Chapter Fifty~One

4.1K 63 4
                                    


Early Update :) kaso maiksi...

Ps. daming maka-KiRa ah :p

**

Hyra's POV

"ok, you may now--" natigil yung sinasabi ng pari ng biglang bumukas ung pinto ng simbahan.

"STOP! THE WEDDING!!"

napanganga na lang ako ng makita ko si Aiden, sheila, ria, mauree, at marie. O-kay? o.O?

Tumakbo naman palapit sa akin si aiden. Hinawakan niya pa yung kamay ko habang tinititigan ako sa mata.

"Please..wag kang magpapakasal!" sabi niya habang teary-eyed.

"Teka nga! walang magpapakasal ok? Binyag to aiden, Duh -_-"

Siya naman yung ngumanga ngayon tsaka tumingin sa paligid.

"M-may anak ka na?"

Ok. pigilian niyo ko!! mababatukan ko na siya!! promise!

Kunot-noo ko siyang tinignan.

"Aiden, tignan mo nga yung binibinyagan. Mukha ba yang bata? -_-" Hinarap ko pa siya doon sa buhat buhat ni kiel.

Kung ano yun? Tsanak. de joke. Si Lianna yun, isang Burmese phyton ^_^

Ang bago kong alaga :D

Nakita ko namang lumunok siya tapos yumuko.

"A-akala ko..."

Tinignan niya naman si marie ng masama.

Ok, what is happening?

"Pati ba yung kay julie, hindi totoo?"

Whut? :p

"Syempre, duh! atleast diba alam mo na kung sino talaga." Sabay kindat kay aiden.

Another, Whut?

"Uh, Guys?" tanong ko sa kanilang lahat.

Tinapik naman ako ni Kiel sa balikat.

"Uy" tawag ko sa kanya dahil dala dala niya si lianna paalis.

Lumingon naman siya sa akin.

"Just... be happy." sabi niya sabay alis.

Teka nga lang, ano bang nangyayari sa mundo?? ang daming nag d-drama ah?

Napailing na lang ako habang naguusap sila Aiden at marie.

tsk.

Kiel's POV

"tsk. Ano ba yan. Nagtu-tubig yung mata ko." sabi ko habang Hinihimas himas si Lianna, yung alagang phyton ni Hyra.

hay. para na akong sira dito sa may park.

"Sana maging masaya sila." pag d-drama ko.

"Ano, susuko ka na lang ba?" napatingin ako sa ahas.

"n-nagsasalita ka lianna? Gulat kong sabi.

"Sira, kelan pa nagsalita ang ahas??" Bigla namang lumabas sa gilid yung kaibigan ni hyra, si Ria ba yun??  oo siya nga yata.

"Akala ko naman.." sabi ko habang umiiling-iling.

tss. Nababaliw na yata ako, una. kinakausap ko yung ahas, pangalawa, akala ko nagsasalita yung ahas.

Aish. what the hell -_-

"Oy, pumasok ka dun sa loob. paglaban mo si hyra." sabi niya habang tumatango-tango sa akin.

"Hindi na, masaya na siya dun." sabi ko.

"Sigurado ka?" nakataas kilay niyang sabi sa akin.

Letse. nang aasar ba 'to?

"oo na. eto na. bahala ka na kay Lianna." sabi ko sabay lakad pabalik ng simbahan.

"o-oy. y-yung ahas--" tawag niya pero nilayasan ko na siya.

naku naman.

Ano ba kaseng gagawin ko dito?

Ano ba kasing laban ko?

Ako lang naman si kiel...

Hyra's POV

"Please, Sumama ka na sa akin."  sabi sa akin ni aiden habang hawak yung kamay ko.

Wait--

Naguguluhan na ako ha? bakit niya gustong sumama ako sa kanya?

pano si Kiel?

ayoko siyang iwan. Matapos niya akong tulungan iiwanan ko lang siya?

Hindi ko kaya.

"p-pero."

"Hyra." Bigla namang hinawakan ni Kiel yung kabila kong kamay tapos tinitigan niya ako sa mata.

napalunok naman ako.

Nakita ko namang nagtitigan sila ni aiden.

Shet naman.

Ano ba?

"Come with me." sabay nilang sabi.

Yes naman, kambal lang ang peg? english pa ha? Aish teka nga, bakit ba ako nag j-joke ha? -_- seryoso na nga.

Ano ba kasi? ang gulo ng buhay nila, pati ng akin din pala. Pati ninyo. Ano ba?

ewan ko na. wala na, nasisiraan na ako ng utak.

wala na ako sa mundo.

Pag-ibig nga naman.

-_-

Napalunok na lang ako ng maalala kong kailangan ko nga palang pumili.

Hindi ba pwedeng parehas?

ok. that's so selfish.

So, who to choose??

"I-I'll go with..."

--

Next update, Thursday :)

ps. Kanino kaya siya sasama?? :)

Ehem, sorry na lng si hyra dahil akin na si kiel. Joke xD

Paid To Love YouWhere stories live. Discover now