Fifteen

2.1K 55 3
                                    

Maganda ang gising ko ngayong araw, hindi na tulad nang dati kung gigising ako iiyak ako dahil maaalala ko nanaman si Alter. Ibang iba ang gising ko ngayon dahil si Ander ang taong unang pumasok sa isip ko.

Bumaba na ako pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush.

Pagbaba ko napakunot ang noo ko nang may maamoy akong pagkain, iginala ko ang tingin sa paligid at nakita ko yung vase, kinuha ko iyon para maging pamalo sa intruder na pumasok sa Condo ko.

Hahakbang sana ako nang may biglang mag takip nang mata ko, "aaaaaah! Ander help! Aaaah!" Hindi ko kung bakit pangalan ni Ander ang isinigaw ko eh wala naman sya dito.

Nanginig ang buong katawan ko nang may maramdamang bakal sa leeg ko, well, mukha namang hindi matulis pero malay mo!"

"Please po, kung sino ka man, wag mo akong patayin. Mag Momove on pa ako, bibisitahin ko pa si ate, magpapa-alam pa ako kila mama, at higit sa lahat sasagutin ko pa si Ander!" Umiiyak na sabi ko pero napatigil ako nang narinig kong tumawa ang intruder sa bahay ko. Oh lord, bakit ka boses ni Ander?

Tinanggal nito ang pagtakip sa mata ko kaya agad akong humarap at nakita ko si Ander na nakatayo habang tumatawa at may hawak na spatula. Yun pala yung inilagay nya sa leeg ko.

"Gago ka, Ander!" Galit na sabi ko at pinaghahampas sya pero ang loko hindi parin tumitigil sa katatawa.

"Ouch, milly! Yung sinabi mo ahh, sasagutin mo pa ako! Dali na, gawin mo na ngayon." Napatigil ako sa pagpalo sa kanya dahil sa sinabi nya, naramdaman ko ang pamumula nang buong mukha ko dahil sa sinabi nya.

"Che! Umayos ka! Joke lang yun, saka
na." Sabi ko habang naka cross arm pa. Napasimangot naman sya dahil sa sinabi ko kaya time ko na para tumawa.

"Milly, naka bra ka ba? Bakat kasi yang--" hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil tinampal ko yung bibig nya at tinakpan yung dibdib ko.

"Ang bastos mo! Manyak!" Sigaw ko sa kanya ta tumakbo na papuntang kwarto para magpalit nang matinong damit, like, alam ko bang andito sya?

Pagbaba ko, naabutan ko syang nagluluto at nang mapansin nyang nandito na ako lumapit sya sakin at ang dami kong tawa dahil suot nya yung panda kong apron. Pero nakakainis, imbes na magmukha syang bakla mas naging manly pa sya sa paningin ko. Naka topless pa kasi ang loko.

"Take a pic, milly. It will last longer." Nakangising sabi nito na ikinapula muli nang mukha ko. Kinusilapan ko sya umupo na sa upuan.

Kumain na kami after nang scene na yun.
Habang kumakain kami napansin kong tingin ng tingin sakin si Ander.

"Tinitingin tingin mo dyan?" Masungit na tanong ko nang hindi parin ito tumigil.

"Ang ganda talaga nang soon-to-be wife ko." Sabi nito at sumubo habang nakatingin saakin. Naman eh Ander, bakit pagsubo mo lang nagiging hot na rin sa paningin ko.

"Wife ka dyan! Eh ni hindi pa nga kita sinasagot eh!" Nakangisi kong sabi sa kanya kanya, saglit naman syang natigilan naparang nag sink sa kanya yung sinabi ko.

"Hindi na problema yun kung sasagutin mo na ako." Sabi naman nya at kinusilapan ko sya.

"I didn't know rolling your eyes can be so hot, milly." Sabi nya kaya kinusilapan ko ulit sya, napangisi namansya dahil dun.

"Sinabihan lang kitang hot kung kumukusilap, ginawa mo naman na." Natatawang sabi nya at ipinaglatuloy nang kumain.

Naghugas na akong plato after non, I insist na rin kasi, syempre sya na nga yung nag luto, alangan namang sya pa yung maghuhugas. Umupo naman yung feel at home na loko sa sofa at nanood ng tv.

"Milly babe! May kumakatok!" Sigaw nito mula sa sala habang nag huhugas ako.

"Buksan mo na, manguutos ka pa!" Balik na sigaw ko sa kanya. Hindi ko naman na narinig na sumagot sya ay narinig lang ang mga yabag nang paa nya. Pinagbuksan na nya ang kumakatok.

Naghuhugas ako nang may biglang yumakap sakin habang umiiyak, tinignan ko naman ito at nakita si Airee na umiiyak. Pinaupo ko muna sya sa upuan tapos naghugas nang kamay.

"What happened?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong umupo sa harap nya at binigyan sya nang tissue. Nasa likod ko naman si Ander na nasa mukha rin ang bakas nang pagaalala. Teka nga, kelan pa nagkasundo ang dalawang to?

"Radon." Sabi nito na nagpakunot nang noo naming dalawa ni Ander.

"He's my fiancee, pinagkasundo kami ng parents namin, hindi pa kami pinapanganak, nakatakda na kami sa isa't isa. Hindi ko namalayan na unti unti na palang nahulog ang loob ko sa kanya. And I thought parehas ang nararamdaman namin pero hindi pala. He just used me, nag panggap syang mahal nya ako para makuha ang mana nya. Ang sakit bessy, sobrang sakit." Umiiyak na sabi nito saakin, agad naman akong tumayo at yinakap sya.

"Hush na bessy. Magiging okay din ang lahat."
Nasasaktan ako para kay bessy lalona't parehas pa pala kami nang pinagdaanan.

Nang tumahan na sya parehas kaming tumingin kay Ander na nakatingin din saamin.

"Oy, Oy hindi ko niloloko si Milly babe ko ahh! Seryoso ako sa kanya no." Sabi nito habang nakataas pa ang kamay, parehas naman kaming napatawa ni Airee dahil sa sinabi at reaksyon ni Ander.

"Wag mo nang pakawalan ni Ander, bessy." Bulong sakin ni Airee, napangiti naman ako dahil dun.

"Don't worry I won't." Nakangiting bulong ko din sa kanya.

"Kayong dalawa, anong binubulong bulong nyo dyan!" Naka ngusong sigaw samin ni Ander kaya mas lalo kaming natawang dalawa.

"Wala, ang pogi mo daw sabi ni Millet." Natatawang sabi ni Airee, tumingin naman sakin si Ander kaya tumango tango ako. Nakita ko namang namula ang buong mukha nya kaya mas lalo akong natawa.

Hay nako Ander, kahit kelan hindi mo pa ako nabigo. At alam ko, nahuhulog na ako sayo. Sana saluhin mo ako nang buong puso.

I like you, Ander. So much.

..............

Hindi ko na ito masyadong pahahabain siguro hanggang chapter 20 or 30 ang itong MTP.
Anyways, happy 41 reads guys!

My Teacher's PlanWhere stories live. Discover now