IFIWAT 1: CHAPTER 38: Wife

3.6K 47 21
                                    

CHAPTER 38

BILLY'S POV

Andito ako ngayon sa tapat ng isa sa mga malalaking building. Ang kompanya na pagaari nila Tim. Pumunta ako dito para kausapin siya tungkol kay Bhei. Aamin ko na sa kanya ang lahat alang alang sa anak ko katulad na din ng sabi ni Alex.






Lumapit ako sa front desk at doon nagtanong. "Good afternoon. Can I talk to Mr. Tim Marasigan?"






"Sorry but he's busy and he doesn't want to be disturbed." sagot nung babae sa front desk.






"Ahm, baka pwede mo namang itanong sa kanya kung pwede niya akong makausap? Paki sabi ako si Bilen Lyn Tinamaan and for sure kakausapin ako nun." sabi ko.








Ang totoo niyan, hindi ako sigurado kung pagbibigyan nga ako ni Tim na makausap siya. Pero sobrang desperada na akong kausapin siya tungkol kay Bhei kaya kailangan kong magmatapang.





"Excuse me lang ha? Sinabi ko na ngang ayaw niya magpaistorbo diba? Bumalik na lang kayo sa susunod na araw at sino ka ba sa akala mo para kausapin ka niya? Bakit babae ka ba niya? Sorry pero hindi pumapatol si sir sa mga mas lalaki pa sa kanya manamit." malditang sabi sa akin ng nakaduty sa front desk.






Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. "Bakit sino ka din ba sa akala mo? Sa tingin mo din ba papatulan ka ni Tim sa baho ng ugali mo? Excuse me lang miss, nagtrabaho ka dito hindi para magmaldita at lalong hindi para magmaganda dahil hindi ka maganda!" Tapos humarap ako sa kasama niya. "Nasaan ang incharge for employee dito? Icocomplain ko lang naman ang attitude niyang kasama mo!"








Mukhang natakot yung babae kaya agad na sumunod. May kinausap siya sandali sa telepono at maya maya lang humarap na siya sa akin at kinausap ako. "Maam, akyat na lang daw po kayo sa office ni sir. Ako na lang po ang maggaguide sa inyo. This way po." At sinamahan niya ako hanggang sa office ni Tim.









Ang sekretarya niya ang sumalubong sa akin. "Maam, are you Miss Bilen Lyn Tinamaan?"








Yung totoo, bakit ang sakit sa tenga ng pangalan ko? "Ahm, yes."sagot ko.







"Let's go inside, maam." sabi niya at iginiya niya na ako paloob sa office ni Tim. Narinig ko pa ng ipaalam ng secretary kay Tim na nandito na ako.






Pumasok na ako sa loob at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Tim.









"Ahm.. T-Tim.. Busy ka daw pero baka pwede mo naman akong bigyan ng kahit konting oras lang. We should talk." panimula ko







Naiilang ako na ewan. Hindi ko alam kung bakit pero siguro kasi mahabang panahon kaming hindi nagkita. Kitang kita ko ang pagbabago sa kanya. Mas tumangkad siya at mas naging maganda ang katawan niya. Parang firm na firm. At nagkaroon din siya ng konting stubbles na nakapagpadagdag pa sa kanya ng kagwapuhan.








He smiled. "Basta ikaw, Billy. I can sacrifice everything for you. Ano ba ang gusto mong pagusapan natin?"







Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. "Tungkol kay Bhei. Tungkol sa anak natin.."







He smiled widely.







I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang