Kabanata 19

8.6K 185 7
                                    

Ruined

Mabilis akong nagbihis pagkatapos kong mag-shower dahil sa text na ipinadala ni Cassandra sa akin. Nasa balkonahe ng kwarto namin si Blaze habang kaharap nito ang laptop at may katawagan sa cellphone. Seryoso lang ang mukha niya habang nasa kausap ang buong atensyon. When his eyes landed on me and stared at what I was wearing, his eyes immediately darkened.

"I'll call you later, H. just send me the details of it." Aniya at pinatay niya na ang tawag. "You're overdressed. Going somewhere?" Tanong niya sa'kin

Ngumuso ako. "Yes, pupunta lang ako kay Cassandra. It's our 911." Lumapit ako sa kinauupuan niya.

Hinapit niya naman ako sa bewang ako at sumandal sa may tiyan ko. "Hatid na kita." Panlalambing niya sabay halik sa tiyan ko na kita na ang umbok.

Yumakap ako sa ulo niya at pinaraanan nang kamay ko ang malambot niyang buhok.

"Okay." Sang-ayon ko.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at hinalikan muna ako sa noo bago siya pumunta sa closet namin at kumuha nang pangitaas na damit. Mahilig talaga siyang maghubad ng pang-itaas na damit kapag kami lang ang magkasama.

"Let's go?"

I nodded and followed him downstairs. Hinintay ko siya sa front gate namin habang hinahanda niya ang sasakyan na gagamitin. Kaagad akong sumakay at nag seatbelt. Pinasibad niya na ang sasakyan papunta sa bahay ni Cassandra.

Humarap siya sa'kin at hinalikan ako sa labi. "Just call me after you're finished here and I'll fetch you."

"Okay, Blaze..." Humalik ako sa pisngi niya at bumaba na sa sasakyan.

Dumeretso na ako papasok sa bahay ni Sandra at pumunta sa kwarto niya noong hindi ko siya makita sa sala. Napangiti nalang ako nang makita ko siyang kasama si RD.

"Sandra... RD..." Tawag ko sa kanila.

Sabay silang napalingon sa akin. "Venille!" Bati ng kaibigan ko sa'kin.

"Tita Camille!" Kaagad na tumakbo sa'kin si RD at niyakap ako. "I missed you, po."

I chuckled. "I missed you too, buddy."

Narinig ko lang na tumawa si Sandra kaya napaangat ako ng tingin. She's taking a picture of us! Bumitaw na ako kay RD at tinaasan ng kilay si Cassandra.

"Delete that."

"No." Bumilat lang siya sa'kin at itinago na ang phone sa purse niya.

Napailing nalang ako. "Let's go?"

"Yehey!" Masayang sigaw ni RD. "Nanay, makikita na po ba natin ang baby sa tiyan ni Tita Camille?" Curious na tanong nang bata kay Sandra.

I find it cute when RD calls Sandra 'nanay' dahil bilang na lang ang mga batang mayayaman na tumatawag sa mommy nila ng ganoon.

"Yes, baby. Are you excited?"

Excitement filled RD's eyes. "Yes, po."

Napangiti ako. What a cute child. I can't wait to see mine, soon.

"Tara na, baka traffic na naman."

Bumaba na kami at sumakay sa sasakyan ni Sandra. Ilang minuto lang ang lumipas ng makarating kami sa ospital. Thank God at hindi ito ang ospital na pinagtatrabahuhan ni Stormy ito. Konektado ito pero malayo.

"Tara na, nagugutom na ako."

Sandra just laughed. Pumasok lang kami sa loob ng clinic dahil kakilala naman naming ang doktor dito na isa ring surgeon sa pagkakaalala ko. She immediately saw us when we entered the clinic. Her eyes widened with surprise but it was just for a split second.

Her Sweet Secret | Venus Camille (Completed)Where stories live. Discover now