Chapter Forty~One

5.4K 90 9
                                    


Tagal na hindi naka Update -_- Busy -_- Anyway, nag #1 ito sa humor nung august.28-29!! xD yieee X) .

Hyra's POV

Nandito kami ni sheila at ria sa kwarto ko sa bahay ni grandma at mama.

Si mama kase nasa ibang bansa madaming inaasikaso, si lola naman, nasa opisina niya ngayon. Kung tutuusin, malaya ako ngayon kase wala si lola. Pero... mas gugustuhin ko pa yung panahong hindi ako malaya pero mahal niya parin ako.

"Sheila...Gusto kong umiyak. Para isang iyakan na lang sheila. para ngayon masakit tapos bukas wala na."

Parang nagulat pa si sheila at si ria sa sinabi ko. Nandito kami sa kama ko. Malaki naman 'to kaya ksya kaming tatlo.

"Ok hyra, The hardest way or the hardest way?"

"Both."

"Halika."

Hinila niya ako papuntang kotse at nagpahatid kami palabas ng subdivision. Pumara kami ng taxi.

"Oh eto panyo, maghanda ka ng sumugod." Napakunot noo ako sa sinabi niya pero tumango na lang ako.

maya-maya nakita kong huminto kami sa isang bahay. Hindi siya ganun kalaki pero sapat narin naman. Malinis din tignan.

"Sheila, wag." sabi ni ria.

"Hindi, hindi siya si hyra. Si hyra matapang. Umiiyak pero matapang. Siya.." tinuro niya ako."wala sa kanya si hyra ngayon. Pababalikin ko lang."

Nag door bell siya. Tapos lumabas ang isang pamilyar na babae.

T-teka.. S-siya yung Dumukot sa akin. Yung nilunod ako sa pool.

Tama! Siya nga yun!

Tinaasan niya ako ng kilay sabay ngisi. Lumingon ako sa paligid at nakitang nagtatago si sheila at ria sa likod ng puno.

Teka, Para saan ito?

Wag niyong sabihing-

Tinignan ko sila sheila. Tumango naman siya. Tama. Siya nga.

Tumunog ang cellphone ko. Nag text si sheila.

Sheila:

Tama. Siya ang mahal ng mahal mo hyra. Ngayon, anong gagawin mo?


*

Tumulo yung luha ko at hinarap yung babae.

"So, you're hyra right? Nice to meet you again." ngumisi ulit siya.

"Come in." Bahagya niyang binuksan ang gate nila. Nauna siyang maglakad. Sumunod na lang ako.

Tumigil siya sa garden nila. Maliit lang iyon kumpara sa amin pero maganda parin naman.

"Alam kong pangit ang una nating pagkikita." panimula niya. Tinutukoy niya siguro yung panahong pinadukot niya ako at nilunod sa pool.

"...Pero matagal tagal narin yon. I hope naka move on ka na." tumawa pa siya. Ewan ko ba.

Naiinis ako pero mas naiiyak ako.

"By the way, I'm julie." Mas lalong lumawak ang ngisi niya.

Nilahad niya ang kamay niya sa akin.


"Julie Valdez." Tinitigan ko siya.

"Valdez? k-kapatid kita?"

Paid To Love YouWhere stories live. Discover now