Nineteen

2.1K 44 1
                                    

"Milly babe hatid na kita." Napatingin ako kay Ander nang magsalita ito sa tabi ko, nasa gym kami at nagpupunas sya nang buhok. Kakatapos lang nang basketball practice nila ay kakashower lang nya.

"Hindi na." Tanggi ko rito na naging dahilan para kumunot ang noo nito.

"Bakit? May pupuntahan ka ba?" Tanong nito saakin. Shete, ano naman ang irarason ko ngayon?

"A-ahh oo ano. Dumating kasi sila mommy and my family dinner kami ngayon." Sana hindi nya nahalata na nagsisinungaling ako.

"Ganun ba? Pwede ba akong sumama? Miss ko narin sila tita eh." Nakangiting tanong nito saakin na agad kong ikinailing.

"Maybe nextweek nalang." Pagtanngi ko dito.

"Sige. And tell tita and tito na I miss them." Sabi nito at tumayo na. Inilahad naman nito ang kamay nya na inabot ko naman.

Ihahatid daw nya kasi ako hanggang sa waiting shed. At pagdating nga namin duon meron na si Mang Ben.

"Bye." Pagpapaalam ko kay Ander at hinalikan sya sa pisngi.

"Ingat milly babe." Nakangiti nitong sabi tapos sumakay na sa big bike nya.

"Ikaw din." Nakangiti ko ring sabi at itinaas na ang bintana.

............

Pagdating ko parang sa Timezone agad na rumehistro ang kaba sa dibdib ko. This is it. The moment of truth.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Alter na naka upo sa isang upuan duon na agad namang tumayo nang makita ako tapos ay ngumiti.

"You came." Masaya nitong sabi at yayakapin sana ako pero umatras ako. Nakita kong napabuntog hininga nalang ito.

"Dito tayo mag uusap?" Walang emosyong tanong ko sa kanya.

"Hindi." Sabi nito at inakay na ako palabas nang timezone. Kita mo ito, may pa timezone timezone pang nalalaman di naman pala kami duon maguusap.

In the end sa isang sikat na resto kami napadpad.

"Talk." Matigas na sabi ko dito nang mag lilimang minuto na kaming nakatungaga.

"When I was still a kid isinama ako ni daddy sa ibang bansa. Ayaw kong sumama tung time na yun pero wala akong choice eh. May sakit ako, Millet. May brain cancer ako, stage 1 palang dati yun at napagdisisyunan nila daddy na magpagamot na habang maaga pa. They told Ander na about business kaya ako umalis nang bansa pero hindi. Umalis ako dahil kailangan kong magpaggaling." Saglit itong huminto tapos ngumiti saakin nang mapait.

"Almost 10 years na rin mula nang makabalik ako. I don't know pero alam kong may nagbago saakin, sa pauugali ko, sa nararamdaman ko. I was too young to encounter 17 operations, Millet." Nagulat ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam. Hindi ko alam na grabe pala ang napagdaanan nya.

"And then I met Riley, your sister sa park. I was so despressed that time at sya yung taong tumulong saakin that's why I can't help myself not falling to her. I asked her if I can court her pero tinanggihan nya ito. She said we're to young and then months passed and I tried asking her again if I can court her but she refused me. And sabi nya her sister loves me at hindi nya kayang makita ang kapatid nya na nasasaktan. At ikaw yun, Millet. And then Nalaman ko na nagaaral ka kaya pumasok ako bilang isang teacher. I have connections kaya madali akong nakapasok." Tumingin sya saakin pagkatapos nun. Pero tinignan ko lang sya na parang sinasabing ituloy nya ang sasabihin nya.

"That's the time na I planned na paibigin ka and then dump you later so you'll hate me and stop loving me and then pwede ko nang ligawan ang ate mo dahil wala ka na. Wala na yung pagmamahal mo na iisipin nya." Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko at nakita kong nataranta naman sya nang makita akong umiiyak at lalapitan sana ako pero stopped him by putting my hands infront of him.

"Continue." Kahit na masakit I need to know everything.

"And believe me Millet, nawala sa isip ko ang plano ko the day na nakakasama na kita. Nakikita ko kung gaano ka kabait kung gaano kabusilak ang puso mo and unexpected thing happen... I loved you and the day na sasabihin ko na sana sa ate mo na I already moved on, nalaman ko na may sakit din sya. And dahil alam ko ang pakiramdam at kung gaano kahirap kaya I chose her over you. At iyon ang desisyon na pinagsisisihan ko." Nakita kong may tumulo rin sa mga mata nyang luha.

"And then, you're ate told me na I should follow my heart and leave her there so I did it. Pero may Ander ka na, meron na syang nakaagapay sayo. I tried na sabihin sayo na mahal kita but you didn't listen. So to heal my broken heart, I chose to leave. And habang nasa Bar ako, sa sydeny, Australia I met someone, her name is Kinney, and she's wasted she even tried killing herself sa restroom at dahil hindi maatim nang kunsensya kong iwanan sya kaya I helped her. And the unbelievable thing happend. May nangyari saamin and- and nabuntis ko sya." Mas humina ang boses sya sa huli nyang sabi at mas umagos naman ang luha ko. Ang lakas nang loob nyang sabihing mahal nya ako tapos may nabuntis naman pala sya!

"At iniwan mo sya. Hindi mo man lang inisip ang nararamdaman nya Alter" hindi makapaniwalang sabi ko pero umiling ito.

"No, I'm here para iexplain sayo ang side ko. And yes, maybe I planned na bawiin ka kay Ander pero mukhang hulog na hulog ka na ehh. It hurts pero sa kanya ka masaya. Wala akong magagawa duon. I'll try to love her millet. Para sa anak namin." Ngumiti ito saakin pero hindi umabot sa mata nya.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap sya, "Pinili mo ang tama Alter, at masaya ako para sayo." Sabi ko habang nakayakap parin sa kanya. Pagangat ko nang tingin nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ander na nakatayo sa harap ko.

"Dinner, huh?"

...........

Soooo, sobrang lapit na nang ending. Nakakasad lang dahil bumaba ang MTP sa rank #734 and sobrang nalungkot ako dahil duon and sana tulungan nyo akong maiangat ang MTP by sharing my story. So ayun, thank you po.

My Teacher's PlanWhere stories live. Discover now