EIGHTEEN

31.4K 1K 85
                                    

Broken

It was Satuday night. I was watching TV when Kuya Lawrence descended from the second floor of our penthouse. "Going somewhere?" I asked.

Nakapantalong maong ito at naka-itim na polo shirt. May hinala na ako kung saan ang tungo nito. Tuwing Sabado ay doon sa ClubMix nagkikita-kita ang kanyang mga kaibigan to socialize and unwind. Pero syempre, hindi naman ako pinanganak kahapon kaya alam kong bukod doon eh para rin makipaglandian sa mga flings nila. Sa naisip ay napairap ako. His group are like eagles hunting for food. Ang "food" na tinutukoy ko ay girls. Oh well, it's a man's world at normal na lang iyon siguro. At isa pa, kahit tumayo lang silang magkakaibigan sa sulok, susugurin pa rin ang mga yan ng mga babae. Kaya stressed lagi ang mga bouncers ng bar pag Sabado. Madalas ay napapapaaway pa sila sa ibang grupo na hindi sila kilala. James owned the restobar, by the way.

Nakita ko ang pagtango ni kuya. "Dito ka lang ba? Hindi ka ba nabobored?" wika nito tila may hinahanap.

"I don't feel like going out." Maikli kong tugon.

Nang mahanap ni kuya ang susi ng kotse niya sa drawer, hinarap ako nito. "Chris will join us."

I raised an eyebrow. Hindi pinansin ang pagsikdo ng puso ko. "So?"

"So? Wala lang naman. Just informing you, little sis." He smirked.

"Are you trying to pair me with Chris?" May pagdududa sa tanong ko.

He sighed. "Kahit ipagtulakan kita sa kanya, malakas ang kutob kong tatanggihan ka lang nun. Masasaktan ka lang din kaya hahayaan ko nalang kayong dalawa. If you end up together, good. But if you don't, that's also fine with me. Pero ayoko dun sa mga lalakeng nalilink sa'yo sa Paris at sa America, baby girl. The latest one, is he a rock star? Mukha pa lang halatang naka-drugs na."

I rolled my eyes pero nakangisi ako. It's a relief to know that he likes Chris for me. "Rumors lang yun kuya. Nag dinner lang kami ni Chester. Malay ko bang may mga paparazzi na nakabuntot sa amin."

He scoffed. "Whatever." Lumapit ito sa kinauupuan kong sofa at yumuko para halikan ang tuktok ng aking ulo. "Love you."

"Love you." I smiled.

Kuya Lawrence is a man of few words kaya pag ganitong pinagsasabihan niya ako ay imbes na mainis ay natutuwa pa ako. Mas nararamdaman ko kasi kung gaano ako kahalaga kay kuya. Oh, I love him to death. I'd really wished he could find a girl who would make his world turn upside down. So far, wala pa akong napapabalitaan. That crazy bitch Cathy was his latest fling and my god, I wanted to kick her ass every time we met. Kulang nalang maging anino siya ni kuya kasi kahit saan ay nakasunod. Masyadong papansin ang babaeng iyon. She knew I hate her kaya napapansin ko ang madalas nitong pag-iwas sa akin tuwing gumagala ito sa hotel. Oh well, she'd rather be or I'll burn her. Siguradong sunog agad siya because that girl is definitely made of plastic.

Natapos na ang pinapanood kong series pero hindi ako nakapagfocus sa mga ganap. Ang isipan ko ay naglalakbay doon sa ClubMix. Kung nandoon si Chris malamang pagpi-pyestahan ito ng mga babaeng sagigilid. Naningkit ang mata ko sa mga imaheng pumapasok sa utak ko. Chris dancing seductively with random girls! Or worse nakikipaghalikan na ito ngayon!

Mabilis akong tumayo. "You'd better behave there or gigilitan kita sa leeg!" Nanakbo ako sa pagpanhik sa aking kwarto sa ikalawang palapag para magbihis at mag-ayos.

Pinili kong suotin ang backless, fitted black dress na hanggang hita ko lang umabot ang dulo ng damit. I paired my dress with my Victoria secret pumps and light make up lang ang nilagay kong kolorete sa aking mukha. But I used red lipstick para mas lalong ma-enhance ang natural na mapupula kong mga labi. Nilugay ko ang aking lagpas balikat na buhok at hinayaang magulo ng hangin. Messy hair would only add extra hotness on my look tonight. Isang pasada pa ang ginawa ko sa aking sarili bago tuluyang lumabas ng aking silid. Bago ako lumabas ng penthouse ay tumawag na ako sa front desk para ikuha ako ng taxi. Pag labas ko ng lobby ay nakaantabay na doon ang taxi na magdadala sa akin sa ClubMix. Hindi ko dadalhin ang sasakyan ko dahil balak kong sumabay kay kuya mamaya pag-uwi. If I ride with him, siguradong hindi niya pasasakayin si Cathy at malamang, taxi ang maghahatid sa babae pauwi sa kanila. And Cathy will hate me even more! And that's more I like it!

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now