Chapter Fifty~Four

4.1K 71 3
                                    


*Update!! :")

Guys parang awa pabasa naman ng COLORLESS. Nasa profile ko lang :3 please maganda yun xD ok un lang po :)

Thanks sa paghihintay ng 1 week.     ( •~• ) *

Hyra's POV

"Hoy sabihin mo na kase. Ano bang pwede ha?"

Tumawa naman siya sa kabilang linya.

[ano ka ba hyra. Kahit ano naman yun. Bakit ba sobrang nag aalala ka jan sa regalo mo ha?]

"Kiel, makinig ka ha. For the 9th time, Uuwi ako ng pilipinas para umattend ng birthday. Anong pwede kong iregalo? Yung matino please."

Pagmamakaawa ko sa kanya habang nagliligpit ako ng mga gamit. 'di ko alam kung anong mga damit yung dadalhin ko. Kung yung fashionable ba o yung simple lang. Iba pa naman yung pananamit sa pilipinas kesa sa paris. Kaya eto, hirap akong pumili ng damit at tanungin si kiel kung anong pwedeng iregalo.

[Wag ka ngang mag alala, I'm sure kahit anong ibigay mo matutuwa yun]

"Kiel naman. He's already 24. Ok.. Turning 24. But what do you want me to do? Bigyan siya ng teddy bear at sabihing 'happy birthday aiden. Sana magustuhan mo' Too childish right?"

[ok ganito na lang. I'll be in charge with your gift thingy. But I can't go with you. Si jas kase nagtatampo na naman. Kaya... Hindi kita masasamahan. Ok ba yun?]

"Fine fine. Siguruaduhin mong maganda yang regalo na yan kiel. Sasabunutan kita makikita mo."

[ opo opo. Oh sige na. Pupunta pa ako kay Jas. Ingat sa flight mo bukas.]

"ok. Bye."

Binaba ko na yung telepono. Ano naman kayang gagawin ko pagkauwi ko dun? =,=

Naka book na din ako ng hotel. Siyempre ayoko sa bahay, eh nandun yung bruha kong kapatid eh.

Kapatid. Tsk. Not even a sister for me -_-

Bigla namang tumunog yung telepono ko.

Lumabas naman ako sa kwarto ko. Tsaka nagpunta sa sala.

"Hello?"

"Mam, I would just like to inform you that your flight had been cancelled for some reasons. We re-booked it to the next day of your said flight--"

Binaba ko na yung telepono. Tsk. Kaasar. Yun na nga lang ang available flight papuntang philippines eh. Fully booked na kase lahat. Kainis =,=

Paano na yan? Hindi rin naman pala ako makakaabot. Hay. Hayaan na nga lang. Maiintindihan niya naman siguro diba?

Kinuha ko yung phone ko.

To: Aiden

   Hello aiden. Sorry pero hindi ako makakaabot sa birthday mo. Fully booked na lahat ng flight para bukas, sorry talaga. Advanced happy birthday na lang :)

Sent.

Makatulog na nga lang. Nakakaasar na yung araw na 'to.

Nahiga na ako sa kama ko. Aish. Bahala na nga lang =,= wala naman na akong magagawa kundi Maghintay ng susunod na araw, alangan namang lumangoy ako papuntang pilipinas eh -_- oh kaya mag jeep ako papunta dun 'no?

Siguro nga hindi pa eto yung tamang panahon.

**

*RIIIING RIIIING*

"Aish. Aga aga may nambubulabog."

Sabi ko  habang pilit na tumatayo.

Napadaan pa ako sa salamin. Mukhang horror na yung mukha ko. Sabog pa yung buhok ko tapos namamaga yung mata. Anong oras na oh. 2pm na ng hapon. Ang tagal kong natulog -_-

Nag r-ring parin yung telepono. Sasagutin ko na sana kaso may kumakatok naman sa pintuan ko.

Aish. Sini bang mga istorbo ng buhay ito?

Pinabayaan ko na lang yung telepono.

Tatawag din naman yan ulit eh.

Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

Nagkusot kusot pa ako ng mata.

"Uh, Hi."

Napalunok naman ako ng marami ng makita ko siya.

Pakshet bakit ganun?

"bakit...ka... Nandito?"

"uh," sabi niya habang kumakamot sa batok niya.

"sabi mo kase hindi ka makakapunta sa birthday ko kaya... I decided to celebrate it here..  With you."

Tapos ngumiti siya ulit sabay yuko.

Fvck.

Ang gwapo ni aiden.

*ops. Hanggang dito na lang xD next thursday ang update :D Paalala, hanggang Chapter 70 lang ito. Mahaba haba pa pero, kaya yan xD sa February 14 2015, dun ko ipo-post yung last chapter at yung Epilogue :D just so you know :) K, bye.*

I know its short.

*vanishes*

Paid To Love YouWhere stories live. Discover now