TWELVE

36.5K 1.3K 80
                                    

My Girl



"What a beautiful morning it is, right Veron?"

Pumikit ako at suminghap ng malalim. Ang mga kamay ko ay nakakapit sa barandilya ng malawak na terasa ng bahay nila Monica. Hinayaan kong haplusin ng hanging pang-umaga ang aking mukha at hindi na nag-abala pang sikupin ang aking buhok na nililipad ng hangin.

Ngumiti ako at bumaling sa kanya. "It is, Mon. Pero sana man lang hinayaan mo pa akong matulog noh. Ang aga mo masyadong mandistorbo." ngumuso ako sa kanya.

She rolled her round eyes at me. "Yeah. That's what you get from staying up late last night. Magkatabi lang ang mga kwarto natin kaya dinig na dinig ko mga kaluskos mo dito. Pati tuloy ako muntik nang mapuyat dahil sa'yo."

"Sorry naman. Namamahay lang."

"Iniisip ko tuloy kung hindi ka ba komportable sa kwarto mo. Baka di ka nababanguhan. O baka nadudumihan ka. O baka sadyang naliliitan ka lang sa silid. O sadyang di ka lang talaga naangkop dito." She grinned. I knew she was just kidding. She knew that I am not a nit-picky and pretentious kind of person at marunong akong maki-ayon sa kung ano man ang kaya lang ibigay sa akin.

"Alam mong hindi ang mga yan ang rason, Mon. Ano ka ba naman, I thought you knew me better than that. Hindi ako maarte at mapili. Marunong akong mag-adjust at makibagay depende sa kung anong klaseng kalagayan ang mayroon ako."

"Ito naman masyadong seryoso. Totohanan gurl? Nagbibiro lang naman ako di ka na nasanay." Humagikhik ito. "Pero seryoso ka sa mga kwento mo? I mean, di ako makapaniwala. Sinong babae ang magkakagusto sa isang lalakeng di naman niya gaanong kilala? Two days? You knew him for two days? Like, seriously? Maniniwala ako kung ma-ala-Adonis ang datingan ng guy na yun o kasing hot siya ni 007 Pierce Brosnan, my ultimate James Bond."

I snorted at her. "Ewan ko sa'yo. Hindi naman kasi tayo pare-pareho ng nararamdaman sa opposite sex natin. Ang dami ko nang nakadaupang-palad na mga lalake mula sa iba't ibang panig ng daigdig ngunit sa lalakeng ito, kakaiba ang tibok ng puso ko. Nagiging abnormal ang tibok ng puso ko pag nakakaharap ko siya. Then his eyes, they're fascinating. Every time they look at me, it reaches my soul. Like he can see through me. His eyes were fierce, yet, there were softness in them. Kaya siguro hindi ako nakakaramdam ng takot sa kanya kahit hindi ko siya gaanong kilala. Ang isang bagay na hindi ko rin maipaliwanag ay yung realidad na hindi ko siya kilala, and yet, he seems familiar. Like our paths had been crossed before. Like we've been so close before."

Hinihimas-himas nito ang kanyang baba. "Hmmm...baka naman girl, mag-asawa kayo sa past life nyo? At baka nangako kayo noon na hahanapin nyo ang isa't isa sa next life. At ito na nga yun! Ang paglagpas mo sa bayan namin, mismong pagpara mo sa bus malapit sa bahay nila at mismong pagtakbo mo sa bahay nila para sumilong! This is what we called Serendipity!" she was cheering loudly and then paused and glared at me. "Pero di pa rin ako boboto sa lalakeng yun. I need to see him first if he could pass my judgment. And my brother will arrive today from delivering our poultry pruducts mula sa kabilang bayan. Malay mo, pag nakilala mo ang kuya ko, magustuhan mo rin siya. At magiging in-laws na tayo!" She clapped delightfully that it made me smile.

"Grabeh, ang advance mong mag-isip. Sana nga ganun lang kadali kalimutan siya. I am really not sure if I can ever forget him."

"Hay nako. Yang feelings mo sa Chris na yun, fleeting lang yun. Panandalian lang. Natitiyak ko yun. Hindi kasi talaga ako maniniwala na ang bilis mong mahulog sa kanya. Hirap na hirap nga yung iba na abutin ka tapos yung Chris na yun, ginaganun ka lang? Nako, nako, malabo talaga na pangmatagalan yang nararamdaman mo sa kanya. You're not even sure if the feeling is mutual."

Lumukot ang mukha ko. "Pwede ba, Mon. Ang ganda-ganda ng umpisa ng araw ko tapos heto ka ngayon,saying negative things about my feelings toward him."

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now