TEN

35.7K 1.2K 64
                                    

Unstoppable


Hindi pa ako kailanman na-excite ng ganito sa buong buhay ko. Yung pakiramdam na halos hindi ako makahinga sa pinaghalong kaba at excitement. Sino ang mag-aakala na ang isang Veronica dela Vega, in all her glorious life, at tinagurian pang Ice Queen ng iilan ay mananabik lamang sa isang halik? Isang halik mula sa lalakeng kakakilala niya lang.

Crazy as it may sound, but that's actually what I felt.

But I felt like I've been waiting for eternity dahil walang labi na dumapo sa aking nakaawang na bibig. I lazily opened my eyes only to find him standing few steps away from me, arms firmly crossed against his chest, grinning at me like I did something idiotic. Ni hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala niya ako pinakawalan mula sa kanyang pagkakahawak sa akin.

My cheeks instantly burned from embarrassment. I bit my lower lip to stop it from trembling because any moment now, my tears would escaped from my eyes. No, I didn't feel like I was robbed. I felt humiliated with my own actions.

"It's not the right time to claim your lips, sweetheart. I am not that insane to let myself caught under your spell. I would not let myself be drowned again to someone who is not worthy. And I know for a fact, that I am not worthy of your attention either. At ayokong isipin mo na inaabuso ko ang pagiging mahina mo ngayon. I am not that bad, trust me. I'm saving yourself from me, Veronica. Hindi ka naman magtatagal dito sa pamamahay ko. After three days or so, aalis ka dito and no one knows when will our paths cross again......or maybe never." Inabot nito ang takas kong buhok na tumatabing sa aking mukha at inipit sa aking tainga. Umilag ako at tinignan ito ng malalim.

Pinakatitigan niya akong mabuti. His eyes lingered on my tight lips. "Dahil baka pag hinalikan kita ngayon, God knows kung hanggang saan pa ang kaya kong gawin sa'yo." Namamaos na bigkas nito as he swallowed hard. Hinawakan niya ako sa kamay ngunit piniksi ko iyon.

"Don't touch me." Mariin na sabi ko. I was furious. I've been played! How could I let myself be fooled by someone like him!

"Hmmm. You're upset, I see. You don't get what I am trying to say to you, do you Veronica?"

"Stop seducing me, Chris. You are bad news. I should stay away from you."

"Finally! Nakuha mo rin! And yes, Veronica! I am bad news! Kaya wag mo akong tignan gamit ang mga matang yan na tila ba naghihintay ka sa mga yakap at halik ko!"

Hindi ko nagawang sumagot nang mabilis na hinila ako nito sa komedor. Nawalan ako ng lakas dahil tila kutsilyo ang kanyang mga salita na humihiwa sa pagkatao ko.

Am I that transparent? At masama bang hangaan ko siya?

Pasimple kong pinahiran ang sumungaw na luha sa aking mata. Why am I so vulnerable when it comes to this man? Why it's so easy for me to let my guards down when in fact, I hardly know him?

He rejected me. At ang sakit din palang ma-reject ng ganito.

Pinaghila niya ako ng upuan at umupo naman agad ako dahil nararamdaman ko pa ang panginginig ng aking tuhod. Tahimik ko lamang itong pinapanood habang iniinit sa non-stick pan ang lumamig na ulam.

Sa lahat ng oras ay nakakunot ang noo nito at tila ba kay lalim ng iniisip. Minsan pa ay kumikibot-kibot ang mga labi habang hinahalo ang ulam na nakasalang. Napapasuklay ito sa buhok at kung minsan naman ay umuungol na hindi ko mawari kung may iniinda bang sakit.

Pero nagpatay-malisya na lamang ako at sa mga kamay kong nakasalikop sa ilalim ng mesa binaling ang aking atensyon.

Kumuha ito ng plato, tinidor at kutsara at nilagay sa aking harapan. Pagkatapos ay ang ulam at ang bandehado na may kanin. Pinagsalin din ako nito ng tubig.

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now