Chapter 2

9.2K 353 234
                                    

Chapter 2: Real na Real

Ikumi's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba lahat ng mga nasaksihan ko? From an old woman, she turned into a young lady? Oh no! This is not happening!

"Tama ka sayong iniisip iha. Ako nga ito. Ang matandang tinulungan mo kanina. Walang iba kundi si Ophelia Snow." masayang wika ng dalaga.


"Pero p-pano pong nangya-yari yun? Ano yun Magic? Sabihin nyo nga po, Nababaliw na ba ko?" utal at nagulumihanang tanong ko.

"Hindi pa naman iha, pero malapit na." sagot ng estrangherang dalaga sakin.

"WHAAAAAAAAAAT?!" naloloka na ko dito.

"Haha! Huminahon ka iha. Wala akong gagawing masama sayo. Sa halip, gusto pa kitang tulungan bilang kabayaran sa kabutihan mo." paliwanag ng diwata.

"First of all, sino po ba talaga kayo? Bakit nakakaloka po ang pasabog nyo? I mean, kanina matanda po kayo pero heto kayo ngayon, batang bata. Dinaig pa ang nagpa-Plastic surgery." paliwanag at sunod-sunod kong tanong dito.

"Ako si Ophelia Snow. Isa akong diwata. Ako ang gumagabay sa inyong mga taga-lupa. Ang misyon ko ay ang hanapin ang isang mabuting taga-lupa na mag-iingat sa isa sa aking mahahalagang gamit. At yan ay ang hawak mong pen ngayon." Pagpapaliwanag nito sa'kin.

Nagulat ako sa mga rebelasyong nalaman ko mula sa dalagang kaharap ko ngayon.

"OH... MY GOSH!" ilang minuto rin akong natulala at pilit na ina-absorb ang mga katotohanang kitang-kita mismo ng aking mga mata.

Kung ano-ano na ang pinaggagawa ko sa sarili ko, makumbinsi lang ang utak ko na totoo ang lahat ng 'to.

Kinurot ko ng malakas ang braso ko, piniga-piga ang pisngi ko, at sinampal ko pa ang mukha ko para magising sa katotohanan.

"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAY! Damn! It hurts. Ibig sabihin hindi ako nananaginip! Totoo ka nga! Astig. Real na real na may nag-eexist na diwata!" manghang sabi ko sa'king sarili. 

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Where stories live. Discover now