IFIWAT 1: CHAPTER 7 - Garden Bar & Resto

5.8K 67 14
                                    

CHAPTER 7

BILLY'S POV

Natapos ang meet up ng hindi ako sinipot ng partner ko na si Tim. Yung apat naman na miyembro ng T-JAIL na sina Jhonny, Alden, Isaac at Leandro umattend. Bukod tanging sya lang talaga ang hindi.

Pch. Hindi porke artistahin sya umarte magpapaka VIP na sya na parang artista no! Pero pabor na din sakin yun at hindi ko nakita ang pagmumukha nya!

"Sis, bakit kaya hindi umattend si Fafa Tim?" tanong sakin ni Presie. Pauwi na kami. Hindi na kami dadaan pa ng karinderya para tulungan si mama kasi hindi nga sya nagtinda ngayon dahil sa sakit ng likod nya.

"Aba malay ko! Mukha ba kong hanapan ng nawawalang bakulaw?" sabi ko.

Nag pout pa sya. "Hard mo sis!"

Taray ng bakla akala mo naman bagay sa kanya yang papout pout.

krrriiiinnnnnggggg!

Phone ko ba yun? Kinapkap ko yung bulsa ko. Pero wala. Tinignan ko yung bag ko pero wala din.

"Gaga, akin yun! Bakit may cellphone ka ba?" pambabara sa akin ni Presieng baklita.

"Bawal mag assume? Makagaga kang gaga ka ah!" sagot ko naman.

Di nya na lang ako pinansin. Sa halip, sinagot nya yung tawag.

Oo nga pala, wala akong cellphone. Pero ewan ko ba sa topak ko at nagfifeeling ako. Eh kasi pagmay nagriring na phone, nakakataranta diba?

"Sino yun?" tanong ko kay Presie nung matapos na syang makipagusap sa cellphone nya.

Aba't ngiting ngiti si bakla. "Si coordinator, sis!"

-__-

Yun lang pala eh. "Eh bakit ganyan itsura mo?"

O__O

"Wag mong sabihing tibo ka na din at may gusto ka na kay coordinator?" gulat na gulat na tanong ko. Nasa tapat na pala kami ng bahay.

"Eww ka sis! Ang sabi kasi ni Maam Beth, may exclusive meet up daw kayo ni Fafa Tim dahil hindi sya nakaattend kanina diba? Yieeee! Gorabeeeels!"

O.O

"ANNOOOOOOOOO???"

---

Kinabukasan..

Papasok na ako sa Garden Bar and Resto. Isa sa mga pinakasikat na restaurant dito sa amin. Ang pagkakaalam ko, pagaari ito nila Isaac.

Andito pala ako para makipagmeet up kay Tim. Ang totoo nyan mula kahapon pagkasabi sa akin ni Presie na ngayon daw meet up namin, kinakabahan na talaga ako. Wala talaga sana akong balak pumunta kaso nakakahiya naman kung iindyanin ko si Maam Beth diba? Sya yung coordinator eh. Putragis! Kung si Tim lang, hindi ko talaga yun, sisiputin!

Pagkapasok sa main entrance may sumalubong na agad sa aking isang lalaki na nakasuot ng plain white long sleeves with bow tie and a black pants. Tumingin ako sa paligid. Maraming nakaganun. Confirmed. Waiter nga sya. Baka kasi isa sa mga customer yan tapos pagtanungan ko diba? Nakakahiya.

"Ahm, excuse me--"

"Are you Ms. ahm... Mr. .. Ms.." putol nung waiter sa sasabihin ko.

Mukhang nalilito sya sa sasabihin nya kung Miss ba ako o Mister. Diba nga tomboy ako? "Bilen Lyn Tinamaan na lang. Hehe." sabi ko. Kahit ako di ko alam kung Mister ba ako o Miss. Babae sa puso pero nagpapakalalaki sa labas. Hays.

Kelangan kasi sabihin yung name bago makapasok para maconfirm kung nakapagpareserve ba kayo o hindi. Reservation type kasi itong Bar and resto nila Isaac palibhasa sikat at puro mayayaman ang pumupunta.

Ngumiti ng pilit yung waiter. Mukhang nailang ata. "This way po." iginiya nya na ako sa likod ng resto. May garden kasi doon sa likod.

Pero bakit nga pala dito sa Garden Bar and Resto? At kelangan talaga dito pa sa likod sa may garden? Pwede naman sa loob na lang ng restaurant. Psh!

Sinusundun ko lang yung waiter hanggang sa makarating kami sa isang side ng garden.

*o*

Paraiso! Yan yung description ko sa lugar. May long red carpet sa gitna tapos yung gilid may mga flowers, lights and lantern. Sobrang liwanag sa kabila ng dilim dahil gabi. Ang ganda. Sobra.

"Dito ba?" takang tanong ko.

Tumango lang yung waiter tapos binigyan ko sya ng sigurado-ka-bang-ugok-ka-na-dito-yun-look. Tumango lang uli sya. Edi wala na akong choice, lumakad na ako sa red carpet na may mga petals din pala.

Habang naglalakad ako, hindi ko pa din talaga maiwasang hindi mamangha. Totoo ba to? Tanginis! Baka naman nananaginip lang ako?

Pagdating ko sa dulo, may nakita akong table for two. For two? Eh tatlo kami eh. Tapos may kandila pa. Nagtitipid ba sila Isaac at kandila pinapagamit sa customer? Tss. Akala ko pa naman pangmayaman to. Teka, bakit nga ba walang tao? Wala si Maam Beth pati si Tim. Baka hindi nga dito yun. Pucha niligaw pa ko ng letseng waiter na yun!

"Makabalik na nga!" sabi ko sa sarili ko.

"Bakit naman, Billy?"

O_O

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ni Tim. Binanggit pa ang pangalan ko. Pisti pisti! Alam ko namang magkikita kami ngayon pero bakit nagulat pa din ako?

"Have a sit." sabi nya uli.

Humarap ako. Kelangan profesional ako. Kelangan kong gawin to para sa 50k. Kelangan para sa karinderya ni mama.

Iuusog ko na sana yung upuan ko para makaupo na ako kaso inalalayan ni Tim yung upuan. Tss. Siniko ko nga! "Kaya ko!"

Umupo na sya sa upuan nya ganun din ako. Maya maya lang din nay lumapit na isang waiter sa amin at hinanda na yung mga pagkain. Tapos may lumapit na naman na isang waiter na may hawak na violin at nagpatugtug sa gilid.

Bakit ganito? "Hoy!" tawag pansin ko kay Tim. Humarap naman sya. "Asan na ba si Maam Beth?"

Napakunot noo sya. "Hindi ba nagtext sayo?"

Ay shunga. "Wala nga akong cellphone diba?"

"Oo nga pala. May importanteng lakad daw sya kaya she's not coming with us." he said while smiling.

O.O!

"ANNNNOOOOOOOOOO??"

●●●

A/N: Abangan ang next chapter for more exciting scenes.... :)

I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Where stories live. Discover now