Kabanata 15

8.4K 210 1
                                    

Insults

Matirik na ang araw ngunit tulog na tulog pa rin si Blaze sa kama ko. Even though he got wasted last night, he still looks handsome to my eyes. Kahit nga ang munting pagkunot ng noo niya ay parang mas nakadagdag pa sa kagwapuhan niya kahit na tulog.

I smiled a little when I saw his eyelids moved, indicating that he's about to wake up. I sat down on the bed beside him while waiting for him to open his eyes. Seconds later, he finally woke up.

Sinapo niya ang ulo habang pinipilit na makaupo. "Fuck..."

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang hinihintay siyang makita ako. Maingat siya umupo ng maayos habang hinihilot parin ang sentido niya. Inilibot niya ang paningin hanggang sa mapunta ito sa'kin.

Umawang ang mga mapupula niyang labi habang malalaki ang mga matang nakatingin sa'kin.

"Wife..." Aniya na hindi makapaniwala sa nakikita.

Ngumiti lamang ako sa kanya bago ko maingat na hinaplos ang medyo magulo niyang buhok. He was only staring at me as I stood up to get his hangover juice before returning to the bed again.

He was just looking at me like I'm some ghost. Hindi ko naman mapigilan na mas lalong mapangiti dahil parang naging cute siya sa paningin ko.

Kinuha ko ang basong my hangover juice para sa kanya. "Drink this para mawala 'yang hangover mo."

Kaagad niya naman itong kinuha at ininom. Pagkatapos niyang uminom, inilagay niya ito sa bedside table at tumingin na naman sa'kin.

"You're here..."

Mahina lang akong tumawa dahil halata sa boses niya na parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita.

Inilapit niya ang kamay sa pisngi ko. Pinigilan ko na huwag mapapikit noong maramdaman ko ang kagaspangan ng palad niya sa pisngi ko. Even his warmth coming from there made me miss him so much more.

"You're really here..." He said again before suddenly pulling me against him for a hug. Masyadong mahigpit ang yakap niya sa'kin kaya tinulak ko siya ng mahina.

"Too tight, Blaze." Angil ko.

Kaagad niya naman akong binitawan at humingi ng paumanhin.

"I'm sorry, are you hurt?" Nag-aalala niyang tanong.

Umiling lang ako at ngumiti sa kaniya. Napasinghap siya ng bigla ko siyang niyakap at sumandal sa dibdib niya. I sighed in contentment. My Blaze, my home.

"I'm so sorry for leaving, Blaze. Sorry kung nasaktan kita. I'm sorry dahil sobrang selfish ko." Naluluha kong bulong habang nakayakap pa rin sa kanya.

Hinaplos niya ang buhok ko at mas isinandal niya pa ako sa kanyang dibdib.

"Naiintindihan ko naman kung bakit ka umalis. You need some time for yourself."

Ilang sandali pa ang lumipas bago kami bumitaw sa isa't isa at pinunasan niya ang tumulong luha sa mga mata ko. Nakangiti na siya sa'kin ngayon, making my smile wider too.

Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako ulit.

"I miss you..." Bulong niya.

"I miss you too, Blaze..."

After we've talked to each other, kaagad ko siyang inanyayahan na pumunta sa dining room para kumain na. Kung hindi lang tumunog ang tiyan niya ay baka hindi pa siya pumayag na bumaba. Nasa tabi ko siya habang kumakain kami nang may maalala akong importanteng bagay na dapat kong sabihin sa kanya.

I stopped eating and looked at him.

"Blaze,"

Napatigil siya sa pagkain ng marinig niyang tinawag ko ang pangalan niya. Nakakunot ang noong humarap siya sa'kin.

"Yes, wife?"

Ngumiti ako. "May sasabihin ako sa'yo."

Tumaas ang isa niyang kilay sa sinabi ko. "What is it?"

Mas lumapad pa ang pagkakangiti ko. I hope he'll not choke after this.

"I'm—"

"I noticed that you gained some weight." Pagpuputol niya bigla bago nanlaki ang mga mata. "I'm sorry, you can continue what you're about to say now."

Uminit naman ang ulo ko sa sinabi niya. What?!

"Ass." I muttered annoyingly. "Bunti—"

Again, I was interrupted by the sound of the doorbell. Naiinis na tumayo ako at padabog na pumunta sa may pintuan at binuksan ito.

Bumungad sa'kin ang isang babaeng kulay gray ang buhok, maganda at may shape ang katawan. She's also wearing a dress that has a low neckline kaya kita ang cleavage niya sa kunting yuko niya lang.

"May I help you?" Tanong ko habang may pekeng ngiti sa labi.

"This is Blaze Davids' house right?" Maarte nitong tanong na ikinairap ko sana pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Yes," sagot ko na ikinangiti niya.

"Oh, okay then. He's been expecting me. Please step aside so I can enter his house." Doon naman tumaas ang kilay ko pero umtras pa rin ako para makapasok siya. Pinigilan ko ang mapangiti ng mapang-asar sa kanya dahil parang nakikita ko na ang mangyayari mamaya.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating siya sa dining room kung saan kami kanina kumakain ni Blaze.

"Blaze!" Sigaw nito ng makita ang asawa ko.

Kumunot naman ang noo ni Blaze nang makita ang babae. Nakahalukipkip lang ako habang hinihintay siyang magsalita.

"Yko, what are you doing here?" Seryoso niya lang na tanong.

Pumalakpak ang babae. "I'm here to talk about the merging of our company. I heard that you and dad had a talk about him kaya I'm assuming that it'll only happen if you and I will get married." Masaya nitong sabi na ikinatawa ko ng mahina.

Stupid.

Nanatiling nakakunot ang noo ni Blaze habang nakatingin dito.

"What merging are you talking about? Sinabi ko na sa dad mo na ayaw kong magpatali sa isang babaeng ayaw ko kaya nagalit siya at hindi na ipinagpatuloy ang deal namin." He replied.

"What?! No! Hindi ako makakapayag!"

"No one can change my decision, Yko. You can leave now." Mariin niyang sabi. Halatang ayaw niya sa presenya ng babae.

Not good.

Humarap ako sa babaeng linta na 'to at sinabihan siya. "Miss, you really need to go now—"

"Ano ba naman itong maid mo! Umi english rin pala? Ang arte ha!." Tumawa pa ito ng pamang-insulto.

Uminit naman bigla ang ulo ko. Gaga pala 'to eh. Kung maid man ako wala na siyang pake kung magaling akong mag-english. Ayaw na ayaw ko sa taong grabe mang husga at mang-insulto sa mga taong akala nila mababa ang trabaho pero mas marangal naman kumpara sa kanila.

When I heard a glass shattered, natigilan ako ng ilang sandali bago napabaling kay Blaze na mukhang nagtapon ng baso. He looks livid right now.

"Wala kang karapatan na tawagin ng ganyan ang asawa ko." Mariin niyang pahayag. He was gritting his teeth as if he's just stopping himself from his own anger.

The woman's eyes widened with what Blaze just said. Halatang hindi makapaniwala sa narinig.

"She's your wife?!"

"Yes. Kaya umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga bodyguards ko!" He even pointed out the door. "Leave my fucking sight if you don't want your company under the dirt tomorrow." He dangerously said na ikinaputla nang mukha ng hipon na ito. Even I shivered because of his tone. This is the first time I saw him very angry with something that really made him lose his temper.

Mapanganib ang mga matang tumingin siya sa babae. "No one insults my wife. And if you dare insult her again, you will face the devil himself."

STONE MIKAELSON

Her Sweet Secret | Venus Camille (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora