Chapter I (Revised)

53.2K 521 19
                                    


This is the revised version of 'My Job is a Wife'. The old story is no longer available. Salamat sa mga magbabasa at nakapagbasa na! Hindi ko na ibabalik ang lumang version ng story na 'to sa ayaw niyo or sa gusto. Enjoy reading!

Please do excuse the grammatical and typographical errors.

Chapter I:

"Aiden," napatigil ako sa pagsubo ng steak at napatingin kay mom. Kasalukuyan kaming kumakain sa restaurant habang bumubuhos ang ulan sa labas.

Bakit kaya naisipan niya na namang mag dinner sa labas? "Kailan mo ba ipapakilala ang fiancée mo?" napalunok ako.

Here we go again with the questions. "Soon, mom."

Sumimangot naman siya at tinitigan ako, "You always say that, I've been waiting for a year already." Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako ng sobrang seryoso. Minsan napapaisip na lang ako kung maayos pa pag-iisip niya e. Napangiwi na lang ako at hinayaan siyang titigan ako na parang detective na tinatakot ang nahuli niyang kriminal.

"I have to meet her, and you have to get married." Napatango na lang ako para tapos na ang usapan.

Habang tumatagal mas nagiging weird na siya. She's so desperate to see me get married kahit na mag twe-twenty four pa lang ako this year.

Matapos naming kumain, sumakay na ako sa sasakyan ko. May dadaanan pa si mom kaya hindi na siya sumabay. May dala din naman siyang kotse at mabuti na 'yon kaysa naman may mangulit pa sa'kin sa biyahe pauwi. Mas lumakas ang buhos ng ulan at mas konti na ang sasakyan sa kalsada, great, walang masyadong traffic.

Napakapit ako sa manibela ng mariin ng maalala na naman ang sinabi ni mom, I have to meet her. The problem is, there's no her, walang fiancée, those are just white lies to cover up and buy me some time. Bakit ba kasi masyado siyang nagmamadali?

Napailing na lang ako at inalis na sa utak ko yung problema. Ayoko na munang isipin 'yon. Uuwi muna ako ngayon at magpapahinga, mahihiga sa kama at matutulog ng matagal.

Good rest, good sleep. Nakakarelax. Tama, I have to relax. Stay calm.

Nanlaki ang mga mata ko ng makakita ng babaeng nakatayo sa gitna ng dadaanan ko. Agad kong inapakan ang break, what the hell is wrong with that woman?!

Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa kaba, napahawak ako sa ulo ko, muntikan na akong makasagasa. Balak niya bang magpakamatay?

Binaba ko ang windshield ko, "Hoy! Get off the road, crazy woman!" bumusina ako ng paulit-ulit dahil wala siyang balak na umalis sa kalsada.

Damn, I want to get home already. Limang minuto na akong naghihintay na umalis siya sa daanan. One way, bakit nga ba ako dumaan sa one way road na 'to?

Kanina ko pa binalak umatras pero may natanaw na akong kotse sa likod ko na paparating. No choice, wala na akong choice.

Bumaba ako ng sasakyan ko, bakit ba hindi ko naisip magdala ng payong? Tinakbo ko yung babae at hinawakan siya sa magkabilang braso.

"Bingi ka ba? Bulag ka ba? Get off the road!" galit kong sigaw sa kaniya. Tumingala siya sa akin at nagulat ako ng makitang umiiyak siya.

"Hindi ka—totoo." Sabi niya ng umiiling. Bigla siyang tumawa kaya napakunot naman ang noo ko, basang-basa na ako ng ulan, and here I am talking to a crazy lady.

"Wala na 'kong trabaho." Bigla naman siyang humagulgol kaya napabitaw ako sa kaniya. This girl is definitely crazy.

"Wala na akong," she paused, tinignan niya ako na parang ako ang may kasalanan ng lahat. "Trabaho!" she screamed.

Paid To Love YouWhere stories live. Discover now