Chapter VI

12K 242 8
                                    

AIDEN

"I'm sorry, that sounded wrong." Bumuntong hininga ako at tumingin kay Hyra saglit. Masyado na yata akong napapalapit sa kaniya. It hasn't been a week, pero feeling ko magkakilala na kami for months. Iba talaga 'tong babae na 'to.

Nonetheless, I can't just let us be close. Mahirap na, after all, magkakahiwalay din naman kami ng landas eventually.

"What I meant by that is, pumayag ka na sa set-up natin, we can't change that." I seriously sounded like a possessive boyfriend back there, I don't want her to get the wrong idea. I just don't want to disappoint mom, kahit na nakakadisappoint 'tong ginagawa ko.

"H'wag ka mag-alala, di ko siya boyfriend. Kapitbahay lang natin 'yon, ay kapitbahay mo pala." Sabi ni Hyra habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. Ngumiti siya bago lumabas ng sasakyan ng tuluyan.

Naabutan ko si Hyra na nagsusuot ng sapatos sa sala. Nagpalipas oras muna ako sa kwarto ko, iniisip ko na masyado yata akong nagpadala sa personality ni Hyra. Ayokong masanay kami sa isa't-isa. Napagdesisyunan ko na iiwasan ko na lang siya hanggang sa matapos 'to.

"Sapatos mo yan?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi. Kay Nick galing, dun sa kapitbahay nati- mo." Tumango na lang ako. So close talaga sila n'on?

Pinigilan ko siyang magsuot ng sapatos, napatingin naman siya sakin. "H'wag mong sabihing magpapaa lang ako?" Seryosong tingin niya sakin. See, this is the hardest part of the deal, yung kakulitan niya.

"No. Wear this." Sabi ko sa kaniya sabay abot ko ng sapatos na binili ko kanina lang. Nagmadali pa akong umalis sa office para bilhan siya ng sapatos. Nakalimutan ko kasi talaga na bilhan siya ng sapatos, kaya nagpanic talaga ako nung marealize ko. Wala pa naman yata siyang mga gamit dahil isang bag lang yung dala niya nung nakaraan.

"Aiden, hindi kasya." Nag-aalalang sabi niya sakin.

"Malay ko ba sa size ng paa mo." Sabi ko sabay takbo pataas.

"Sungit." Rinig kong sabi niya bago ako makaakyat ng tuluyan. Napailing na lang ako.

Kinuha ko yung 5 box na binili ko kanina, same model pero different sizes. Bumaba ako bitbit iyon at nilapag sa tabi niya. Pinipilit niya pa rin kasi suotin yung sapatos kanina.

"Ayan, siguro naman may kasya na diyan sayo." Sabi ko at lumabas na ako para istart ang kotse. Mahirap na at baka malate pa kami. Di ko nga alam bakit biglang nagsabi si mommy na magdidinner kaming tatlo.

Kumatok si Hyra sa windshield, tinignan ko kung nakalock ba yung pinto, hindi naman. Tinitigan ko siya. Bahagya niyang binuksan yung pinto at sumilip.

"Hoy Aiden." Nanliit mata ko, 'Hoy'?

"What?" Naiinip kong sabi sa kaniya. "Bilisan mo na at sumakay ka na, baka malate pa tayo."

Di niya pinansin yung sinabi ko at nagpatuloy lang siya sa pagtitig sa akin.

"Yung mga sapatos na binili mo, 2,000 isang pares non, nakita ko sa box." Seryoso niyang sabi. Minsan, di ko na alam tumatakbo sa isip niya. Sobrang weird niya.

"Oh tapos?" sabi ko, naiinip na talaga ako.

"Hindi mo naman ibabawas sa sweldo ko 'yon diba?" Pinanliitan niya ako ng mata. Geez, is that what she was worried about?

"Hindi, Gusto mo ba?" Bahagya akong natawa sa reaksyon niya. Parang natuwa siya tapos nagpanic.

"Syempre hindi!" Bigla niyang sagot. "Wala na nga akong pera tapos magkakautang pa ako sa'yo?" dali-dali naman siyang sumakay at nag seat-belt.

-

Pagkababa namin sa restaurant, pinagtitinginan si Hyra. She's actually pretty, akalain mo 'yon. One day I was single tapos ngayon problem solved na ako kay mom.

Nakita ko si mommy at kinawayan niya naman kami. Natatakot lang ako kay mom sa mga ganitong pagkakataon. Given na masyado siyang nagmamadali para magkaro'n ako ng asawa. Baka kasi biglang magtanong siya kung kailan kami ikakasal, which will not happen since nagpapanggap lang naman kami.

"Hyra, it's nice to meet you formally." Nag beso-beso sila bago sila naupo. Kabado naman akong umupo sa tabi ni Hyra. Nakaharap kami parehas kay mom.

Nag-usap lang sila tungkol sa mga bagay-bagay matapos naming umorder, di ko na ikwekwento kasi di rin naman ako nakikinig sa kanilang dalawa. Ineenjoy ko na lang yung pagkain at hinahayaan si Hyra na ientertain si mom.

I finally had some dinner with my mom na hindi ako naiinterrupt sa pagkain.

"So I was thinking," rinig kong sabi ni mom habang nakatingin siya kay Hyra. Isusubo ko na sana yung steak pero napatigil ako. Bigla akong kinabahan. May nararamdaman akong di magandang sasabihin ni mommy.

Napatitig ako kay mom, naging seryoso yung mukha niya habang nakatingin kay Hyra.

"Why don't you live with us Hyra?"

Nagkatinginan kami ni Hyra. Ngumiti siya kay mommy tapos siniko ako.

"Mom, malaki na kami-" pinigilan niya akong magsalita.

"Aiden, anak, I know that. I just want to get to know my daughter-in-law." Nginitian niya ako. That's it. Final na 'yon.

Kilala ko si mommy, alam kong di ko mababago ang isip niya. Di ko nga siya naconvince na hindi ko kailangan ng asawa e.

Sinipa-sipa naman ako ni Hyra, mukhang ayaw niya din sa naisip ni mommy. Syempre, baka mabuko kami, baka malaman niya na di naman totoo lahat. Pero may magagawa pa ba ako.

Tumingin muna ako kay Hyra tapos kay mom, "Okay. Sa inyo muna kami titira."



🦋

Paid To Love YouWhere stories live. Discover now