IFIWAT 1: CHAPTER 30 - Paaak

3.8K 42 10
                                    

CHAPTER 30

BILLY'S POV

T___T

"Bakla.. *sob* ..bakit? Bakit sila naghalikan?" umiiyak na tanong ko.

Kung ikaw kaya nasa katayuan ko? Matuwa ka kaya? Imaginin niyo yung taong pinakamamahal niyo nakita mong nakangiti sa harap ng maraming tao kasama ng babaeng karibal mo tapos naghalikan pa shet! Sarap magpakamatay!

Ano bang dapat kong gawin? Magwala dito at ipagkalat na ako.. Ako ang girlfriend ni Tim? O dumeretso na ako ng lakad sa mini stage at hilahin ang buhok ng Cass na yun at kaladkarin sa pababa at ipakagat sa K9 ang mukha? Ano? O baka mas mabuti kung umuwi muna ako at pakalmahin ang sarili ko? Tama. Yun ang gagawin ko.

"Tara na, bakla.." yaya ko kay Presie.

Pero habang nalalakad, hindi ko maiwasang maging emosyonal. "Presie, bakit ang punyeta mo? *sob* ..sana pala.. sana nakinig ako sayo na.. *sob* ..na wag na tayong tumuloy.." Napahagulgol ako. Niyakap ako ng mahigpit ni Presie.

"Sigurado ako, Sis. May rason si Tim kung bakit niya nagawa yun. Sa totoo lang, gusto kong balatang ang mukha niya ngayon tapos ipakain kay Cass pero hindi pa natin alam ang dahilan niya diba? Hindi makakabuti sa atin kung uunahin natin ang galit natin." sabi ni Presie.

T____T

"Presie, kaya niya ba ako inimbitahan sa puntanginang party niya para.. *sob* ..marinig ko na engaged na sila at.. *sob* ..at.. *sob* ..makita ang paghahalikan nila? Tangina Presie! Ano bang maling ginawa ko sa buhay ko at nagkakaganito ang buhay ko? Sagutin mo nga ako!"

Kilala ko si Tim. Mahal niya ako at kahit na may kasunduan kami ng mom niya, gagawa at gagawa pa din siya ng paraan makapagusap lang kami pero sa loob ng ilang araw, wala. Wala akong narinig na kahit na ano mula sa kanya.

Kung ano man ang dahilan niya, gusto kong malaman at kahit na ano pa yan, hindi tamang halikan niya ang isang papel! At bakit? Bakit wala akong nakitang kahit na anong bahid ng pagtutol sa mukha ni Tim nung halikan siya ni Cass. Dahil ba.. dahil ba nagustuhan niya din yon? Tangina! Baka hindi lang din yan ang nagawa nila! Nakatira sila sa iisang bahay at baka.. at baka.. ginagawa na din nila yung bagay na sa kanya ko lang binigay..

---

kinabukasan..

Nagising ako sa ingay ng katok sa pinto ng kwarto ko. Teka, nakatulog pala ako sa kakaiyak kagabi? Hindi ko na alam kung paano ba kami nakuwi ni Presie, basta ang alam ko lang yung puso ko unti unting kinakain ng lungkot, galit at muhi.

"Sis!" naririnig kong tawag sa akin ni Presie mula sa labas ng kwarto ko.

Lumabas ako. "Bakit?"

"Ay te, may isang libong ipis na naman na nakatira jan sa kwarto mo? Grabe yang, mata mo sa pamamaga!"

Binatukan ko nga. "Peste ka! Kita mo namang broken hearted yung tao eh!"

"Sis, hindi naman sa gusto kong dagdagan yang bigat na dinadala mo sa puso mo pero I think, kailangan mo tong makita." sabi ni baklita saka may pinakita sa aking diyaryo si Presie.

O___O

Nasa headline ng isang sikat na newspaper ang naganap na surprise engagement party kagabi nila Tim at Cass. Tangina! May media kagabi? At okay lang lahat kay Tim yun? Bakit? Bakit?

"Presie, kailangan kong makausap si Tim. Pupunta ako ngayon sa mansyon ng mga Marasigan!"

Dali dali akong bumalik ng kwarto at nagbihis. Tumakbo ako palabas at halos lumipad na ako sa kamamadali makarating lang sa mansyon ng mga Marasigan.. Kailangan kong makausap si Tim. Gusto kong malaman ang lahat. Gusto kong maging malinaw ang lahat.

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin