Eleven

2.1K 53 4
                                    

Isang araw lang akong nag stay sa hospital, hindi ito alam nila mommy dahil ayaw kong magalala pa sila saakin. Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang sakit dahil sa sinabi ni Alter, at minsan gusto ko nalang sumuko pero alam kong may mga tao pang nagmamahl sakin kaya kahit na mahirap pinilit ko paring magpakatatag. Hindi ako iniwan ni Ander, magmula nung umalis si Alter dito sa hospital, si Airee naman paminsan minsan umuuwi sya dahil walang kasama ang kapatid nya sa bahay.

Akala ko okey lang kami ni Alter, akala ko wala nang problema akala ko seryoso sya saaakin pero hindi pala. At mas dumoble pa ang sakit dahil si ate pa ang minahal nya, yung kapatid ko pa. And I can't believe na all this time, niloloko lang nya pala ako.

"Hey, bakit ka umiiyak?" mapahawak ako sa mukha ko nang sabihin iyon ni Ander. Umiiyak na pala ako.

lumapit saakin si Ander at yinakap ako, I'm so happy dahil mayroon akong kaibigan na katulad ni Ander, even though inamin na nya na mahal nya ako higit pa sa pagiging magkaibigan, hindi parin sya nag babago.

"Andito lang ako, okay?" nakangiting sabi sakin ni Ander at pinunsan ang luha ko gamit ang daliri sya. Napangiti ako dahil sa ginawa nya.

"I know." nakangiting sabi ko sa kanya at yinakap sya.

"Tara sa timezone?" Pagaaya nya sakin na inilingan ko, hindi ko pa kayang lumabas nang bahay ngayon, wala pa ako sa mood.

"We made too much memory duon Ander." sabi ko dahil yun naman ang dahilan ko, napabuntog hininga naman sya dahil sa sinabi nya.

"Then let's change those memories." pagpupumilit pa nya kaya umiling mula ako.

"I won't change those memories, Ander. I'll multiply them." sabi ko habang naka ngiti ng mapait. Alam ko nasaktan sya dahil sa sinabi ko pero hindi parin ako titigil dahil akin si Alter.

"Learn how to move on, milly. Dahil masasaktan ka lang kung ipapagpapatuloy mo pa yan. Learn hiw to love yourself first. Kung sinaktan ka na, wag ka nang maghabol. Instead, ipakita mo sa kanya na you dont care, na hindi sya kawalan." mahabang linya nya sa akin. Maybe he's right pero this is still not the right time para sumuko ako.

"Sinabi nya saaking mahal nya ako, at pinanghahawakan ko iyon." matigas na sabi ko sa kanya ata tumalikod at yumakap sa panda na binigay nya saakin.

Narinig kong mapabuntog hininga ulit sya na tanda na sumoko na sya sa akin.

"It's past twelve, already. Kain muna tayo." sabi nito at hinila ako patayo.

"You go change. I'll wait outside." aniya at lumabas na sa kwarto ko. Andito pala kami sa Condo ko kasi hindi ko pa kayang makita si Ate.

After half an hour natapos na ako at pinuntahan si Ander na ngayon ay nakatulog na sa sofa habang nakanganga pa kaya hindi ko maiwasang matawa dahil sa histura nya.

Tinapik ko ang pisngi nya para magising sya ay nagtagumpay na ako. Tinignan naman nya ang relo nya at tumingin saakin.

"Ang tagal mo."

.............................

Nakarating na kami sa resto at kumain. Habang kumakain kami napansin kong hindi mapakali si Ander.

"May problema ba?" tanong ko.

"Naiihi ako. Wait me here." Sabi nya kaya tumango ako.

Iginala ko ang mata ko nang matapos na akong kumain at wala pain si Ander at nakita ko sila Alter at ate! Hindi ako nag dalawang isip na lumapit sa kanila at hinila ang buhok ni Ate.

"Alter." Umiiyak na sabi ko nang itulak ako ni Alter matapos kong sabunutan si ate. Gusto kong sabihin na ako rin alter, nasasaktan din ako.

"I already told you, Millet, na mahal ko ang kapatid mo!" Galit na sabi nito marahil dahil sa ginawa ko kaya ate.

Tumingin ako kay ate na naka yuko, "Ate sabihin mo na hindi iyon totoo, sabihin mo na hindi kayo ni Alter, sabihin mo na nag bibiro lang kayo." Tinitignan ko sya na parang sinasabi na sabihin nyang hindi iyon totoo.

"I-I'm sorry." Lalapit sana saakin si ate pero umiling ako. Ayoko. Nakakadiri sila. Nandidiri ako sa kanila.

"I-I can't believe you ate. Akala ko ikaw yung nakakaintindi sakin, akala ko kakampi kita pero iba ka rin pala ate." Umiiyak na sabi ko. Lumapit sya sakin at yumakap at paulit ulit na humingi ng patawad.

Tinulak ko sya ng buong lakas dahilan para matumba sya. Pati sya ay umiiyak na rin.

"What the fuck, Millet!" Agad na dinaluhan ni Alter si Ate. Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit eh. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit parang hindi ko na makakayanan.

"A-alter ni minsan ba minahal mo ako?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para tanungin sa kanya iyon.

"No." Napayuko ako sa sobrang sakit. Pinahid ko ang luha ko pero hindi parin ito tumitigil sa kaka agos.

"Do you want me to leave?" Kahit masakit, kahit alam ko na ang isasagot nya tinanong ko parin. Nagbabasakali kasi ako na may pag-asa pa.

Ngumisi sya, "I would love to." Nakangiting sabi nya at hinawakan ang bewang ni ate.

"Let's go, honey. You don't need to waste your tears for someone who doesn't deserve it." Napahawak ako sa bibig ko ng maramdaman kong hindi ako makahinga. Bakit kasi ngayon pa umatake yung asthma ko.

"Alter wait lang si Millet!" dinig kong sigaw ni ate.

"Don't mind her." Tanging sabi ni Alter at pinagpatuloy ang paglakad. Naramdaman ko ang panginginig tulod ko at alam kong anumang oras babagsak na ang tuhod ko.

"Shit! Millet." Bago ko ipikit ang mga mata narinig ko ang boses ni Ander.

"A-ander." At tuluyan na akong nawalan ng malay.

.......................................

So, happy 36 reads guys!

My Teacher's PlanWhere stories live. Discover now