Chapter II (Revised)

16.8K 287 4
                                    

"Welcome to my house." Nakangising sabi ni Aiden pagkapasok namin sa loob ng bahay niya.

Ang ganda ng bahay niya, ang bata niya pa pero may bahay na siya. Ako nga di makapagbayad ng renta sa apartment on time e. Tapos siya, may sariling bahay?

Do'n pala siya umuuwi sa bahay ng parents niya, minsan lang daw siya umuwi sa bahay na 'to kasi mas malungkot daw dito kaysa sa mansyon ng magulang niya.

Share niya lang kahit di ko tinatanong.

"Temporarily, dito ka titira. Wala tayong choice, ang alam ni mom, nakatira ka na dito sa bahay ko months ago."

Inabutan niya ako ng susi, "That's your key." Sinundan ko siya habang bitbit niya yung bag ko papunta sa taas.

Di ko mapigilang tignan yung bahay. Mukhang mamahalin lahat ng mga gamit dito, ang ganda ng pagkakaayos ng mga gamit. Yung kulay ng sofa, pinto, bagay sa kulay ng walls.

"This is my room," turo niya sa kwartong nasa likuran namin.

"This is yours." Turo niya sa pinto katapat ng kwarto niya at binuksan ang pinto.

"Never disturb me, okay? Bukas natin pag-uusapan yung set-up." Sabay exit niya pagkalapag ng bag ko sa kama.

Napanganga ako sa ganda ng kwarto ko. Wow. Buong buhay ko akala ko puro kamalasan lang nangyayari sa'kin.

Pero tignan mo nga naman, may trabaho na ko, malaki na yung sweldo, may magandang kwarto pa akong matitirhan tapos may gwapo pa kong fiance.

Pero siyempre nagkukunwari lang naman kami so tanggalin na natin sa listahan 'yon. Napadapa ako kaagad sa kama.

Tinignan ko ang phone ko, anong oras na pala. Napaupo ako ng maayos at sinimulang ayusin ang gamit ko sa cabinet. Pansamantala.

Tumingin ako sa salamin at sinuklayan ang buhok ko. "Trabaho lang 'to. Nothing more, nothing less. Kaya ikaw," turo ko sa sarili ko. "Tandaan mong pansamantala lang 'to."

"Pero pano kung serial killer siya? Or worst, rapist and serial killer?! Oh my gosh bakit ngayon ko lang naisip?" Hinampas ko yung ulo ko ng ilang beses. Pero kung yun nga yung balak niyang gawin, edi sana ginawa niya na agad diba? Feeling ko naman hindi, kasi mukhang hindi naman siya interisado at mukhang ayaw niya pa ngang mapalapit sa tao. Pero mahirap na, umatras na lang kaya ako?

"AGH!!" Nagulo ko ang buhok ko habang papunta sa kama. Feeling ko naman hindi, diba? Tama, hindi yan Hyra.

-

"Natandaan mo ba lahat ng sinabi ko?" sabi ni Aiden habang nakatingin sa akin.

"Oo naman." Tumango-tango pa ako habang nagsasalin ng gatas sa baso ko.

Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal sa kusina niya. Tinatamad daw siyang magluto kaya tinapay lang ang kinakain namin.

"Repeat." Tinignan ko naman siya at nilunok yung kinakain ko.

"Nagkakilala tayo almost two years ago. Nagtatrabaho ako no'n sa isang coffee shop tapos natapunan kita ng kape accidentally."

"Ang corny ng naisip mo 'no?" side-comment ko. Sinimangutan niya lang ako.

"Tapos," panimula ko ulit.

"Naging regular customer ka hanggang sa magkagustuhan tayo and we ended up as lovers. Kaya hindi mo ako pinapakilala sa mama mo dahil natatakot kang paghiwalayin niya tayo kapag nalaman niyang hindi ako mayaman katulad niyo."

Tumingin ako sa taas para mag-isip. "Kagabi naman, nag-away tayo dahil nagseselos ako." Nag-thumbs up ako sa kaniya, "Okay na?"

"Wait, bakit parang ako masama don?" Reklamo ko ulit na hindi niya naman pinansin.

Paid To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon