Chapter 37

51 3 0
                                    

Sorry for the typos. I don't do backreads, thank you.

---

Chapter Thirty-Seven
Ruined

Kusa akong tumigil sa ginagawa ko nang pumasok na naman sa isip ko ang mga sinabi ni Alston sa'kin noong nakaraang linggo. Nilapag ko ang ballpen na hawak-hawak ko sa ibabaw ng lamesa saka bumuntong hininga. Napunta ang tingin ko sa isang estudyante na ko na wala na halos ginawa kung hindi ang matulog sa tuwing may mga pinapagawa ako sa buong klase - ay hindi lang pala sa tuwing may pinapagawa ako, he sleeps even during class. Ilang beses ko na siyang pinagalitan, pinatawag na nga siya sa guidance pati na ang mga magulang niya pero mukhang hindi nadadala ang batang 'yon sa mga warning na ibinigay sa kanya.

"Rica..." tawag ko sa babaeng estudyante ko na may maikling buhok na kulot ang dulo. She has this white skin at namumula-mula ang pisngi. Meron din siyang chinky eyes. May lahing korean-a nga pala ang batang ito. Nag-angat siya ng tingin at tumigil sa pagsusulat.

"Yes po, ma'am?" tanong nito sa'kin.

"Pwede bang pakigising 'yang katabi mo? Thirty minutes na lang ang natitira sa klase ko. Dalawang oras ang period natin, halos dalawang oras na rin siyang tulog..." Mahinang nag-tawanan ang mga estudyante ko. Sinenyasan ko na lamang silang tumahimik at mag-patuloy sa kanya-kanyang mga ginagawa.

Ibinalik ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko. I continued writing on my lesson plan. Biglaang may kumalabit sa'kin dahilan para mag-angat ako ng tingin. I saw Rica looking back at me.

"Bakit?" tanong ko.

"Ma'am, pwede ko po ba kayong makausap? Sa labas po sana. Yung tayong dalawa lang..." Mahinang sabi sa'kin ni Rica ngunit sapat na naman upang marinig ko. Bahagyang kumunot ang noo ko pero agad din iyong nawala nang makita kong nag-hihintay pala siya sa sagot ko.

"Is this an important matter?" tanong ko, medyo seryoso ang pagkakasabi ko nito kaya nakita ko ang biglaang pag-lunok ni Rica. Tahimik lamang siyang tumango. Tumikhim ako dahilan para tumingin sa akin ang buong klase.

"Class, may pag-uusapan lang kami ni Rica. Please behave and be quiet, okay? Tapusin niyo ang mga ginagawa ninyo. I'll be checking it pagkatapos kong makipag-usap kay Rica. Understood?" ani ko.

Sabay-sabay sumagot ang mga estudyante ko ng 'yes'. Tumalikod na ako sa kanila at sinamahan si Rica sa labas. Hindi ko mindali si Rica sa pag-sasalita because I saw how she fidgeted noong kami na lamang dalawa ang nasa labas. Marahil kinakabahan ang dalaga.

"Ma'am..."

"Tungkol saan ba ang sasabihin mo, Rica?" tanong ko sa kanya. Rica raised her head and bit her lower lip, "Tungkol po sana kay Francis..."

Kumunot ang noo ko, "Hindi mo nga pala siya ginising ano? Anong meron kay Francis?" tanong ko.

"P-Pabayaan niyo na lang po sana siyang matulog na muna. Puyat po kasi yon kagabi, ma'am. U-Umalis po siya sa bahay nila. Wala po siyang tulog kagabi, ma'am. Napilitan po siyang umalis sa bahay nila dahil na-nag-aaway na naman yung mga magulang niya, ma'am..." sumbong sa'kin ni Rica na parang naiiyak na at mukhang tutulo na ang luha kahit anong oras. I creased my forehead and heaved a sigh.

Hinawakan ko sa balikat si Rica at inayos ang pagkaka-harap niya sa'kin. Nag-aalangan siyang tumingin sa akin pero biglaan na lang siyang umiyak pero pinipigilan niyang maging malakas ang tunog nito. May makakarinig kasi sa kabilang klase. I hugged her and caressed her back. Alam kong apektadong-apektado si Rica sa mga pangyayari kay Francis. Halata ko.

Why Samson Loved DelilahWhere stories live. Discover now