Chapter 7

3.9K 209 42
                                    

Chapter 7 : Radar

Dedicated to: K___deanne
For insisting and making a fabulous cover just for me. Thank you again. ^^


Persephone's POV


Kinabukasan...

Ang ganda ng ngiti ni bebest Ikumi ngayon. Parang may kakaiba. Mukhang may magandang nangyari sa kanya.

Kaming dalawa lang ni Ikumi ang magkasama dahil absent si Zaff. Nasa canteen kami ngayon at kalagitnaan ng Lunch break namin.

"Ang ganda ng ngiti natin bebest ah. Ano ganap?" pag-uusisa ko kay Ikumi.

"Haha pinagsasabi mo bebest? Walang ganap." maang-maangan pa niyang sagotsagot sa akin sabay subo ng kaniyang pagkain.

"Sus, wala raw. Alam mo bebest hindi pa pumapalya ang radar ko sa pagsagap kung may tinatago ka sakin o wala. Kilalang-kilala kita mula sa anit mo hanggang sa dumi sa paa mo. Kaya ang mabuti pa ikwento mo na girl. Pa-thrill ka e no." sambit ko sa kaniya.

"O sige na nga! Ultimate chismosa ka talaga ng buhay ko kahit kailan."pagsuko niya. Sinasabi ko na nga ba, may tinatago siya sa'kin e.

"Tinesting ko na yung pinakita ko sa inyo ni Zaff na magic pen." pagsisimula niyang kwento sa akin.

"O tapos? Ano una mong drawing?" agad-agad kong tanong sa kanya. Haha ano ba yan, ang bagal naman niya magkwento. Excited na 'ko.

"'Yon na nga. Bahay 'yong una kong drawing bebest. Noong una, akala ko wa epek kasi ang panget ng kinalabasan. Tapos ang galing!
Bigla na lang gumanda 'yong drawing ko. Then, nilapag ko siya sa sahig. Tapos pinalibutan ng liwanag ang kwarto ko. Tapos pagmulat ko. Te den... 'Yong kwarto ko nag-iba bebest, gumanda at naging pangmayaman! Puro Hello Kitty na kagamitan 'yong nasa kwarto ko. Wait, there's more. 'Yong bahay na dinrowing ko no'ng nagkatotoo naging mansyon bebest. Take note, may bonus pang swimming pool, Sa'n ka pa." Pabulong na kwento at pagbibida sakin ni Ikumi. Mahirap na, baka may makinig at agawin pa kay bebest 'yong iniingatan nyang pen. Kitang-kita ko ang galak sa kaniyang mukha.

Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon