Fourteen

2.1K 66 2
                                    

After that day, mas lalong naging maalaga saakin si Ander. Si Ate, hindi ko parin binibisita, hindi pa kasi ako ready, okay?
And Alter? Nasa puso ko parin sya. Magmula nung araw na iyon hindi na sya muli pang nagpakita saakin. It's hard kasi sabi nya mahal nya ako. Akala ko, after nyang sabihin yun, paninindigan nya iyon at ipararamdam nya saakin pero hindi ganun ang ginawa nya.

Sabi ko sa sarili ko, maybe challenge lang iyon saamin, maybe hindi rin iyon ginusto ni Alter. I'm ready na eh, ready na ako bigyan ulit sya nang chance pero hindi na sya nagpakita saakin, kay ate.

Balita ko rin, kay Shellot, ang bestfriend ni ate, hindi na rin daw nagpapakita si Alter sa kanya at labis daw nasaktan si Ate dahil duon. Naaawa ako kay ate dahil dun lalona't alam ko rin ang pakiramdam nang masaktan.

"Isang buwan na ang nakakalipas hindi mo parin natatapos ang lesson one." Pagbubukas ni Ander nang usapan, andito kami sa park at nakaupo lang habang tumitingin sa mga batang naglalaro.

"I'm working on it." Kunwaring masungit na sabi ko. Alam ko onting time nalang makakalimutan ko na si Alter.

"Try hard." Sabi nya kaya napabusangot na ako.

"No need. I can say 70% nang moving on process ko ay tapos. Onting time nalang, okay?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Alam kong mahirap mahirap maghintay sa wala, at bilib ako kay Ander dahil natitiis nya ako.

"Pwedeng paki bilisan?" Nakangusong sabi nito kaya natawa ako.

"Bili tayong fishball." Pagiiba ko nang usapan, agad namang lumiwanag ang mukha nya dahil sa sinabi ko. Gusto na rin nya kasi nang fishball pero ako naman ang nagbabawal sa kanya. Sinusunod nya ako kasi one time na bumili sya nang fishball hindi ko sya pinansin nang isang week. At talagang hindi na nya ginawa iyon.

"Kuya twenty pesos nga po na fishball." Sabi nya sa nagtitinda. Bagot na bagot na nga rin ang loko dahil ang daming bumibili kaya hindi sya napapansin.

"Kuya, make it fifty." Sabi ko dahil plano pa ata ni Ander na bumalik ulit dito.

Binigay naman samin ang binili namin tapos bumili rin kami nang buko juice at naupo sa swing habang napapalibutan nang mga batang naglalaro.

Nang maubos na namin an fishball itinapon na namin ito sa basurahan at bumalik na kami sa swing.

Sunset na. Halos isang oras na kaming nakaupo duon at naramdaman kong itinulak ni Ander kung ulo ko pahilig sa balikat nya tapos inakbayan ako.

"Milly?" pagtawag nya saakin.

"Hmmm?"

"Pwede ba kitang ligawan?" Napatigil ako dahil duon. Ander's my bestfriend for god knows how long at never kong naimagine na liligawan ako ni Ander. Hindi ko alam ang mararamdam dahil sa sinabi nya. Pero kusa nalang lumabas sa bibig ko ang sagot.

"Okay." Naramdaman kong napangiti sya dahil duon at mas hinigpitan ang pagkaka-akbay saakin.

"I love you, milly." Mas lalo akong napangiti dahil duon.

"I know." Yun na lamang ang nasabi ko dahol hindi ko alam ang dapat isagot sa kanya.

"80% na, Ander." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"It's moving fast." Natatawang sabi nya at hinalikan ang noo ko. I feel so respected everytime na hinahalikan nya ang noo ko.

"Anong balak ko ngayon? One month nalang pasukan nanaman." Pagbubukas nya nang usapan nang wala nang nagsalita.

"I don't know, ikaw? Hindi ka ba pupunta sa Germany para bisitahin ang parents mo?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko namang nalungkot sya dahil dun.

"Saka na." Sabi nya. "Isang buwan na rin at hindi parin nagpapakita si Alter. He's still my brother, milly. At nagaalala ako sa kanya." Sabi nito at naramdaman kong may tubig na tumulo sa balikat ako. Tinignan ko sya at nakita kong pinahid nya ang luha nya. I feel sorry for him.

"Kuya Alter is my best bud since nagkaisip na kami. Lagi ko syang kasama sa mga kalokokan at sabay kaming nagtatago kapag nagagalit sila mommy. Nung nag school sya umiiyak ako dati kasi akala ko aalis nya." Sandali nyang napatigil ang pinahid muli ang luha na kumawala sa mga mata nya.

"Pero nung mag e-eight na sya at ako naman mag f-five umalis sya nang bansa at sumama kay daddy. Ang sabi sakin ni daddy kaya daw nya isasama si kuya para itrain sa business namin, at pinaniwalaan ko yun. Pero may iba pa palang dahilan, at hindi ko alam ang dahilan na iyon. At duon ko kayo nakilala. After ten years bumalik ulit sya pero hindi na tulad nang dati, he became cold sa hindi ko alam na dahilan. Naging ilap na sya sa tao, and then one day ipinagtapat nya saakin na may natitipuan na syang babae. At yun yung ate mo." Tinignan nya ako after nyang sabihin yun at ngumiti nang napait.

"Hanggang na nagulat nalang kami dahil nagteacher nya. Alam kasi namin na hindi nya iyon gusto at isa pa bata palang sya hate na hate na nya yung mga teacher nya, kaya nagtaka kami. Hanggang sa nalaman ko na ikaw pala ang pakay nya. Pinabayaan ko sya kahit na mahal kita dahil iniisip ko si kuya, and then nalaman ko na ginamit ka lang pala nya para mapalapit kay ate riley. Mailap kasi si Ate Riley kay kuya at hindi nya ito pinapansin. Hindi ko alam na magagawa ito ni kuya sayo, sa bestfriend at mahal ko pa kaya nagalit ako sa kanya, he tried na mag explain saakin pero hindi ko sya pinakinggan." Tumingin mula nya saakin at tumayo.

"Tara na, mag gagabi na." Sabi nya at inalalayan akong makatayo.  pala, wala pa ako sa eksena, si Ate na agad ang nasa puso ni Alter. Ako pala ang umeeksena.

Buong byahe tahimik lang kami, walang gustong nagsalita hanggang sa nakarating kami sa bahay.

"Good night, milly. I love you, always remember that." Sabi nito at hinalikan muli ako sa noo.

"Good night." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan nya bago ako pumasok sa bahay.

Now, I know gagawin ko ang lahat para mahalin ng puso ko si Ander.

.......

May nagbabasa ba nang story ko? Hahaha, anyways. Natatawa talaga ako sa pinublish ko na story 'Best among the Best stories' nagrerecommend po ako duon nang stories.
And ang saya ko kasi naka 4k reads ako, yun pala na kamit ko yun dahil naipublish ko na sya one year ago.

Hahahaha, akala ko marami talaga syang readers yun pala pinarami lang ng panahon.

My Teacher's PlanWhere stories live. Discover now