SIXTEEN

26K 974 103
                                    

Hate


Things were happening too fast this past few days. Mag-iisang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang mapadpad ako sa lugar na ito. And from then on, I lose my control. The very first time I saw Chris, I knew I have loved him since then. Funny, yeah, because I couldn't believe that I was experiencing that silly quote "love at first sight". But I admit it wholeheartedly. That I was falling in love with him. How much? I have yet to know.

All I could ask myself now is, kung gaano ako kabilis napa-ibig sa kanya, ganun din kaya kabilis ako masasaktan?

I clasped both my hands when Chris let them go. I looked at him. His face was full of shock. His body tensed and he was utterly speechless. His eyes darted at the boy who was slowly walking toward us.

I swallowed the lump behind my throat. The boy was handsome. His eyes were brown just like Chris'. His hair was naturally hazelnut brown. The boy's skin seemed delicate and soft. And when he smiled, it was very similar like his mother.

Rosalie. She was indeed pretty. Ang amo ng kanyang mukha na maikukumpara sa isang anghel. Balingkinitan ang katawan nito bagaman hindi ito katangkaran. But she seemed familiar to me. Hindi ko lang mawari kung saan ko ito nakita o baka naman ay may kamukha lang. And for the first time of my life, ngayon lang ako na-insecure mula sa kapwa ko babae. I find her a threat to me. Kahit wala pa itong nagagawang masama sa akin.

"Da........daddy...." Ani ng bata nang huminto sa tapat ni Chris. Yumuko ito na tila ba nahihiya at di makatingin ng diresto sa lalake. Kumagat-labi ito.

"Pasensya ka na Topher, likas na mahiyain si Echo. Hindi rin ito madalas nagsasalita." si Rosalie na tumabi sa anak para hawiin ang buhok na tumabing sa mga mata ng bata.

Naikuyom ni Chris ang kanyang kamao na tila ba nagpipigil ng emosyon. "Hinanap kita. Ang huling balita ko ay nangibang bansa kayo." Ang kanyang sabi na palipat-lipat ang tingin sa mag-ina. Niya.

Humikbi si Rosalie. "Ang kakambal ko lang Topher. Marami kaming kamag-anak sa America kaya ayaw ni Dad na dalhin ako doon dahil sa kahihiyan. Dad brought me to Isabela instead. Sa isang maliblib na lugar niya ako tinago the moment he knew I was pregnant. He treated me like a prisoner, Chris. Mas humigpit siya lalo nung naipanganak ko na si Echo. Alam niyang hahanapin kita dahil hindi mo alam na buntis ako. I was so glad natatandaan ko pa ang lugar na naikuwento mo noon tungkol sa pinamana sa'yo ng iyong ama na tinanggihan mo. Nagtatanong-tanong ako sa bayan kaya nahanap kita, Topher. Finally, nagkita rin tayo. Sobrang miss kita Topher." She sniffled a cry na agad namang dinaluhan ni Chris. Niyakap niya ang babae.

Napaatras ako. Hindi ako kailangan dito. What the hell am I doing here anyway? I felt like I am an outsider. That I was a stranger here. For the first time, I felt like I was completely lost and no place to run into.

Napaigtad ako sa pagdampi ng kamay ni lola sa balikat ko. "Gusto mong umakyat muna at magpahinga? Sasamahan kita." Pabulong nitong wika. Puno ng pag-alala ang mababanaag sa hapo nitong mukha.

Tipid akong ngumit sa matanda. "Okay lang po ako, La. Mas mainam po kung narito kayo para makausap nyo rin ang bisita nyo. Bababa nalang ako mamaya para tumulong sa paggayak ng hapunan." Hininaan ko lang ang boses ko dahil ayokong makadistorbo sa masinsinang pag-uusap nila Chris at Rosalie.

Nang tumango ang matanda ay maingat akong umalis doon. Maya't maya ako tumitingin kay Chris na tila ba wala nang pakialam sa nangyayari sa paligid nito. His eyes were focused to the woman and child infront of him. Ni hindi man lang ata nito namalayang nakaalis na ako sa tabi niya.

Kinagat ko ang labi ko at tumingala para mapigilan ang nagbabantang mga luha. No waterworks, please.

Pagdating ko sa kwarto ay dumiretso ako terasa. Kailangan kong mag-isip. At kailangan kong gumawa ng desisyon sa lalong madaling panahon.

The Gentlemen Series 6: Chris, The Macho Lawyer (SELF-PUBLISHED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat