Kabanata 18

9.1K 201 20
                                    

Goddess

"Do I really know you or what?" Pagtutuloy ko pa. "Bakit hindi ka sumasagot? Niloloko mo lang ba ulit ako?"

Doon naman siya napaangat ng tingin para salubungin ang galit kong mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko bago ako hinatak palapit sa kanya.

"This is not the right place to talk about that."

Hinatak niya ako palabas ng mall. Hindi ko maiwasan na bigyang pansin ang mga taong nagkukumpulan sa labas dahil sa bomba. There were also children crying as fear was stricken on their parent's faces. Parang bumigat ang pakiramdam ko sa dibdib.

"Get in." Aniya nang makarating sa harap ng sasakyan niya.

Kaagad ko naman siyang sinunod at umupo sa passenger seat. Isinarado niya ang pintuan ng sasakyan at pumunta sa driver's seat. Sinabihan niya ako na magsuot ng seatbelt habang pinapaandar niya naman ang sasakyan. He maneuvered the car until we're out of the parking lot.

Pinaharurot niya ang sasakyan hangang sa makarating kami sa bahay namin. Mabilis kaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob. Sinundan ko lang siya ng tingin noong pumunta siya sa mini bar nang bahay namin at kumuha doon ng maiinom.

Pumunta ako sa likod niya at tumikhim para humarap siya sa'kin.

"Talk. Now." I commanded.

Bumuntong hininga lang siya bago binitawan ang basong may laman na whiskey at tiningnan ako sa mata. Humalukipkip lang ako sa harapan niya habang hinihintay siyang magsalita.

"I was in college when I met Hunter. He's your first guy bestfriend right?" Aniya na ikinatango ko.

"He become one of my best bud. I know that he was so devastated about his breakup with Cassandra. He got obsessed with becoming someone who can endure pain. To be emotionless and mature. You can even call him a monster now and he'll be happy hearing it dahil ganyan na talaga siya ngayon. Isang halimaw."

I did know that Hunter is really hurt when they broke up but I didn't know that he really became a monster. Tama nga talaga ang sinabi niya na hindi ko na siya gaanong kilala.

"His dad was abusive; he was abused until he can't finally take it. He stabbed his dad straight to the heart, making him a dead person. You probably didn't know this because you were in paris that time. Nakulong siya nang mahigit isang taon. Nasa last will na noon ng dad niya na sa kaniya lahat ipamamana ang kayamanan nito kapag namatay siya kaya walang magagawa ang attorney nila na kontrahin ito kahit pa ang mommy niya."

Nakanganga lang ako habang sinasabi ni Blaze ang lahat ng mga detalye. Shit, kung alam ko lang...

"Noong makalaya siya, nagpatulong siya sa'kin para baguhin ang sarili niya. We hired our own mix martial arts trainer na isang ex-seal while having our own codenames that's why they call me Thunder. After many years of training we are now some well-trained individuals that can beat thirty guys in less than five minutes. Defusing bombs are part of our training that's why it's just easy for me to defuse that bomb earlier." He sighed. "This is me, Venus Camille. The real me na kahit ang kapatid at pamilya ko hindi alam. Will you accept me as I am?"

Hindi parin ma digest nang utak ko ang mga impormasyong ibinigay niya pero inalis ko ang pagkakahalukipkip ko bago lumapit sa kanya at hinawakan siya sa pisngi.

"Of course, I'll accept you as who you really are. I will always accept you dahil asawa kita at mahal kita." I whispered.

Nakita ko ang pag-ngiti niya bago ako hinalikan sa noo. "Thank you, wife."

Pumikit lang ako at sumandal sa dibdib niya. "Bienvenue."


Blaze

Her Sweet Secret | Venus Camille (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon