Kabanata 16

8.6K 192 5
                                    

Fight

Kanina pa mukhang seryoso ang asawa ko. May galit yata 'to sa mundo ngayon.

"Blaze." Tawag ko dito.

Salubong ang kilay na lumingon siya sa'kin. "What?"

"Aalis ako ngayon."

Tumaas ang kilay niya at biglang tumayo.

"I'll go with you..." Seryoso niyang sabi na parang ayaw niya talagang umalis akong mag-isa.

Umiling ako. "'Wag na, kasama ko naman si Sandra eh."

Nanatili paring nakakunot ang noo niya pero kaagad namang tumango. Hinalikan ko siya sa labi at pumunta na sa kwarto namin para magbihis. Pababa na ako sa hagdanan noong marinig kong may kausap siya sa telepono.

"Okay, thanks for the information. I owe you this one, Hunt."

Kumalabog naman ang dibdib ko nang marinig kong binanggit niya ang pangalan ni Hunter. I hope hindi tungkol sa'kin ang pinag uusapan nila.

Ibinaba niya ang telepono bago siya lumingon sa puwesto ko. Matalim ang mga matang niya noong binalingan niya ako ng tingin. I know that look, something must've happened.

"Pupunta rin ako sa office ngayon kaya ihahatid na lang kita sa bahay ni Cassandra." Aniya sa seryoso paring boses.

I didn't argue with him at sumunod na lamang hanggang sa makapasok kami sa sasakyan niya. He turned on the engine before he left the house to drive me to Sandra's home. Tumigil angg sasakyan niya sa harap nang bahay ni Sandra. Hinalikan ko siya sa labi bago ako bumaba.

"See you later." Nakangiti kong paalam.

Tumango lang siya at ibinaling ang tingin sa harapan ng manibela. Habang pababa ako ay napaisip ako sa ka inaakto ngayon ni Blaze. What's with him?

Hindi na ako kumatok pa sa pintuan ng bahay ni Cassandra at dire-diretso lang na pumasok dahil may susi naman ako ng bahay niya. Lahat kaming magkakaibigan ay may susi ng bawat bahay.

Napailing na lang ako noong makita ko siyang nakaupo sa sofa habang nanunuod nang Fifty Shades Darker na ang alam ko ay now showing on theaters palang pero ito siya ngayon at may clear copy na.

"I thought, now showing palang 'yan." Ani ko na nagpapitlag sa kaniya.

Sapo sapo niya ang dibdib na nilingon ako. "Fuck you, Venille! You fucking scared me!"

"Shh..." Pagpapatahimik ko sa kaniya. Baka magising niya ang bata.

Tumayo siya at lumapit sa'kin. Nabigla ako nang hampasin niya ako ng unan na hindi ko nakitang dala dala niya.

"You son of a bitch! Sarap mong katayin!"

Tumawa lang ako at binilatan siya. "I am not a son of a female dog."

Umirap lang siya at tiningnan ang medyo umbok sa tiyan ko. "Aalis na ba tayo?" Aniya.

"Oo, kaya dalhin mo na ang gamit mo at aalis na tayo."

Huminga siya nang malalim bago tumango. "'O sige, kukunin ko lang ang kakailanganin ko sa itaas."

Ilang sandali pa't bumaba na siya habang daladala sa isang kamay ang gucci bag niya.

"Let's go?" Tanong ko kay Sandra na may bakas pa ng takot sa mukha.

"Sigurado ka bang hindi tayo makikita ni... ni Hunt?" Nag-aalala niyang tanong.

Ngumiti ako. "Of course, ano naman ang gagawin ni Hunter sa ospital?"

Bumuntong hininga siya at ngumiti sa'kin. "You're right. Alis na tayo."

Inakay niya na ako papunta sa sasakyan niya para makapunta na kami sa ospital. We waited for me to be called by the assessing nurse when we arrived at the hospital's Ob-gyne clinic. Noong tinawag na ako, kaagad kaming pumasok ni Cassandra sa loob.

"Congratulations, Mrs. Davids! It's a boy!" Maligayang bati sa'kin ng doktor habang tinatanaw ko ang sonogram ng baby ko mula sa monitor.

Napangiti naman ako at napaluha bago ko siya binalingan. "Thanks for checking me up, Elle."

Ngumiti siya. "No prob, Venille."

Nilingon ko si Cassandra na mukhang masaya rin para sa'kin dahil sa klase ng ngiti niya. After the check-up, we went to a nearby restaurant to eat bago kami umuwi.

"Thanks for coming with me today." Pasalamat ko sa kaniya habang kumakain kami.

Ngumisi siya. "It's nothing, mas dapat akong magpasalamat sa'yo dahil sa hindi mo pagsabi kay Hunter nang totoo."

I chuckled. Sandra discovered that I am married to Blaze but she kept it, kahit na sa tatlo. I too, discovered that she was pregnant with Hunter's child. We were still in college when I discovered that Hunter impregnated her. Alam ko rin kung bakit niya iniwan si Hunter, I know Cassandra, she loved Hunter more than anyone. Dito lang siya nagseryoso at nasaktan dahil sa pagsasakripisyo niya.

"Hunter and I are good friends but you're my sister." Ani ko na nagpangiti sa kaniya.

Kaagad na nag-drive pauwi si Sandra pagkatapos naming kumain. She wanted to buy something for me to wear daw since I'm pregnant but I refused dahil nakatext na ako sa asawa ko na susunduin niya na ako sa bahay ni Cassandra.

"I'm really thankful for today, Cassandra."

She just shrugged her shoulders then smirked.

"Before you go, Ven. I just want to tell you an advice," huminga siya nang malalim. "Sabihin mo na ang totoo kay Blaze bago niya pa malaman sa iba. Tell him that you're pregnant with his child, again." Tumango lang ako at hinintay siyang makapasok sa bahay niya.

Plano ko naman na talaga na sabihin pero marami lang interruptions na ikinaiinis ko.

Nasa malalim akong pag iisip nang biglang huminto sa harapan ko ang sasakyan ni Blaze. Mas seryoso ngayon ang mukha niya kumpara kanina bago pa ako umalis.

"Get in." Matigas niyang sabi na nagpatayo sa mga balahibo ko.

Kaagad naman akong sumakay. Mabilis siyang nagmaneho papunta sa bahay namin. It was so effin' silent kaya hindi ako mapakali. It's uncomfortable, parang may alam siya na hindi ko alam. Pagkarating namin sa bahay, kaagad niya akong hinatak pababa sa kotse at dumeretso sa kwarto naming. Doon niya lang ako binitawan.

Kumunot ang noo ko. "What the is happening to you, Blaze? Bakit bigla ka nalang nanghahatak!"

Hindi niya pinansin ang tanong ko. "Kailan mo balak sabihin sa'kin, Venus Camille?" Mariin nitong tanong.

"Ano ba iyang sinasabi mo?"

Mas dumilim ang eskpresyon sa mukha niya. He seemed unpleased with my reply.

"You're pregnant," Nanlaki ang mga mata ko. How the hell did he know? "Are you planning on keeping it a secret from me?"

"H-how..." I stuttered.

Nanguuyam na tumawa lang siya. "Hunter just told me this noon before you left. I was waiting for you to tell me."

"I was planning on telling you when your bitch came." I sarcastically said.

"I don't have any bitch but I do have a wife. And that's you!"

Fuck you, Hunt! I will kick him in his balls when I see him again!

Tinalikuran ko lang siya at hindi na sinagot. I'm tired.

"Don't turn your back at me lady! We're not done talking-"

"Can you just shut the fuck up?! I want to rest! Just let me rest okay?!" I rolled my eyes at him. Bahala na siya diyan! "We'll talk about this later kapag hindi na ako pagod."

Hindi ko na siya nilingon para tingnan ang reaksyon niya at dumeretso nalang sa higaan namin. Noong maramdaman ko ang lambot nito, para akong matutunaw dahil sa sarap ng pakiramdam habang nakahiga doon.

Naramdaman kong lumundo ang kama sa gilid ko. I almost stop from breathing when he kissed my forehead. "Rest. We will talk later when you're awake."

Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at nagpatangay na lamang sa pagod.

STONE MIKAELSON

Her Sweet Secret | Venus Camille (Completed)Where stories live. Discover now