Kabanata 24

8.1K 175 2
                                    

Silhouette

"Hey, aalis muna ako so you take care. RD will protect you, kaya alam kong safe ka talaga." Biro niya pa pero kaagad din akong binigyan ng halik sa pisngi.

Ngumiti naman ako sa kaniya at ipinagpatuloy na ang pagluluto para sa agahan namin sanang tatlo. He can't join us kaya kami na lang ni RD ang kakain.

"Mag-ingat ka."

Tumango siya at ngumiti bago tuluyang lumabas nang bahay.

Tiningnan ko si RD sa puwesto niya kanina pa. Hawak hawak niya ang pinahiram ko sa kaniyang ipad. He's smiling widely while looking at the screen. Maybe he's chatting with Hunt.

Nang matapos na ang niluluto ko, inilagay ko na sa lamesa ang mga pagkain at tinawag na ang bata para kumain.

"Damon! Come here, we'll eat our breakfast."

Binitawan niya ang ipad bago nagtungo sa lamesa at umupo sa isang upuan doon. Habang tahimik kaming kumakain, biglang tumunog ang telepono sa may sala. Kaagad akong tumayo at iniwan si RD sa hapagkainan na mukhang nasarapan sa niluto ko dahil ang lakas nitong kumain ngayon.

Inabot ko na ang telepono at sinagot ito. "Venille Monteverdie, speaking." I bit my lip when I realized na apelyido ko pa rin pala ang gamit ko. Hindi pa namin pinu-publicize ang kasal namin ni Blaze sa lahat ng mga tao dahil hindi pa 'to ang tamang oras.

Ilang sandali pang walang sumasagot kaya napag-desisyonan ko na ibaba ito. Maybe it's just a prank call. Tuluyan ko na sana itong ibababa pero narinig ko ang boses ng isang babae sa kabilang linya.

"Enjoy your remaining seconds!" Ani ng babae sa kabilang linya at tuluyan ng pinutol ang tawag. Napakunot naman ang noo ko. What the hell?

Napailing naman ang ulo ko at pumunta na sa kusina para tapusin ang aking pagkain. Magana paring kumakain si RD nang makabalik na ako. Uupo na sana ako nang bigla na lang kaming bulabugin ng isang nakakayanig na pagsabog.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni RD at lumabas kami sa kusina. I gasp when I saw the damage in front of our house. Mukhang doon nanggaling ang pagsabog. Nanginginig pa ang kamay ko na hinanap ang phone ko bago idinial ang numero ng asawa ko.

"God! Please don't let anything bad happens to us." Pagdasal ko habang dinadial parin ang number ni Blaze.

Nakayakap na sa'kin si RD na nanginginig na sa takot. Sino ba naman hindi manginginig sa takot? Something just exploded outside and ruined almost half of our front yard!

"Hello, wife? Do you need something?" Mahinahong tanong ni Blaze nang masagot niya na ito.

Napasigaw ako noong marinig ko ulit ang nakakarinding pagsabog. Nanggaling na ito ngayon sa itaas ng bahay. Meron na ring apoy na unti-unting lumalakas. Mukhang nanggaling ito sa pagsabog na nangyari.

"What's going on?!"

Mahigpit kong hinawakan ang phone ko at hinawakan rin nang mahigpit sa kamay si RD. We need to get out of here!

"May nagpasabog ng bomba rito sa bahay. Two bombs have already exploded and I don't know kung ilang pa ang susunod! Nandito pa kami ni RD sa loob! Wala na akong makitang pwedeng labasan dahil sa apoy!"

Narinig kong nagmura siya at tinawag ang pangalan ni Hunt. "Listen. May secret door sa may kusina. It's under the table. Kapag nakapagtago kayo roon ni RD, hindi kayo maapektuhan n gmga bombang sasabog pa. That room is concealed and it's made from a very rare metal in the world kaya ligtas kayo roon. Now go! Huwag niyong bubuksan ang pintuan kung hindi kami iyon."

Nagmamadali ko namang hinatak si RD papunta pabalik sa kusina. I told him to crawl under the table and I'll follow him afterward. I told RD to stay under it. I was about to crawl next to him when something pierced my stomach. I was stunned and aching because of the pain I felt. Kinapa ko ang tinamaan sa tiyan ko. Natulala ako ng makita ko ang dugo na nanggaling doon.

Narinig kong isinigaw ni RD ang pangalan ko at lalapit sana sa'kin pero pinigilan ko ito dahil baka paputukan rin ito ng killer.

"May nakikita ka ba diyang pwedeng buksan sa ilalim ng lamesa? Open it kung meron man." I gasp in pain. Parang gusto ko ng mawalan ng malay dahil sa tindi ng hapdi at sakit na nararamdaman ko!

Ilang sandali pa ay tinawag na ako ni RD bago ko narinig ang parang pagbukas ng pintuan.

"Nabuksan ko na po! Tara na po!"

Lumabas ng lamesa si RD at napatigil siya noong makita akong duguan at unti-unti nawawalan na ng malay.

"Tita!" Lalapit sana siya sa'kin pero pinigilan ko siya.

"P-pumasok ka na roon, RD! Don't mind me."

"But-"

"Go!"

Tumalima naman siya at kaagad na bumalik sa loob ng lamesa.

Napapikit ako. Pinakiramdaman ko ang init na nanggagaling sa apoy na unti-unting tumutupok sa bahay. Pinilit kong iminulat ang aking mga mata. I saw a silhouette of a girl. It's standing next to the entrance of the kitchen.

I don't know but I saw a glimpse of her face and how she smiled at me evilly. I closed my eyes then carressed my stomach. Before I lost my consciousness, a tear fell from my eyes. I'm so sorry this has to happen to you again, baby. I'm sorry.

STONE MIKAELSON


Her Sweet Secret | Venus Camille (Completed)Where stories live. Discover now