Chapter 09

120 9 0
                                    

Chapter Nine
Tapat

Steve: Good morning, Delilah! Ngayon lang ako nagpa-text, ngayon lang din nakapagpa-load. Are you awake? :) 

'Yun ang bumungad na text sa'kin isang umaga. Napangiti na lamang ako dahil sa kanya, napaka-sweet ni kaibigan ni Steve. Sumandal na muna ako sa headboard at hinayaang maipahinga pa muna ng mas maigi ang aking katawan. I rubbed my eyes and yawmed. 

Ah, inaantok pa ako.

Hihiga pa sana ako pero biglaang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. 

"Bukas 'yan..." pasigaw kong sabi pero sa maayos na pamamaraan naman. 

Unti-unting bumukas ang pintuan at iniluwa non si mama na matamis na nakangiti sa'kin. I automatically smiled when I saw her face, it's been years simula noong huling binuksan ni mama ang pintuan ng kwarto ko at bisitahin ako ng ganito. Wala naman kasi silang kakayahang mabisita ako sa New York. 

"Hi anak, magandang umaga sa'yo." bati ni mama bago ako hinalikan sa noo.

Ngumiti ako pabalik, "Good morning, ma." 

Inilibot ni mama ang tingin sa kwarto. Bumuntong hininga ito bago umupo sa dulo ng aking kama at pinagmasdan akong maigi. Mabilis na kumunot ang aking noo.

"What's wrong, ma?" tanong ko kaagad sa kanya. Hindi kasi maipinta ang ekspresyon sa mukha ni mama, mukha siyang may problema. Nag-aalala tuloy ako.

"Wala naman anak. Na-realize ko lang na sobrang miss na miss pala kita higit sa pagkamiss ko nung wala ka. Lalo kitang na-miss noong nakita kita e!" paiyak na sabi ni mama bago pinunasan ang kanyang mga mata.

Mabilis akong bumangon at tumabi sa kanya. Napapatawa ako. Niyakap ko si mama at ipinalibot ang aking braso sa kanyang  mga balikat bago isinandal ang ulo ko sa kanyang ulo. "Mama, I missed you too. Lahat kayo kaya baka..."

Napunta ulit ang tingin sa akin ni mama, "Baka ano, anak?"

Ngumiti ako, "Baka dito na ako mag-stay for good."

Unti-unting tumaas ang gilid ng mga labi ni mama bago lumitaw ang isang malapad na ngiti. "Talaga, anak?" mistulang kumislap ang kanyang mga mata dahil sa aking narinig. 

Tumango ako, "Baka ho. Hindi ko pa po alam kung sigurado pero talaga naman pong may possibility." 

Pinaglapat ni mama ang kanyang mga labi bago hinawakan ang dalawang kamay ko, pinipisil- pisil ito. "Magiging masaya ka ba kung dito ka mag-stay?" tanong niya sa akin.

Simple akong tumango, "Oo naman po. Bakit naman po hindi? E, makakasama ko ang pamilya ko. Plus, mukhang mas masaya ho dito si Lance..."

Umiwas ng tingin si mama, "Naandito si Samson, hindi ba?"

Kumunot ang noo ko. "Dito ho sa Cavite? Yes, pero ang alam ko ay mag-stay siya sa Maynila..." nang biglaang may alaalang pumasok sa isip ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko at napatakip na lamang ako ng bibig. "He's staying here! Nakasalubong ko ho siya isang beses doon sa may coffee shop, ang sabi niya ay may a-apply-an siyang trabaho..."

Tumango-tango si mama at nanatiling tahimik lamang. Lalong lumalim ang gatla sa aking noo. Pilit akong ngumiti, "Mama. It's all okay, wala na naman ho ang nangyari dati. He moved on, I am too. Magkaibigan na nga lang ho ulit kami..."

Why Samson Loved DelilahOù les histoires vivent. Découvrez maintenant