Seven

1.8K 54 4
                                    

Gabi na rin nang maka uwi na kami sa bahay ni Alter, siguro mga 8 pm na rin. Nakagalit nga saakin si ate eh kasi hindi daw ganun ang uwi ng matinong babae.

Bukas ko na pala ipapakilala si Ate kay Alter. Exited na ako syempre meron nang makaka alam na boyfriend ko na si alter. Nahihiya kasi akong sabihin kila Airee, lalona't teacher pa namin si Alter.

.......

Hindi ko alam pero parang hindi maganda ang araw ko ngayon. Ewan ko lang parang biglang nagbago ang atmosphere sa paligid ko.

From: Alter

Morning, baby.

Napangiti nalang ako sa text sakin ni Alter. This past few days medyo nagiging sweet na rin sya, maybe hindi lang sya sanay.

To: Alter

Morning din:)

Inilagay ko na ang cellphone ko sa bedside table at maglalakad na sana ako papuntang banyo ng mag ring ito. Akala ko si Alter ang tumatawag pero si Ander pala.

"Milly. I'm sorry dahil sa nasabi ko sayo last week." Narinig ko ang pagbuntog hininga nya sa kabilang linya.

"it's okay." sabi ko sa kanya. and besides baka marami lang syang naiisip nung time na yun to the point na inoover think na nya ang mga bagya bagay.

"I hope we are still friends." malungkot na sabi nya kaya natawa nalang ako sa kanya.

"syempre naman!" masayang sabi ko sa kanya para ma feel nya na di ako galit.

bumaba na ako after ng tawag ni Ander at naabutan ko si ate na nagkakape habang may katext at ngumingiti ngiti pa. Naka kunot noo ko syang nilapitan dahil duon.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

"wala naman. Sis, anong oras ba tayo magkikita ng boyfie mo? may date pa kasi ako mamaya eh." bakas sa mukha ni ate na kinikilig. Mukhang lumalovelife ang ate ko ahh.

"mamayang lunch ate." sagot ko sa kanya at kumain na rin ng breakfast.

......................

Lunch time na at naka bihis na rin kami ni ate at ready na umalis ng bahay. Nagpa hatid kami sa resturant na sinabi saakin ni Alter kay mang ben, yung driver namin.

Pagkapasok palang namin nakita ko na agad ang pogi kong boyfriend. Nilapitan namin sya ni ate.

"hi" naka ngiting sabi saakin ni Alter at linapitan ako at hinalikan sa pisngi at tumingin kay ate na ngayon ay parang gulat.

"ate are you okay?" nagaalalang tanong ko ng makitang namumutla sya habang naka tingin kay Alter.

"i-i'm okay. Bigla lang sumakit ang ulo ko." Sagot nito at umupo na rin. 

Tumikhim sya at tumingin kay Alter. Parang may kahulugan ang tingin na ibinibigay nya pero hindi ko nalang iyon pinansin. "So, you are my sister's boyfriend." Hindi ko alam pero may kakaiba sa tonong ibinibigay ni ate.

"uhuh. And you are my Girlfriend's sister. Riley' right?" nakangising sabi ni Alter kay ate na nagyon ay mukhang hindi maganda ang mood. Tumango lang si ate sa sinabi ni Alter.

Nagorder na kami ng foods and then kumain. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng mag excuse si ate na mag c-cr lang daw. and then few minutes later nag excuse din si Alter na mag c-cr din daw, like what? anong meron?

Hindi ko nalang iyon pinansin at itinuloy ang pagkain. Nang mag t-twenty minutes na at wala pa sila hindi na ako makatiis sinundan ko na sila sa restroom. At naabutan ko si ate na umiiyak habang naglalakad pabalik ata sa table namin.

"Ate what's wrong?" nagaalalang tanong ko sa kanya umiling lang sya saakin at pinunasan ang luha.

"wala, sis. I-I need to go, yung manliligaw ko kasi may nilalandi nang iba. Ngumiti sya saakin ng malungkot at nilagpasan na ako napatingin naman ako kay Alter na kalalabas lang ng restroom.

"baby, may emergency meeting sa office nila dad and kailangan ako duon. Tinawagan ko na si Ander para sunduin ka. just wait here okay?" HIndi na ako nito hinintay na maka sagot at naglakad na rin ito palayo.

Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa ginawa nya, pero pinipilit ko parin syang intindihin. Kasi I know naman na hindi lang ako priority nya.

Ilang minutes din ang hinintay ko bago dumating si ander. Malungkot ko syang tinignan at mukhang nag gets naman nya ang ibig ko sabihin at hinawakan nya ang kamay ko at sinabing 'okay lan yan. Intindihin mo nalang ang sitwasyon.' 

"Pero hindi ko parin maiwasang masaktan." Malungkot na sabi ko.

"Food trip nalang tayo?" nakangiting sabi nya sakin at hinila ako palabas sa resto. Hindi rin pala ko nakakain ng mabuti kanina dahil hindi ko feel ang atmosphere namin.

"Gusto ko ng fishball." nakangusong sabi ko sa kanya, ayaw nya kasing kumakain ako ng streetfood at yung food trip na sinasabi nya hindi yung bibili lang kami ng gulaman, bbq o ano. Iba kasi yung version nya ang kakainin din namin kung sya yung kasama ko panay mga mamahalin din kaya di ko feel.

"No." matigas na sabi nito at ipinagpatuloy padin ang pag d-drive. 

"Ander naman eh, sigina na kasi kahit ngayon lang." pagpupumilit ko parin sa kanya.

"A no is a no, milly. Ni hindi mo alam kung saan nila binibili kung mga tinitinda nila." pangangaral nya sakin kaya napasimangot naman ako.

"Edi wag. Ganyan ka naman eh." nagtatampong sabi ko sa kanya. Napabuntog hininga naman sya at iniliko ang sasakyan sa park kung saan maraming mga street foods na naka lagay. Napangiting tagumpay naman ako sa loob loob ko.

"Oh, ayan na." Sabi nya sakin at binagbuksan ako ng pinto. Ngingiti ngiti naman akong kumapit sa braso nya. Naka busangot ang loko. Natalo nanaman kasi saakin.

Pumunta na kami sa stall na nagbebenta ng fishballs.

"Kuya, 20 pesos nga po na fishball tapos 10 pesos na kikyam." Naka ngiting sabi ko sa nagtitinda. Agad ko naman kinuha ang binigay nya saking plastic cup na punong puno ng ng fishballs. 

"Bayad po." sabi ko at inabutan ko sya ng isang libo.

"Ineng, wala ka bang barya?" tanong sakin ni Kuya kaya umiling naman ako.

"Wala akong pambarya eh." sabi ni manong.

"keep the change nalang po." nakangiting sabi at panay naman ang psasalamat ni kuya sakin. Binalingan ko naman ng tingin si Ander na nakangiwi habang nakatingin sa pagkaing hawak ko.

"Gusto mo?" tanong ko sa kanya na agad naman nya inilingan. Tumusok ako ng isang fishball at itinapat sa bibig nya at iniwas naman nya ang mukha nya.

"Kainin mo. Magtatampo ako sayo sige ka." Pananakot ko sa kanya kaya wala syang choice kundi kainin ito. Pikit mata nyang sinubo ko ang fishball at halos matawa naman ako sa histura nya. Pero nang manguya na nya ang fishball ngumiti sya sakin sabay sabing masarap daw tapos bumili din sya ng sarili nya.

"Gusto din naman pala nagiinarte pa." pangaasar ko sya kanya pero hindi nya ako pinansin at ipinagpatuloy pa ang pagakin sa fishball nya.

Maghapon kaming nasa park at naglilibot libot. Masayang kasama di Ander lalona't close kami at may sense of humor sya.

Umuwi na rin ng mapagot kami, mga 5 pm na nang maisipan naming umuwi.

Habang nasa byahe unti unti na akong dinalaw ng antok dahil sa pagod. Pagdating namin sa bahay, hindi parin ako dumidilat kahit alam kong nasa bahay na kami. Naramdaman akong binuhat ako ni Ander papuntang kwarto at inihiga sa kama.

Naramdaman kong hinalikan nya ang noo ko at bumulong,

"Sana ako nalang, Millet. Sana ako nalang."

.................................

wooohooo! happy 25 reads!

My Teacher's PlanWhere stories live. Discover now