Seventeen

2.1K 52 2
                                    

Si Alter, nasa Pinas na si Alter. Napatingin ako kay Ander naka tingin saakin. Alam kong masaya sya dahil nagparamdam din sa wakas ang kapatid nya pero bakas din sa mga mata nya ang pangamba.

"He's back." Mahinang sabi nito na parang sarili lang nya ang kinakausap. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mga kamay nya.

Tumingin sya sakin gamit ang malungkot na mga mata, "are you coming back to him?" Mahinang tanong nito saakin na agad kong ikinailing.

"Syempre hindi. Just trust me, Ander. Mahal kita, okay?" Nakangiting sabi ko sa kanya, pilit kong pinapagaan ang atmoshpere sa paligid namin.

"Corny." Narinig kong side comment ni Raden kaya tinignan ko sya nang masama.

"Teka nga? Kayo na ba Ty?" Tanong ni Miller saakin kaya ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Finally bro. Hindi na bahag yang buntot mo." Tumatawang sabi ni Miller tapos ay ginulo ang buhok ni Ander at inakbayan pa ito.

"Shut up, Miller." Inis na sabi nito at itinulak palayo si Miller. Napailing nalang ako, mukhang nababagabag talaga itong Ander ko ahh.

"Suus, naging kayo lang ng pangarap mo nagsusungit ka na. Wag ganyan oy! Magbrebreak din kayo!" Pangaasar pa nito kaya mas tumalim ang masamang tingin ni Ander kay Miller.

"Wala ka lang Girlfriend kaya ganyan ka." Nakangising sabi nito na ikinasimangot ni Miller.

"Girlfriend? Hindi ko na kailangan yan. Sakit lang sa ulo yang mga yan." Bored na sabi nito tapos ay tumingin saakin at ngumisi.

"So sinasabi mong sakit ako sa ulo?" Naka cross arm habang nakataas pa ang isang kilay na tanong ko sa kanya. Aba hindi ko tanggap na sabihan nya ako nang ganun ahh!

"Sabi mo eh." Pangaasar nito saakin kaya inis na lumapit ako sa kanya at piningot ang tenga nya. Kapal eh.

"Aaaaw, Ty. Oo na, hindi ka sakit sa ulo." Hiyaw nito habang pilit na inaalis yung kamay ko na naka pingot sa kanya.

"Uto uto ka naman. Sakit kayo sa ulo di na yun mababago." Aniya nang tigilan ko ang pag pingot sa kanya.

"Eh putangina ka pala ehh!" Sigaw ko dito at sinipa ang tuhod nya kaya napatalon talon naman sya dahil sa sakit.

"I don't like you cussing Milly babe." Inakbayan ako ni Ander pagkasabi nya nun tapos ay umupo na kami.

"What are you doing Mr. Kaisenly?" Dumating na pala yung Prof namin.

Tinignan ako ni Miller na parang sinasabi na isusumbong nya ako kaya tinignan ko sya nang masama.

"Wala sir." Tanging sabi nito na ikinangisi ko.good boy. Umupo na sya sa upuan nya, which is sa likod ko.

Habang nagklaklase kami may kumatok kaya pinahbuksan sya nang teacher at napagalamam ko na si Airee pala yun na mugto ang mata at malaki ang eyebags.

Napatingin ako kay Radon na walang emosyong nakatingin ngayon kay Airee at sa lalaking naghatid sa kanya ngayon.

Wait what? Lalaki? Napatingin ako sa lalaking iyon. Sya yung captain nang soccer team nang school. Ano nga bang pangalan nya?

Neil? Nate? Noel? Ay! Note! Note yung pangalan nya. Bakit naman sya kasama ni bessy?

Tinignan ko si Radon ngayon ay masama na ang tingin kay Note. Dapat lang yan sayo Radon, sinaktan mo ang bessy ko, ngayon nagselos ka.

"Sino yung kasama ni Airee?" Napatingin ako kay Ander nang magsalita ito.

"Si Note. Ang pogi nya no?" Napangisi nalang ako isip ko nang magbago ang timpla nang histura nito.

"Hindi naman. Mas pogi pa ako dun eh." Nakanguso nyang sabi. Natawa nalang ako, trip ko syang asarin ngayon.

"I don't think so, mas gusto ko yung aura nya. Parang fresh na fresh." Sabi ko at iniunan ang baba ko sa kamay at kunwaring tinititigan si Note.

"Mas fresh naman akong tignan sa kanya no." Pagpupumilit nalang nya pero umiling lang ako habang nakatingin kay Note.

"Isang araw palang tayo may natitipuan ka nang iba." Naka kunot noong sabi nito tapos nakanguso pa. Ang cute.

"Kasalanan ko bang mas gwapo si note sayo." Pangaasar ko pa na mas nagpanguso sa kanya. Lihim nalang akong napatawa isip ko.

Mas gwapo ka Ander. Walang wala si note sayo para saakin kung alam mo lang.

"Edi dun ka na sa note mo!" Sigaw nito na naging dahilan para pagtinginan kami nang lahat.

"Uh-oh may nagseselos ata ahh." Narinig kong pangaasar pa ni Raden.

"Oo nga eh, kilala mo ba tol?" Pagpapatuloy pa ni Miller.

"Yung katabi ata ni Shell eh." Nangaasar na sabi ni Raden.

"May problema ba mr. Halliard?" Tanong nung prof namin. Hindi naman sya pinansin ni Ander at tumayo lang at tuloy tuloy na naglakad palabas at talagang binunggo pa nya si Note.

"Halla ka, Ty. Nagalit ang unggoy." Parang batang sabi sakin ni Miller with actions pa tapos umiiling iling pa. Hindi ko naman sya pinansin at tumayo at tuloy tuloy na lumabas.

Hindi na ako nagpaalam dahil mas importante naman si Ander babe ko kesa sa Teacher namin.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Ander na naglalakad na palayo. Tumingin ako sa paligid walang gaanong tao dahil school hours. Nilakasan ko ang loob ko at sumigaw.

"Ander Joseph Halliard! Wag ka nang magselos, Ikaw ang ang pinakagwapong lalaki para saakin! Kaya baby! Umuwi ka na hindi na ako galit." Natawa nalang ako sa sarili ko dahil sa huli kong sinabi. Napansin ko namang pinagtitinginan kami nang mga students at yung iba pa ay nakasilip sa nga bintana nila.

Tinignan ko si Ander na ngayon ay pulang pulang ang buong mukha, abot pa hanggang leeg.

"I love you, Ander Joseph Halliard!" Pagpapatuloy ko pa na mas ikinapula nang buong mukha nya.

May mga students naman na sumisigaw at tumitili.
..........

Sa wakas tapos na ang klase. Hinatid na ako ni Ander after class.

Umakyat na kami sa room ko at may nakita kaming lalaking nakatayo sa may Likod nang pinto. Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon.

"Sino sya Milly babe?" Tanong sakin ni Ander na hindi ko sinagot dahil hindi ko naman sya kilala.

Unti unting humarap angn lalaki at tila nanlamig ang katawan ko nang makita kung sino ito.

"Alter."

............

Happy 43 reads guys!

My Teacher's PlanWhere stories live. Discover now