IFIWAT 1: CHAPTER 13 - Set her free

5.1K 57 0
                                    

CHAPTER 13

TIM'S POV

Pero isang araw habang pauwi ako galing sa bar, inumaga na kasi ako. Narinig kong nagchichismisan sila Mitch.

"True! Tomboy siya!"

"Ang gagang yun pagkatapos landiin si Tim ko, biglang magpapakatomboy?"

Lumapit ako sa kanila. "What are you talking about?"

"Eh kasi Tim, kumalat na sa buong bayan natin na tomboy na daw talaga si Billy!" sabi ni Mitch.

"No! That's not true!" sigaw ko. Itong apat na ito wala ng ginawa kung hindi siraan si Billy.

Medyo natakot yung apat na mean girls.

"Tim, nanggaling na mismo sa kanya ang totoo! Inamin na niya. Bakit di mo siya tanungin? O kaya si Kuya Kanor na tanggero ng bayan, sa kanya mismo inamin ni Billy na tibo na siya. Lesbian, butch--"

"WILL YOU SHOUT YOUR MOUTH UP?!" putol ko sa sinasabi niya. Nabadtrip ako! Ayokong pinagtsitsismisan nila si Billy. Oo nasaktan niya ako pero mahal ko pa din siya. At hindi yun mawawala na parang bula.

Umuwi akong wala sa sarili. Mas lalong gumulo ang isip ko. Si Billy tomboy na?! Fuck! Ano bang pinagsasabi nila. Hindi ako naniniwala.

"Brad." tawag sa akin ni Jhonny. Hindi ko man lang namalayan na pumasok na pala siya sa kwarto ko. "Brad, ayusin mo na yung sarili mo. It's time for you to move on. It's confirmed. Billy is a tomboy."

Umiling ako. "Pati ba naman ikaw? Mahal ako ni Billy. Baka may nagawa lang akong hindi niya nagustuhan kaya niya ako iniiwasan."

Unti unti ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Masyado na akong nasaktan. At hindi ko alam kung hanggang kailan ako masasaktan..

"Hanggang kailan ka ba ganyan, Tim? Gumising ka nga! Tignan mo yang sarili mo, lagi kang lunod sa alak. Umayos ka brad! Nagpapakabaliw ka sa isang tomboy!"

"Wala kayong alam sa nararamdaman ko! Hindi niyo ako naiintindihan. Umalis ka na! Tanginamo! Mahal ako ni Billy my loves ko! Hindi siya tomboy!"

Naiyak na ako. Tangina. Ang sakit talaga. Ilang kutsilyo ba ang nagsisiksikan sa puso ko at ganito ang nararamdaman ko? O baka nga itak pa eh!

*BOOOOOOGGGGGSSSSSHHHH*

Napahiga ako sa sahig. Sinapak ako ni Jhonny? Tangina. Tumayo na ako para suntukin din siya pabalik pero..

*BOOOOOOGGGGGSSSSSHHHH*

Nasapak na naman niya ako!

"Brad, gumising ka na! Wag mong patayin yang sarili mo! Kung mahal mo talaga si Billy, kausapin mo ulit siya. Akala ko ba maimpluwensya kang tao? Bakit hindi mo gamitin yun para makausap mo siya? Anak ka ng mayor pero nagpapakaganyan ka. Ano na lang sasabihin sa iyo ng mga tao? Damn you! Pero brad ito ang tandaan mo, kausapin mo siya para magkaroon kayo ng closure, hindi para balikan ka niya. Tomboy na siya. Inuulit ko lang."

Matagal tagal na din mula ng lumabas si Jhonny ng kwarto ko pero eto pa din ako. Hindi umaalis sa pwesto ko kung saan niya ako nasapak. Hindi dahil sa sakit ng mga suntok ni Jhonny sa akin pero kundi sa mga sakit ng mga sinabi niya.

Nagisip ako. Inisip ko lahat ng mga nangyari. Ano bang mali sa magmahal at bakit kailangan masaktan? Nagmahal lang naman ako pero bakit ganito? Ako pa nga ang nagmahal ng lubos pero bakit ako pa ang mas nasasaktan ngayon?

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Where stories live. Discover now