Special Chapter

2.8K 48 2
                                    

"Ander Tigiltigilan mo nga ako!" May halong inis pero mas lamang parin ang kilig na sabi ko kay Ander na nakalingkis saakin. Yung mukha nya pa nakasiksik sa leeg ko. At ang masama pa dito, nag klaklase kami!

"Ayaw. " parang batang sagot naman nya saakin. Kanina pa ako hiyang hiya dito kasi pinagtitinginan na kami nang mga classmates namin yung teacher naman namin napapailing nalang saaming dalawa.

"Nakakahiya ka, Ander. "

"Hindi mo na ba ako love? " nakangusong sabi nya sakin. Damn! Bakit ba kailangan mong maging ganito kapogi, Ander?

"Syempre love kita pero... Please lang bumitaw ka na. " sabi ko dito pero mas hinigpitan pa nya yung yakap saakin.

"Nakakainis! Bakit ba kasi kailangang sa isang taon pa ang kasal natin?!" Sigaw nya na halos pwede nang marinig sa kabilang classroom.

Namula ang mukha ko dahil sa sinabi nya lalona't kinakantyawan pa kami nang mga classmates namin.

Mariin Kong piningot ang tenga nya kaya naman panay nalang ang sigaw niya nang aray. Pinandilatan ko sya nang mata nang akmang sisigaw nanaman sya. Jusko naman itong lalaking ito.

"Bwisit ka talaga, Ander kahit kelan." Inis na sabi ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin at nginisian lang.

"Alam mo, kapag hindi ka tumigil iiwan talaga kita." Kako kasi may pinapakopya yung prof eh hindi ko makopya kasi nga naka lingkis siya sa braso ko.

"Iiwan mo ako?" Ngayon ay malungkot na ang boses niya tapos ay teary eyes pa. Natawa naman ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa pisngi.

"I love you." Yun nalang ang nasabi ko.

"I love more." Sagot niya na nag pangiti sa akin.

"I love you the most." Ewan ko ba kung bakit bigla nalang yun lumabas sa bibig ko.

"I love you more than everything." Sagot niya ulit at akmang mag sasalita pa ako ng halikan niya ako. Nag init ang buong mukha ko at ramdam ko ang pamumula nito.

"Basta milly babe, mahal na mahal kita at kulang pa ang salitang sobra para idescribe ang pag mamahal ko sayo."

.......

"Moooom! I'm home!" Sigaw ko pag dating sa bahay tapos ibinagsak sa sofa yung bag ko.

"Moooom! I'm home na din!" Tinignan ko si Ander ng masama ng sumigaw din siya at ibinagsak din ang bag sa sofa.

Feel at home na Feel at home ang loko.

"Oh, ander bakit andito ka nanaman?" Lumabas si mom mula sa kitchen na may dala dalang tray ng cookies na alam kong binake niya.

"Bakit mommy, ayaw mo na rin ba sa akin?" Kunwaring malungkot na sabi ni Ander kaya natawa nalang si mommy pagkatapos ay inilagay yung cookies sa table.

"Pwede bang maging ayaw ko ang future son-in-law ko?" Natatawang sabi ulit ni mommy kaya tumayo si ander at inakbayan si mommy.

"Si mommy talaga, porke't ako lang ang favorite na son-in-law mo eh." Pag mamalaki niya kaya tinignan ko siya na parang hindi maka paniwala sa sinabi niya.

"Tanga, ikaw lang naman ang kasi ang magiging son-in-law ni mommy." Sabi ko kaya naman sinimangutan niya ako.

"Mommy oh, si milly babes." Sumbong niya kay mommy pero hindi ko siya pinansin at kumain nalang mg cookies.

"Kayo talaga, mag pahinga na nga lang kayo diyan." Sabi ni mommy.

Umupo naman na ulit si Ander sa tabi ko at nag tanggal ng polo tapos ay sumandal ulit sa balikat ko tapos ay in-on yung tv.

"Milly babe, nasabi ko na ba sayo kung gaano kita kamahal?" Biglang tanong niya.

"I love you." Yuon nalang ang sinagot ko sa tanong niya. Naramdaman ko naman sa balikat ko na ngumisi siya.

"Milly babe naman, wag mo namang ipakahalata na patay na patay ka sa akin." Nakangising sabi niya kaya naman piningot ko siya sa tenga.

"Pwede ba, Ander!" Sigaw ko pero tumawa lang siya.

.....

Basta kasama ko si Ander, I feel so safe and secure and everything. Mahal na Mahal ko siya, Higit pa sa kung gaano ko minahal si Alter.

Minsan inisip ko na 'Paano kung hindi ko siya nakilala?' Well, siguro miserable pa rin ako hanggang ngayon. Siguro, hindi ako masaya.

Tumingin ako kay Ander na nakahiga ngayon sa tabi ko habang natutulog. Napangiti nalang ako at Hinalikan ko siya sa noo at yinakap.

"I love you, Ander."

My Teacher's PlanWhere stories live. Discover now