dahil sa katangahan ng best friend ko, she's freaking reckless.

"Kilala ko ba yung nasukahan ko?" nanlalaki ang mga matang tanong niya sa'kin, humiliation was written all over her face.

Naningkit ang mga mata ko. "Unfortunately, no."

She cursed under her breath bago ilang beses na hinampas ang kanyang ulo. She breathed heavily bago tumitig sa kisame at bumulong. "What the hell did I just do? Nakakahiya talaga!"

Umiling ako at tumayo. "Diba ang sinabi ko sa'yo ay h'wag ka ng iinom dahil lagi kang ganoon? The last time na sinundo kita sa bar kasama si Jared ay sinukahan mo din siya!"

Kumunot ang kanyang noo. "Wait, who's Jared?"

Bumuntong hininga ako bago siya marahang tinampal sa pisngi. "Tanga ka na? Pinsan mo 'yun, bes."

"May pinsan akong Jared ang pangalan?" tanong niyang muli.

Napailing na lamang ako. "Seriously, Alisha! Nasobrahan ka na ata sa pagmo-move on na pati pangalan ng pinsan at kamag-anak mo ay nakalimutan mo na!"

She narrowed her eyes and stared at me, para bang inoobserbahan ako.

"What now?"

"Who are you?"

Isang malakas na hila sa buhok ang ginawa ko sa kanya. "Cut the crap, Alisha!"

She laughed loudly dahilan para mapairap na naman ako. "I'm sorry, okay? I was just kidding. Pero seryoso! Nakalimutan ko talaga ang pinsan kong si Jared..."

"Funny..." sarkastiko kong bulong bago inayos ang kalat sa sahig. Isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat na papel.

"Must be the effects of hangover, sobrang sakit talaga ng ulo ko, bes."

Nang matapon ko sa basurahan ang mga nagkalat na papel ay mabilis akong pumunta sa may pintuan. "May gamot diyan sa drawer, inumin mo. Punta lang ako kay Lance..." pagpapaalam ko.

Why Samson Loved DelilahWhere stories live. Discover now