IFIWAT 1: CHAPTER 9 - Marasigan

5.6K 67 4
                                    

CHAPTER 9

PRESIE'S POV

Pumunta ako sa kwarto ni Billy para magpaalam kasi paalis na ako. "Sis, aalis na muna ako ha? Tutulungan ko lang si madir sa karinderya. Hindi ka ba sasama?"

Nakahiga lang sya sa kama niya. "Hindi."

=__=

Ganyan na siya. Isang tanong isang sagot.

"Nga pala sis, next week na yung start ng practice para sa Mr. Gandang Tomboy. Aattend ka ba?"

Hindi niya ako pinansin. Nagtakip lang siya ng kumot. Wala na akong nagawa kundi ang umalis ng kwarto at dumiretso sa karinderya.

Ewan ko ba jan sa lukaret kong pinsan at bakit nagkakaganyan yan. Ilang araw na siyang ganyan mula ng exclusive meet up nila ni Tim. Ilang beses ko siyang pilit kausapin tungkol sa nangyari pero wala siyang sinasagot. Kundi kibit balikat, iling. Nakakawindang tong pinsan ko!

Twing gigising siya laging maga ang mga mata niya. Akala mo may nakatirang isang libong ipis sa kwarto niya eh. Hindi pa nga kakain yun kung hindi pipilitin ni padir. At kung kumain sobrang onti, ilang subo lang. Daig pa baby. Hindi ganyan ang pinsan ko no, eh kung kumain talaga yun daig pa dinasaur. Akala mo nagugutuman. Hays.

Sobrang nagaalala na nga si madir at padir sa kanya pero ang laging sinasabi niya, 'Okay lang po ako. Gusto ko lang po mapagisa. Wag niyo na po ako alalahanin.'

Hays. Naaawa na ako sa pinsan ko. Miss ko na din siya. Yung mga brutal na pananakit niya sa akin pati mga kung anu anong pambibwisit. Syempre alam ko namang biro lang yun at panlalambing niya sa akin.

Andito na ako sa karinderya. Nakita ko si madir na nagseserve ng mga foods sa condo. Joke! Sa karinderya para sa mga customer. Napansin naman niya akong dumating.

Nagsasandok sya ng ulam. "Anjan ka na pala, Presie. Wala ka bang aasikasuhin ngayon sa SK?"

^__^

"Wala po, madir! Kaya matutulungan kita today!"

"Salamat anak. Magpahinga ka muna bago ka kumilos dito. Oo nga pala, kamusta pinsan mo?"

"Ayun madir, nagkukulong sa kwarto. Nasisira na ang beauty ko kaiisip sa kanya. Niyaya ko po syang sumama ditey kaso madir, deadma ang pretty face ko." maarteng sabi ko.

Bumuntong hininga lang sya. "Hayaan na muna natin siya, anak. Pero hindi ko talaga maiwasang hindi magalala, kami ng papa mo." Halata mo sa itsura ni madir na nalulungkot siya. "Alam mo ba anak na masakit sa amin ng papa mo na nakikita kayong nahihirapan o nasasaktan. Kagaya nung sa iyo noon bata pa kayo, lagi kang inaapi ng mga kalaro mo kaya sabi ko kay Billy, lagi ka dapat niyang pinagtatanggol dahil siya ang mas malakas sa inyong dalawa." maluha luhang sabi ni mama.

T.T

Emosyonal talaga siya lalo na pagdating sa aming dalawa ni Billy. Na kahit pamangkin niya lang ako, parang anak niya na din ako kung mahalin at ituring niya.

Tinignan ko si mama. Nakita kong tumulo ang luha niya ngunit agad din niyang pinunasan. "Ewan ko ba diyan kay Billy at bakit nagkakaganyan yan. Malakas at matapang na bata yun. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka balisa.. Pero.. *sniff* ..wala akong magawa.. *sniff*.. bilang nanay niya.."

T.T

Nasasaktan din ako para kay Billy. Kahit kailan hindi ko nakakitaan yun ng pagkahina. Pero baka tama nga sila, every brave person has it's own weakness which they hide. At ang kahinaang iyon ang kinakaharap ng pinsan ko ngayon. Ayoko na ding nakikita sila madir at padir na ganyan, malungkot.

Siguro binigay ako ng Diyos sa kanila para pasayahin sila. "Madir, ano ba you? Don't cry nga. Kitams, uhog mo tuloy tumutulo. Hahaha!" pagpapatawa ko kay mama. Salamat at natawa naman siya.

Dapat akong gumawa ng paraan. Paraan para maibalik ko ang dating sigla ni Billy..

---

BILLY'S POV

Biglang pumasok si Presie sa kawarto ko. "Sis, aalis na muna ako ha? Tutulungan ko lang si madir sa karinderya. Hindi ka ba sasama?"

"Hindi." sagot ko.

"Nga pala sis, next week na yung start ng practice para sa Mr. Gandang Tomboy. Aattend ka ba?"

Hindi ko na siya pinansin sa halip nagtakip lang ako ng kumot. Ayokong pagusapan ang tungkol sa pesteng contest na yun. Ang dahilan kung bakit nagkakaganito na naman ako.

Narinig ko ang pagbagsak ng pintuan namin. Ibig sabihin, lumabas na si Presie papuntang karinderya para tulungan si mama. Hay. Magisa na naman ako dito sa bahay pero ito naman ang gusto ko eh. Ang mapagisa.

T__T

Masyadong masakit para sa akin ang namagitang sagutan samin ni Tim. Higit na masakit ang naging paguusap namin ngayon kesa nung nalaman ko na niloloko niya lang pala ako.

Unti unti na namang tumulo ang mga luha ko. Mas nasasaktan ako ngayon kasi akala ko okay na ako. Pero hindi pa pala. Masyado pa ring sariwa sa akin ang mga masasakit na nangyari. Masakit din para sa akin na mahalin siya sa kabila ng lahat. Gusto kong magisip. Sobrang daming tanong na gumugulo sa isipan ko.

Bakit kailangan nila ako pagpustahan? Bakit kailangan niya akong lokohin? Bakit kailangan niyang gawin lahat ng mga ito? Bakit kailan niyang iparamdam sa akin na may paki alam siya? Bakit kailangan niyang ipakita sakin na nasasaktan siya? At bakit kailangan niyang iparamdam sa akin na mahal niya ako? Bakit?

Sa daming kong tanong, kahit isa wala akong masagot. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari. Masyado na akong nasasaktan..

---

PRESIE'S POV

Andito ako ngayon sa mansyon ng mga Marasigan. Ang bahay nila Tim. Pumunta ako dito para makausap siya nang malaman ko ang lahat ng nangyari. Lahat lahat. Kung bakit nagkakaganon si Billy.

"Ganda, wait lang daw sabi ni Sir Tim." sabi ng isa sa mga katulong. Nginitian ko lang siya.

Medyo kilala na ako ng mga katulong dito dahil nga SK ako ng barangay namin. Madalas din kasi kaming dito nagmimeeting sa bahay ni mayor.

Maya maya lang din bumaba na si Tim. Mukha din siyang matamlay at parang puyat. Namamaga din ang mata. What's going on kaya? Hmm. I really need to find out para na rin I can make paraan na.

"Hi, Presie. Sino kasama mo?" tanong agad niya

-.-

Seriously? Ambis na tanungin niya ako kung anong pakay ko eh tinanong niya ako kung sino kasama ko. Hmm. "Aketch lang.

Meron ba dapat?"

Napansin kong medyo nailang siya sa sagot ko. "Hehe. Etech naman si Fafa Tim. Kung hindi mo natatanong kung bakit ako nanditey, ahm.. importante lang talaga.."

Umupo siya sa isang sofa sa may gilid ko. "Ganun ba? About what?"

"Sayo."

He frowned. "Me?"

"Yeah."

"What about me?" curious na tanong niya.

"You and.."

"And?"

"Billy."

●●●

A/N: Sorrryyy sa very short update

May major announcement nga pala ako. pero di ko pa po alam kung kelan. heheheh salamaaaaat :))))

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Where stories live. Discover now