IFIWAT 1: CHAPTER 8 - Blush

5.8K 71 17
                                    

This chapter contains vulgar bad words. Rated SPG. This is not suitable for very young readers. Strict parental guidance is advice.

CHAPTER 8

BILLY'S POV

"You don't need to shout." sita sa akin ni Tim. Aba sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung kaming dalawa lang pala ni Tim dito? Kung alam ko lang sana inindyan ko na lang si Maam Beth. Pambihira! Ako pa naindyan tuloy.

"Hindi ba kasigaw sigaw yun? Tayong dalawa lang dito?" Hindi ko kaya ang presensya niya lalo na't kaming dalawa lang.

He smiled at me. "We used to do it before."

O.o

Yan na naman sya sa mga ngitian nya eh. "Yeah, before. Yung dating ako. Iba na ngayon. Iba na ako." nagiwas ako ng tingin.

"For me, it's still you. Walang iba. Even my feelings." he said seriously.

Bakit ba kelangan niya pang banggitin ang noon? Isa yan sa mga bagay na kinakatakutan kong mapagusapan namin kaya hanggat maaari, ayokong makipagusap sa kanya.

Pero kelangan ko ng pera para kay mama. Be professional na lang. "Siguro pwede na natin simulan yung paguusapan natin diba? Hindi yung kung anu ano yung pinagsasabi mo na hindi naman ako interisado." mataray kong sabi.

Nagbunutan kasi bawat pair para sa theme ng talent nila. At isa yun sa dahilan ng meet up ng bawat pair. Love ang theme ng sa amin. Pisti! Pati tadhana nananadya.

"Pwede kumain muna tayo?" tanong nya.

"Busog ako!" sabi ko naman. Kahit ang totoo gutom ako. Hindi ko na kasi nagawang kumain sa kamamadali.

"Edi pahinga muna tayo."

"Hindi ako pagod!" sabi ko ulit. Kahit medyo nakakapagod kasi naglakad lang ako mula sa bahay hanggang dito. Kaya maaga ako umalis. Binigyan naman ako ni mama ng pamasahe, nanghihinayang lang talaga ako.

"Kwentuhan?"

Tss. "We're not friends!" sabi ko. "Pwede ba ang pinunta ko dito ay meet up para sa contest hindi para makipagchikahan sayo! Sinasayang mo ang oras ko!"

Bumuntong hininga sya. "Okay. Ano bang theme natin?"

Paktay. Ang awkward kaya kung babanggitin ko. "Ah.. eh.. L-lo.. ahm.."

"Akala ko ba sayang ang oras mo? Go on tell me."

O//O

"L-lo.. l-love.." ilang na ilang na sabi ko. Pusang gala!

"Love?" medyo nagulat sya. "Love."

Habang sinasabi nya yung mga salitang yun nakatingin sya sa akin. Hindi pala. Titig na titig sya sakin. Yung tipong matutunaw na ako sa mga titig nya. Pucha naman oh!

"Oo yun nga! Hindi mo kelangan ulit ulitin. Hampas ko sayo tong violin ni kowya eh!" paulit ulit kasi nyang binabanggit yung word na yun. Awkward na nga eh.

"Bakit naiilang ka ba sa salitang love?"

O//O

He laughed. "You're cute when you are blushing!"

O///O

Ako nagbablush? Shutang inerns! Hindi to pwede. Tomboy ako! Tibo! Aish.

''Pwede manahimik ka na?" may masabi lang ako.

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Where stories live. Discover now