IFIWAT 1: CHAPTER 3 - Regalo

6.6K 82 11
                                    

CHAPTER 3

BILLY'S POV

Emote emote ako dito sa kwarto! Pambihirang baklitang yun, kung anu ano kasing pinagsasabi. Ayan, napa flashback pa ko kung pano naging kami ni Tim.

T___T

Hays. Buhay nga naman.

Biglaan lang naging kami pero biglaan ding naghiwalay..

*FLASHBACK*

Pagtapos ng insidenteng yun kung saan inannounce ni Tim na girlfriend nya ko at pumayag na din ako kasi pagpapanggap lang naman, lagi na nya akong hatid sundo. Sabay din kami maglunch at libre nya lagi. Pag may project sabay din kaming gumagawa. Hindi ako makatanggi kasi alam nyo naman ang panakot nya. Baliw pa naman yon at alam kong kayang kaya nyang totohanin lahat.

Nang dahil dun lagi na kaming nagkakasama. Mas nakilala ko sya. Hindi lang pala sya basta gwapo, pogi din pala sya. Hehe. He's gentleman, thoughtful, caring and sweet. Yan yung mga ugaling nadiscover ko sa kanya. Kaya naman habang tumatagal hindi ako nahirapan makisama sa kanya. In fact, mas gumagaan nga yung loob ko sa kanya.

At kahit nagpapanggap lang kami, lahat ng inaakto nya parang totoo. Nakikita ko din sa mga mata nya yung sinseridad sa mga kilos at salita nya. Hanggang sa tumagal, nainlove na ako ng tuluyan sa kanya.

Nasa park kami para daw icelebrate yung 1st monthsary namin. Kahit peke lang ang lahat, parang nakalimutan ko na yun dahil sa mga ginagawa nya. Specifically, yung mga pagpapakilig nya sa akin.

He held my hand. "Billy my loves."

Humarap ako sa kanya. Yan talaga yung tawag nya sakin. Ewan ko ba sa kacornyhan nyan.

"O bakit?" mataray kong tanong. Kahit naman nafall na ko sa kanya, hindi ko pa din pinapahalata kasi takot ako. Takot ako na baka masaktan lang ako. Mas mabuti ng ganito lalo na't wala naman akong kasiguraduhan sa kung anong nararamdaman nya.

He moved closer to me and this time, he held both my hands tightly while looking straight to my eyes with full of sincerity, desire and love.

What?

Tama ba yung mga nakita ko sa mga mata nya?

"Billy my loves, I know you wouldn't believe me but.." he paused.

Kinabahan ako. Ano kayang sasabihin nya? Na ayaw na nya sa pagpapanggap namin? Na nakakasawa ako kasama? Na tomboy ako kaya ayaw na nya?

"..but our fake relationship is just a plan."

Ano daw? Plan as in plano? Hindi ko magets. I remained silent. Mas gusto ko lang makinig.

"Please don't get mad at me. Nagpustahan kami nila Jhonny at Isaac, pag nagawa daw kitang babae mapapasakin yung porsche at mercedes benz nila. Pag natalo naman ako, ibibigay ko sakanila yung dalawa kong bmw. Nagawa lang namin yun kasi akala namin tomboy ka!"

WHAT?! PINAGPUSTAHAN LANG NILA AKO!

"HOW DARE YOU! ANO AKO? ISANG BET-AN NG KOTSE? GANYAN BA KAYONG MGA MAYAYAMAN!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Listen to me first! Please. Please!!" he begged. He seemed like crying.

"O-okay."

Galit ako pero kelangan ko marinig ang explanation nya.

"Nagawa ko ngang pumayag sa pustahan pero nagquit na ako. Kasi.. kasi.. mahal na pala kita!"

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora