Chapter Fifty-Eight: Part 3

5.1K 66 11
                                    


Chapter Fifty-Eight: Part 3


* Hmm, ayon sa computations ko ay last 11 Chapters na lang ito, pero dahil trip ko lang, last 16 chapters mwahahaha XD Para mahaba-haba pa ang samahan natin. Kalungkot lang isipin na matatapos na ito T_T huhu XD Pero seriously nakakalungkot talaga, ngayon ko lang narealize -_-  Malaking anyway..

MERRY CHRISTMAS!! HAHA! sinadya kong close to midnight ang update XD*


- CHIPISNAGOALA PART 2 -


Hyra's POV


*Gruuuuump* (Sound effects yan ng gutom na tyan ni hyra XD)

Napasandal ako sa malamig na ding-ding nung elevator. Kanina pa kami nakakulong dito, mga 10 minuites ganun. Oo, matagal na yan para sa akin ano. -_- Time flies away when hungry. Hindi niyo ba yun alam ah? -_- psh. Kabadtrip naman kase 'tong elevator na ito. Ang lakas ng trip sa buhay, bakit naisipian niyang mag sira ngayon kung kelan nagugutom ako? Palibhasa hindi nagugutom ang elevator. Nakakbwisit talaga. -_-

Mukhang matagal pa kami bago makalabas dito, sabi kase ni Aiden, minsan lang daw gamitin yung elevator na ito kase malayo daw sa mga rooms na kadalasang io-occupy. Tapos wala pang signal.

This is the worst day ever -_- swear.

"May pagkain ako dito, gusto mo?" Napatingin ako kay aiden, madilim sa may elevator pero nakikita ko parin naman siya.

"Mm-mm." sabi ko sa kanya. Hay, nagiging bata talaga ako pag gutom -_-

Nakita ko namang ngumiti siya tapos may kinuha siya sa may bulsa niya. Bigla namang kuminang yung mga mata ko pagkakita ko sa nilabas niya.

Sneakers *_* nakakagutom.

"Remember? nung bibili tayo ng pang engagment party na damit, you shouted Sunog tapos nalate ako for breakfast, nagutom ako tapos binigyan mo ako nito?" tumawa siya tapos inabot niya sa akin yung chocolate. Agad ko namang kinuha yun at dali-daling binuksan.

Gusto ko na talagang kainin! pero dapat hindi rude, aalukin ko muna siya! pag tumanggi! edi kakainin ko na kaagad :d

"Gusto mo?" mabilis kong sabi sa kanya.

Umiling naman siya. "Mas kailangan mo yan." sabi niya tapos mahinang tumawa.

Kinain ko naman kaagad yung sneakers, mas lalo akong nakaramdam ng gutom pagkakagat ko. Parang gusto ko pang kumain ulit ng isa kahit hindi ko pa nauubos. Alam niyo ba yung ganung feeling? Ah! syempre hindi, hindi pa naman kayo nakatulog ng 5 days straight eh :3

Parang  isang segundo ko lang naubos yung sneakers. Napasimangot naman ako kaagad. Nakakalungkot naman at naubos na ung pagkain ko.

Nako, isa pa naman ito sa mga dahilan para magkaron ng chipisnagoala, alam niyo na, mababaliw dahil sa gutom -_-

Nilingon ko naman si Aiden. Nakatingin pala siya sa akin. "Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala, gutom na gutom ka ah." sabi ni aiden habang pilyong ngumingiti.

Tinaas naman ni aiden yung hinlalaki niya at nilagay sa may babang parte ng labi niya. Medyo nakaramdam siya ng 'kung anong' pakiramdam nung nahawakn siya ni aiden. Napaka uneasy pero parang may 'kung ano' na hindi ko ma explain.

"May dumi ka pa sa labi." nakangiting sabi ni aiden sakin.

"A-ah." sabi ko na lang. Bumalik naman si Aiden sa pagkakasandal niya sa ding-ding. Hindi malayo yung pagitan nila pero hindi parin sila magkadikit.

Parang biglang nawala yung gutom ko at dahan-dahan kong naalala yung mga pinagsamahan namin dati. Masasabi kong kakaiba nga talaga yung buhay ko noon. Lalo na nung dumating ung trabaho na yun pati na yang si Aiden.

Naaalala ko tuloy yung picture niya na nakangiti niya which is a 'himala' for me dati.. Masyado lang sigurong nakakadala yung pag ngiti niya. Maliban kase sa gwapo siya eh minsan lang yun ngumiti.

Hanggang sa maalala ko yung araw na dapat *ehem* ikakasal kami.

Siguro kung natuloy yun, well natuloy nga pero fake naman, siguro kung hindi lang yung fake, at kung hindi lang ako kinuha ni lola, siguro iba ang lahat ngayon. Siguro wala kami sa ganitong sitwasyon.

Siguro hindi ako nagugutom ng ganito ngayon -_-

Ang seryoso na ng topic nuh? pero nasingit ko pa yung gutom ko. Eh gutom nga kase ako ngayon eh -_- anong magagawa ko?

Napasimangot na naman ako. Naalala ko na naman yung gutom ko. Hay nako -_-

"Hyra?" narinig kong tawag ni Aiden.

Napalingon naman ako sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Mas nag mature kase yung itsura nito.

"Mm?" sagot ko.

"Can we..just.. start over again?" sabi ni aiden habang nakatitig sa akin.

Napalunok naman ako dun, ayun na naman yung 'kung ano' na feeling. Bakit ba kase ganito yung response ng sarili niya pagdating kay aiden? feeling ko tuloy may specil treatment ako kay aiden dahil sa mga nararamdaman ko.

Medyo mahirap kase sagutin yung  tanong niya. Kase naman, nahihirapan na din siyang umasa ulit, pano kung mangyari na naman yung dati?

Aaminin ko, hindi naman kase talaga nagbago yung nararamdaman ko eh, ayoko lang talagang sigurong sumugal noon.

Pero kase... feeling ko hindi ko parin kaya.

"You know I can always wait.. for another chance." sincere na sabi sa kanya ni Aiden.

Napatingin naman ako sa kanya, mukhang gustong gusto nga talaga ni aiden nung chance na yun..

napabuntong hininga ako. Tinignan ko siya. Naghihintay siya ng sagot.. Napakagat ako sa lower lip ko.

"P-pero kase.. baka.. ano," pag angal ko sa kanya.

"You can trust your heart to me.. I swear, I will take care of it." sabi niya.

Napapikit naman ako ng mariin. Aish, bahala na nga. Masaktan na kung masasaktan.

"Fine, let's take another chance for us."

Bigla naman bumukas ung ilaw sa elevator at umandar ito ulit. Nasa moment of shock si Aiden, nakatulala lang kase ito sa kanya. Sinundot niya naman ito sa pisngi.

"Oy, wag O.A. ah. tara na nagugutom na ako." sabi ko sabay hila sa kanya patayo.

"T-tama ba yung narinig ko?" sabi niya.

Inirapan ko nga. "Hindi nagkakaron ka lang ng Chipisnagoala kaya ganyan."

Unti-unti namang ngumiti si Aiden kaya napakunot yung noo ko. Patay. Nabaliw na ata.


* MERRY CHRISTMAS! Hindi saktong 12 midnight eh :3 haha XD *

Paid To Love YouWhere stories live. Discover now