Kabanata 14

8.2K 193 2
                                    

You

Huminga ako ng malalim habang inaamoy ko ang hangin mula sa syudad. I just got off the plane at naglalakad na ako papunta sa arriving area habang tulak tulak ko ang mga gamit noong may biglang humatak sa buhok ko mula sa likod. I managed to break free from the person who pulled my hair but I looked at them annoyingly na kaagad namang nawala noong makilala ko kung sino ito.

"Sandra..." I muttered.

"Pinahirapan mo pa kaming hanapin kang gaga ka! Four months, Venille..." There was longing in her eyes. "Four months kaming hirap na hirap kang hanapin then you just showed up here in my airport! Nananadya ka ba?!"

I sighed. I don't want one of my sisters crying.

I gently reached for her then hugged her. "I'm sorry, Sandra. I just have to do this. I'll tell you everything kapag nakarating na tayo sa bahay. Call the three lunatics, too."

Pinalis niya ang luhang tumulo at inilabas ang phone niya.

"Did you bring your car?"

"Of course! As soon as someone reported that you are about to arrive in my own airport I immediately went here."

I grinned. "Good."

She immediately instructed one of her men to put my baggages inside her car habang pinapasok naman niya ako sa sasakyan. Ilang sandali pa ay tuluyan na naming nilisan ang airport at pagkarating na pagkarating naming sa bahay ay kurot kaagad ni Stormy ang natanggap ko. Wow, I feel so loved.

"Pero bakit ka nagtago roon?! Is someone trying to kill you?!" Tanong ni Stormy pagkatapos kong sabihin sakanila na pumunta ako doon para magtago.

Umiling ako bago umiwas ng tingin. I don't know if I'm ready to tell them the truth. I know na masasaktan sila.

"Then what?! Tell us the truth! Dapat wala tayong tinatagong sekreto sa isa't isa. We're your sisters kahit na hindi tayo magkadugo. Parang pamilya na tayo."

Napabuntong-hininga ako.

It hurts me seeing them hurting for me. I hate the fact that it's my fault why they're sad.

"I..." Yumuko ako. "I'm sorry but I'm still not ready to tell you the truth..."

They sighed in defeat. "We don't know what to do with you, Venille. But always remember that we're here for you." I gave them a reassuring smile. Thank God for giving me, such understanding friends. I don't know what to do without them.

"I'm really sorry, ladies. Promise, I'll make it up to you."

Sandra pouted. "Babawi ka talaga!" Ingos niya.

Tumawa lang ako at lihim na nagpasalamat. Ilang oras pa ang inilaan namin para sa pag-uusap noong mapagdesisyunan nilang umuwi na. Pagod na umupo ako sa kama. At last! I'm finally home again. Pagod na kinuha ko ang phone sa purse ko nang maramdaman kong nag-vibrate iyon. Tiningnan ko kung sino ang nagtext. Kaagad namang kumunot ang noo ko.

It's that bitch again.

Unkown number:

Finally home, little bitch? You really don't learn and because you don't learn, I'll give you a punishment. No, a gift.

Nagsitaasan ang balahibo ko sa text na nabasa ko. Who the hell is this?! This texter creeps me out! Kapag nakatanggap pa ako ng isa pang text, I'll really report whoever this is!

Tumayo ako at kaagad na nagtungo sa shower. I need a cold one. I stripped off my clothes and went for the shower. Pagkatapos kong mag shower ay nagbihis na ako.

Pababa ako sa hagdan ng bahay ko noong may mag doorbell sa labas. Tumingin ako sa hawak kong phone at binuksan iyon para makita kung anong oras na. It was just 8:32 in the evening, too early for me to sleep, but made me confused as to who's outside my house this night.

Tinungo ko kaagad ang pintuan at binuksan ito. Nanalaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang mga ito.

"Good evening, Venille." Bati ni Grayson habang naka-angkla sa kaniya si Blaze na mukhang lasing na lasing.

"Gray..." Nawala na ang panlalaki ng mga mata ko. "What are you doing here?"

Tinapik niya ang balikat ni Blaze na parang ginigising ito. "This guy here," he points to blaze. "Just spread the news to everyone that he's married to you when he discovered that you finally returned home."

My mouth parted. "W-what?"

"I said, ikinalat niya ang-"

"No! That's not what I mean!" I sighed. "Bakit niya ipinagkalat na kasal kami?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "I don't know. Better ask him yourself." Tiningnan niya ang kaibiga. "Can you point me to your bedroom? He's fucking heavy." He said. Halatang nabibigatan na nga talaga sa asawa ko.

Kaagad naman akong tumalima at pinagbuksan siya ng pintuan bago itinuro kung nasaan ang kwarto ko. Maingat niyang inihiga si Blaze sa kama ko bago siya nagpaalam para umuwi.

Kaagad akong kumuha ng maligamgam na tubig at malinis na twalya. Bumuntong-hininga muna ako bago umupo sa tabi niya at hinubad ng paunti-unti ang suot niyang damit.

Pagkatapos ko siyang malinisan ay kaagad ko siyang binihisan ng malinis na damit na nasa bahay ko pa at inayos ang pagkakahiga niya. Tumitig muna ako sa kanya ng mga ilang segundo bago ko napagdesisyunan na humiga sa tabi niya.

Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya para makita ko ng klaro ang kanyang maamong mukha. Inangat ko ang kamay ko at maingat na hinaplos ang kanyang pisngi.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo? This is not you." Mabigat ang hininga niya kaya alam kong tulog na tulog siya.

Inangat ko ng kaunti ang sarili para halikan siya sa noo. When my lips left his forehead, he suddenly spoke that stopped me from moving,

"Venus Camille... Baby... Please go home..." Mahina niyang sabi habang nakapikit.

Naramdaman ko naman ang biglang panggigilid ng luha sa mga mata ko. Humiga ako sa tabi niya at inilapit ng mabuti ang katawan sa kanya. I embraced him while I was letting my tears fall down from my eyes.

"I'm here, Blaze... I'm here..." I whispered as I buried my face to his chest.

This time, I won't leave you again, Blaze. Kahit anong mangyari pipilitin kong intindihin ka at kung ano man ang mga desisyon na gagawin nating dalawa para mapatibay lang ang pagsasama natin. I promise this to you. Hinding-hindi na kita iiwanan lalo na't nakauwi na ako sa'yo. I'm in my home now.

STONE MIKAELSON

Her Sweet Secret | Venus Camille (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα