Eight

1.7K 42 3
                                    

This past few days pakiramdam ko may nagbago kay ate. Hindi na kami kasing close dati, parang may nagbago talaga saamin magmula nuong nag lunch kami, pati nga si Alter eh halos hindi na rin kami mag kita at ang mas nakakabigla pa ay nag resign na sa pagiging teacher, tinanong ko sya kung bakit pero hindi naman nya ako sinasagot and then si ate halos lagi nang wala sa bahay and ito namang si Ander kahit saan ako magpunta laging naka sunod saakin.

Hindi ko alam pero talagang parang may mali saamin ni Alter. And then madalas ko syang mahuli na may katext tapos nakangiti tapos kung tatanungin ko kung sino yun sinasabi nyang yung mommy lang daw nya. Hindi na ako nagsasalita pag sinasabi nya yun dahil ayaw ko namang mag away kami.

"Alter, libot tayo."pag aaya ko sa kanya. Andito kami sa condo nya at nanonood nya movie.

"Next time nalang, baby." sabi lang nito at hinalikan nko sa noo, I felt so respected everytime na hinahalikan nya ang noo ko at masaya ako kahit na alam kong may nagbago, pinapahalagahan nya rin ako bilang girlfriend nya.

"Sigina." pagpupumilit ko sa kanya pero tinignan nya lang ako gamit ang pagod na mata. Napa buntog hininga nalang ako dahil duon.

"Tatawagan ko nalang si Ander para mag pasama." sabi ko sa kanya at tumayo para sana kuhanin ang cellphone ko ng hilahin nya ang braso ko. Napangisi naman ako saaking isipan dahil alam kong ayaw nyang nagkakasama kami ni Ander.

"Let's go." sabi nya at kinuha ang susi ng sasakyan nya. Nanalo nanaman ako sakanya.

"where do you wanna go?" Tanong nya saakin habang nag dadrive.

"Gusto ko sa timezone." sabi ko sa kanya na agad naman nyang inangalan.

"Again?" hindi makapaniwalang sabi nya. Lagi kasi kung magaaya ako sa timezone yung sinasabi ko kaya ganyan sya kung maka react.

"Yup." naka ngiting sabi ko sa kanya.

Ngayon naka busangot na syang nagdadrive kaya hindi ko mapigilang hindi matawa sa histura nya. Halos magkasalubong na ang kilay nya habang naka focus ang tingin sa daan. Tumingin sya sakin nang marinig nyang tumatawa ako.

"Why are you laughing?" naka kunot noong sabi nya sakin at sandaling tinignan ako bago ibalik ang tingin sa daan.

"Ang cute mo kasi kapag naiinis." sabi ko at kinurot ang pisngi nya kaya napa aray naman sya dahil sa ginawa ko.

"Stop" kunwari pang naiinis ang loko pero nakangiti naman kaya mas lalo akong natawa sa kanya. Nakanguso naman syang nagmamaneho tapos paminsan minsan ay tumitingin saakin, nagpapacute ang loko.

Tulad ng dati agad na bumili si Alter ng Token ko tapos naupo nalang sa isang tabi habang naglalaro ako. Halos mag t-thirty minutes na nga ako sa claw machine pero wala pa akong nakukuha ni isa at sa inis ko sinipa ko yung Machine at mukhang napansin ng isang babaeng crew yung ginawa ko kaya nilapitan nya ako.

"Ma'am bawal po yung ginawa nyo." pagbabawal nya sakin pero dahil mainit ang ulo at wala ko sa mood pati yung babae kinakainisan ko na rin.

"I don't fucking care! kung hindi ba naman kasi yan madaya!" sinipa ko ulit yung machine dahil sa inis at mukhang pati yung babae naiinis na rin saakin pero wala akong pakialam.

"Ma'am siguro mas mabuti pang umalis nalang kayo dito." Mahinahon pero bakas ang inis nasa sabi nung babae na mas nagpainis saakin.

"At sino ka naman para paalisin ako dito?" nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya. Naka agaw na rin kami ng atensyon ng ibang taong andito pero wala akong pakialam.

Magsasalita pa sana yung babae ng biglang dumating si Alter at nakita ko namang natigilan yung babae ng makita ang kasama ko. At ang malanding ito pinagnanasaan pa ang Alter ko.

"Eh sir yang kapatid nyo po kasi sinisipa yung Claw machine." pabebeng sabi nung babae tapos tumingin saakin at ano daw? kapatid?

"He's not brother. Boyfriend ko sya. B-O-Y-F-R-I-E-N-D." Inis na sabi ko sa kanya. Patong patong na ang kasalanan saakin ng babaeng ito.

"Ay ganun po ba mukhang po kasing kayong magkapatid." nakangising sabi sakin nung babaeng hipon at mukhang nangaasar pa.

"Nang iinsulto ka ba?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya pero umiling lang sya.

"let's go, tara na baka kung ano pang magawa mo dito." tumingin ako kay Alter ng magsalita ito, akala ko galit sya pero naka paskil sa mukha nya ang amusement dahil sa ginawa ko.

"ehh naman eh! Gusto ko yung panda na teddy bear." pamamaktok ko sa kanya ng magsimula na syang maglakad palabas habang hawak ang braso ko.

"Bili nalang tayo sa iba, kahit yung mas malaki pa kung gusto mo." sabi nya sakin nang hindi man lang lumilingon at tumitigil sa paglalakad.

"Ayoko nga! Yun yung gusto ko ehh." pagpupumilit ko pa pero hindi lang nya ako pinansin.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nya saakin at hindi man lang pinansin yung panda ko.

"Hindi ako kakain, yung panda ang gusto ko." pagmamaktol ko, gusto ko kasi talaga yung panda, and believe me ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makuha yung panda pero sadyang madaya lang yung machine.

"Hindi, kakain ka. Whether you like it or not." matigas nitong sabi at nagsimula na ulit maglakad. Mas alo akong napasimangot, daig pa si daddy eh.

Umuwi kami na wala ako sa mood. Nakakainis naman kasi yung panda. Gusto ko yung panda.

"Bye." malungkot sa sabi ko kay Alter ng maihatid nya ako sa bahay. Natatawang napapailing naman sya saakin tapos hinalikan ako sa noo.

"Uwi ka na gad. Wag ka ng gagala." pagpapaalala ko dito, syempre mag gagabi na kaya at tsaka ayokong makahanap sya ng babaeng mas better saakin.

"Opo. I Love you, baby."  Nakangiting sabi nya sakin at hinalikan ako ng isang beses sa lips.

"I love you too." sagot ko sa kanya. tumalikod na sya at nagsimulang maglakad papuntang sasakyan nya.

Papasok na sana ako sa bahay nang makita ko si ate sa pintuan, ngitian ko sya, "Hi ate." sabi ko sa kanya.

"Kain ka na, lil sis." matamlay na sabi saakin ni ate. Hindi ako sanay na ganito dahil dati kung may problema si ate hindi nya sinasarili at shinashare nya saakin.

Bukas na pala ang first ever monthsary namin ni Alter. Exited na ako para bukas.

My Teacher's PlanWhere stories live. Discover now