TWENTY THREE

23.3K 1K 161
                                    

Yakap ng Pagpapalaya


Pareho naming tinalunton ang daan patungong parking lot habang hawak pa rin niya ang aking kamay. Nang dumaan kami kanina sa lobby, hindi nakaligtas sa akin ang panakaw na tingin ng mga tao sa aming dalawa. Gusto ko itong tanungin kung ano ang pumasok sa isipan niya para gawin ito gayung ito mismo ang laging nag-aalala sa maaring sabihin ng mga tao sa akin.

"Why, Chris? Bakit bumalik ka?"

Marahang sinandal ako nito sa sasakyan, trapping me between his strong arms. "I made you cry, did I? I am sorry."

"Why did you kiss me in public? Akala ko ba ay ayaw mong naeeskandalo ako dahil sa mapanuring mata ng publiko?"

He heaved a deep sigh. Pain and sadness was visible in his eyes. "Kung pwede lang kitang ibulsa at dalhin kahit saan man ako magpunta, ginawa ko na sana, Nica. Naiinis ako tuwing may ibang taong umaagaw ng atensyon mo. Naiinis ako tuwing may ibang lalakeng bukod sa akin ang humahawak sa'yo. Alam kong wala akong karapatan, pero di ko maiwasang magselos. Nakakaputang-ina." Lumayo ito sa akin as he frustratingly combed his hair. He muttered another obscene word.

"Chris....."

Inilayo ako nito sasakyan upang buksan ang pintuan nito. Tahimik na pumasok ako sa loob. He sighed again at kita ko ang kalituhan sa mukha niya na tila ba nagtatalo ang isipan niya. Umikot ito at naupo sa driver's seat, salubong pa rin ang mga kilay.

"Saan tayo pupunta?" I asked without giving him a glance.

"Malalaman mo."

"Galit ka ba? Wala akong ginawang masama, Chris." Ani ko. I clasped my hands tightly on my lap, tila ako bata na naghihintay ng kaparusahan mula sa magulang.

"Yes. Galit ako. Pero hindi sa'yo kundi sa sarili ko."

Hindi ako umimik at tinuon na lamang ang aking atensyon sa labas ng bintana. Ang dami kong gustong itanong sa kanya katulad nang kung bakit bumalik ito sa hotel. Nasaan ngayon sina Rosalie at Echo? Nagkita na ba sila? Saan sila ngayon nakatira?

Halos tatlumpong minuto lamang ang itinakbo nang sasakyan at wala kaming kibuan. Tumigil kami sa tapat ng tatlong palapag na gusali. Kung tama ang hinuha ko ay isa itong paupahan na gusali base na rin sa mga iba't ibang business shops na nakahilira sa unang palapag nito. Sa ikalawang palapag naman ay mga kainan at iba't ibang fast food chains.

Pinagbukas ako ulit nito ng pintuan at naglahad ng palad. Tiningala ko ito and my eyes met his. Kung kanina ay tila galit ang mga mata nito, now I could see the softness in his stares. This man confused me all the time.

Niyakag ako nito papasok sa entrance ng building. Kumunot ang noo ko. Ang buong gusali ay tila isang mall. Lamang ay masyadong maliit ito at hindi gaanong matao. Hindi rin naka- centralize ang aircon. May escalator sa loob pero lumiko kami ni Chris at huminto sa tapat ng elevator. He pressed the button na agad namang bumukas. We went inside. Bigla akong nainitan at ramdam ko ang pagdaan ng pawis sa aking likod.

Tumigil kami sa 3rd floor. I frowned because the whole floor is different from the first two. Walang katao-tao dito. Nilinga ko ang magkabilang pasilyo na ang pader ay napipinturahan ng kulay krema. Naglakad kami ng bahagya hanggang sa tumapat kami sa isang double door. Tiningala ko at binasa ang nakalagay sa taas.

Villaforte & Salameda Law Firm

Hindi ko napigilang suminghap. Minsan ay nakakalimutan kong isa nga palang abogado si Chris.

"You seemed surprise." There was a small smile on his lips.

Hindi ko na napigilang ibulalas ang nasa aking isip. "Sorry, I forgot you're a lawyer." Medyo nahihiya kong sabi na hindi makatingin sa kanya.

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now