IFIWAT 1: CHAPTER 32 - Family

3.6K 45 2
                                    

CHAPTER 32

BILLY'S POV

"Momdy, I want that ice cream!" sabi ni Bhei.

Naku naman tong batang to, ang takaw sa matatamis. Alam niyo bang kakatapos lang kumain ng cake at chocolate nyan? Tapos ngayon ice cream naman? Ano na lang ang gusto niyang mangyari sa ngipin niya, maging kulay negro na sa kabulukan? Hay.

"Bhei, too much sweets is bad right? Bukas ka naman mag ice cream. Promise, I will buy you 10 gallons!" panguuto ko. Though, ibibili ko naman talaga siya ng ice cream bukas pero siyempre chos lang yung 10 gallons.

Andito kasi kami ngayon sa mall, namamasyal. Namimili na rin ng mga damit niya at ibang kailangan.

Hinawakan niya yung kamay ko saka ako hinila sa ice cream parlor na tinuturo niya. "No, momdy! I want the 10 gallons of ice cream now."

Si Bhei. Ang batang hindi mauto. Bow. Nagisip ako ng iba pang pwede kung ipanguto sa kanya basta wag lang siya kakain ng ice cream. "How about a new toy?"

"Sure, momdy! But we'll buy an ice cream first!" masayang sabi niya.

=___=

I told you guys. Mahirap maconvince yang bata na yan palibhasa matalino at mana sa akin. Bwahaha.

"No Bhei. Just choose one. A toy or an ice cream?"

Nagisip siya pero biglang may nakaagaw ng atensyon niya. Lumakad siya ng kaunti palayo sa ice cream parlor tapos may tinitignan siya sa pinakahall way ng mall. Tinignan ko kung anong tinitignan niya pero hindi ko makita. May mga tao kasing naglalakad baka naharangan.

"Baby, anong tinitignan mo diyan?"

"I want that one among anything else in this world." seryosong sabi niya.

Ang taray ng anak ko kung anu ano sinasabi! Teka, ano ba kasi yung tinutukoy niya?

"Where?"

"That one!" sabi niya sabay turo.

Alin ba yun? Parang wala naman eh. Ang nakita ko lang ay yung tatlong tao na nakatalikod sa gawi namin at naglalakad. Isang lalaki, babae at isang batang babae. Isang pamilya.

"Bhei, where? Bakit hindi makita ni momdy? Nahaharangan ba nung nga taong nalalakad?"

"No, momdy."

O___O

Medyo natatakot ako sa pinagsasabi nitong anak ko. Baka multo naman ang nakikita nito? Eh kasi bakit hindi ko makita?

"Ano ba yun baby?"

"I want that one. I want that family!"

O___O

What? Yung family pala yung gusto niya? Waa! Gusto na ng anak ko magkapamilya? Waa. Anong gagawin ko? Bakit nagkakaganun ang anak ko? Waa. Baka may boyfriend na siya? Waa. Ayoko pa no! Ang bata bata pa niya no! At kahit malaki na siya, bawal siya mag asawa!

She stared at me like I'm a senseless person. "I know what your thinking momdy. I just want to have a family like that. I want to have two parents. One is a boy which I'll call dad and the other one is girl and that's you momdy."pageexplain niya sa akin. May bahid ng kalungkutan ang pagsasalit niya.

Y___Y

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, habang lumalaki siya magtatanong at magtatanong siya tungkol sa tatay niya. Natatakot ako na baka hanapin niya sa akin ang tatay niya at hindi ko masabi ang totoo. Natatakot ako na baka sa kakahanap niya sa daddy niya, makulangan na siya sa pagmamahal na binibigay namin.

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Место, где живут истории. Откройте их для себя