IFIWAT 1: CHAPTER 41: Ulan

3.3K 46 11
                                    

CHAPTER 41

ALEX'S POV

It's been one hour pero wala pa din si Billy. Kanina ko pa siya inaantay dito sa bahay. Birthday kasi ni mamita ngayon.







"Wala pa ba anak? Dapat kasi sinundo mo na." sabi ni papito—yung daddy ko.





"Eh papito ayaw niya kasing magpasundo. Alam niyo naman yun, pag ayaw niya, ayaw niya." sagot ko.





"Tinawagan mo na ba?"





I just nodded then he walked away.





Isa pa yun sa kanina pa nakakabahala sa akin. Kanina ko pa siya tinetext pero wala akong narereceive na reply sa kanya. Hanggang sa tawagan ko na siya pero out of coverage area. Mabuti pa, tawagan ko na sila tita.





Riiiiiinnnnggggiiiiinnnngggg!



[ "Hello, Alex?" ]



"Tita! Good evening po. Nanjan pa rin po ba si Billy? Kanina ko pa po kasi siya inaantay dito sa bahay."




[ "Ay naku Alex, kanina pa siya umalis. Baka natraffic lang." ]





"Ganun po ba? Sige po salamat."





[ "Walang anuman. Paki sabi happy birthday sa mama mo." ]




"Sige po. Thank you tita!"




tut, tut



Imposibleng matraffic si Billy kasi may way papunta sa amin na puro tricycle lang ang dumadaan. Imposible namang traffic dun. Asan na kaya siya?




Think positive. Baka may binili lang siya kaya natagalan siya tapos natraffic. Pero nakabili na daw siya ng regalo eh. Yun yung sabi niya. Hay. Think positive ulit. Baka may extrang binili lang like cake or kahit anong desserts.




After 2hrs..





Takte. Wala pa din si Billy at out of coverage area pa rin yung phone niya tuwing tinatawagan ko siya. Hindi na talaga ako mapakali. Hahanapin ko na siya.







Lumabas ako ng bahay at nilibot ang buong subdivision namin. Nagtanong na din ako sa guard kung nakapasok na ba si Billy pero hindi pa daw. Shit! Asan na kaya yun? Lumabas ako ng subdivision at dun naghanap hanggang sa makalayo na ako..






Shit! Shit talaga!






Bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong dalang payong. Basang basa na ako. Pero wala akong paki, hahanapin ko pa din si Billy. Naglakad lang ako ng naglakad habang patuloy sa pagbuhos ang malakas na ulan. Pakiramdam ko isa na akong basang sisiw na naglalakad sa kalye. Unti unti na din akong giniginaw sa lamig dahil hanggang sa mga sandaling yun, wala pa ding tigil ang malakas na ulan.






"BILLY!! BILLY!!" pagtawag ko sa kanya.





Nasaan na ba siya? Okay lang ba siya? Natatakot ako na baka may nangyaring masama sa kanya.





"BILLY, NASAAN KA NA BA?! BILLY—"





"MISS OR MISTER?"




I Fell Inlove With A Tomboy 1 & 2Where stories live. Discover now