Chapter Forty~Four

4.7K 86 2
                                    

Chapter 44


"Pahinga muna tayo, hyra." nag nod naman ako kay nick at huminto muna kaming dalawa sa paglalakad. Nauna namang maglakad sila dragon.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanya. "8 pm na." Ilang oras na rin pala kaming naghahanap kay aiden at ang sakit na talaga ng mga paa ko.

"Babalik na muna ako sa resthouse." sabi ko sa kanya.

"Tara, ihahatid na kita."

"Wag na." pagtanggi ko sa kanya. Mas mabuti ng magpatuloy na siya sa paghahanap kay aiden.

"Delikado eh."

Umiling ako. "Hindi na ganun kalakas yung ulan oh. Sige na. Pumunta ka na dun kila dragon." sa huli, napapayag ko din siya kaya nagsimula na akong maglakad pabalik dun sa bahay na tinutuluyan namin.

Napadaan ako dun sa cottage nila kiel at sakto namang lumabas siya doon. "Hyra? basang-basa ka ah?"

"Uh, kiel." Pinapasok niya naman ako sa tinutuluyan niya at ng barkada niya. Sabi ko nga eh wag na kaso pinilit niya parin akong pumasok.

"Eto twalya oh. Wala kase kaming damit na pambabae kaya wag ka na lang siguro magpalit." napakamot siya sa ulo niya. Nginitian ko lang siya at kinuha yung twalya na inabot niya sabay tingin sa mga ksama niyang naglalaro ng video games sa kabilang dulo.

"Bakit nga pala nasa labas ka? delikado ah?" tinabihan niya ako sa sofa nila.

"Hinahanap kase namin yung kasama namin. Nawala kase siya kaninang hapon."

"Saan ba kayo naghanap?"

"Sinubukan na namin siyang hanapin sa may gubat na part pero hindi na ako tumuloy dahil masakit na yung paa ko." Kumunot naman yung noo niya.

"Hyra, Isla 'to. May dagat. Malakas ang alon at-- Don't you think...?"

Napatingin ako sa kanya. Bakit hindi ko naisip yun?

"Kiel maraming salamat. Pero mauuna na muna ako!" sabi ko na maluha-luha.

Bakit nga ba kami naghahanap sa gubat? He could possibly drown!

Kahit pa sabihin nating marunong siyang lumangoy. There's a storm at malakas ang ulan kanina.

Nagmadali akong lumabas sa bahay nila kiel. "Hyra, wait! I'll come with you."

Hinayaan ko na lang siyang sumama sa akin at nagsimula kaming maghanap sa may dalampasigan. Bakit ba kase walang mga life guards o kung ano man dito sa isla?

Hindi pa naman ako marunong lumangoy. I shouted aiden's name for many times.  Pero pahina ng pahina yung boses ko. I feel weak.

"Anong oras ba siya nawala?" tanong sa akin ni kiel.

"5pm." medyo nakaramdam na ako ng hilo at naninigas na ako sa lamig pero nagpatuloy parin ako sa paghahanap.

Napatingin sa akin si kiel. "5pm? 3 oras na siyang nawawala at sobrang lakas ng ulan. Tingin mo ba... buhay pa siya kung nasa dagat man siya kanina?"

This time  hindi ko na napigilang umiyak.

Hindi siya pwedeng mamatay.

napaupo ako sa buhangin. Wala na akong pake kung malakas man yung ulan at basang basa na ako. "no..."

"Aiden..."


Kiel's POV

Naupo siya sa buhangin. It's raining, lumakas ulit yung ulan. "no..."

Paid To Love YouWhere stories live. Discover now